VH 9

571 26 1
                                    

HINDI alam ni Ryker kung bakit niya dinala sa unit niya si Jos. Hindi niya alam kung bakit niya tinutulungan ang babae. At mas lalong hindi niya alam ang mga kinikilos ng katawan niya kapag nalalapit ito sa kanya.

Mataman niyang tinitigan ang maamo nitong mukha habang nakapikit. Dahil sa mga humahabol sa kanila kanina or should he'd said, dahil sa humahabol kay Jos kanina, hindi niya namalayan na napalayo na pala sila sa siyudad kung saan naroroon ang unit niya.

Sa layo ng inabot nila, nakatulugan na ni Jos ang biyahe.

Sa una ay hindi naman talaga niya intensyong dalhin ito sa unit niya ngunit nang akma na nasa niya itong tatanungin ay saka pa lamang niya napagtantong mahimbing na pala itong natutulog sa tabi niya. Imbes na gisingin ito at tanungin kung saan niya ito ibababa, he decided to take the woman on his place. He even carried her from the parking lot to his room. Napailing-iling na lamang siya.

As he stared intently on her angelic face, Ryker traces a mark of tiredness on her forehead. The urges of caressing her face is tempting him. He took a deep breathe saka tumuwid ng tayo at iniwanan ang babae sa loob ng silid niya na tulog mantika.

Pagkalabas ng kwarto ay diretso niyang tinungo ang kusina para makapaghanda ng pwede niyang lutuin. Ngunit pagkabukas na pagkabukas niya sa ref ay ganoon na lamang ang pagbagsak ng mga balikat niya nang makitang walang kalaman-laman ang ref niya maliban na lamang sa ilang petsel ng tubig, tira-tirang mga sandwich spread at ilang pirasong itlog.

He cursed himself silently. He totally forgot na dadaan pala dapat siya ngayon sa grocery to buy some stock. He sighed and turned his back, back to the living room. He doesn't have any other choice but to order some foods cause he's starving already.

He waited for more than a minutes but less than an hour for his order to arrived.

Kasabay nang pag-alis ng delivery man ay ang pagbukas ng kwarto niya. Hindi na sana niya ito lilingunin pa dahil alam naman niya kung sino ito ngunit hindi niya mapigilan ang sarili lalo na nang magsalita ito at may tinawag.

"Baby..."

NAALIMPUNGATAN si Jos mula sa mahimbing na pagkatulog. Kinapa-kapa niya pa ang tabi ng kinahihigaan niya kung saan palaging pumepwesto ang alaga niyang si Luvan. Jos and her pet are always sleeping together, to even cuddled like Luvan is really a person, kaya nakasanayan na niya na sa tuwing gigising siya ay ito na ang unang bubungad sa kanya.

Nang hindi niya makapa si Luvan sa tabi niya ay pikit-mata siyang tumayo at tinungo ang pinto without bothering to scan the room where she's currently at.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng silid ay ang alaga kaagad niya ang tinawag niya while rubbing both of her eyes.

"Baby..." she called it ngunit ilang segundo na lamang ang lumipas ay wala pa ring lumalapit sa kanya kaya naman ay bahagya siyang nagtaka.

Jos take her hands from her eyes and opened her eyes completely, scanned the area, only to find out na wala pala siya sa sariling pamamahay.

"I didn't know na nagbago na pala ang pangalan ko... Or, should I assumed that it was your endearment for me?"

Mabilis na nilingon ni Jos ang nagmamay-ari ng boses at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makilala ito.

"Baby huh..." may mapaglarong ngiti ang nakaukit sa mga labi nito ng bigkasin nito ang katagang iyon.

"Hoy! Hindi ikaw ang tinutukoy ko ah. I thought na nasa bahay ako and I'm looking for my baby..." mabilis na alma niya sa tinuran nito.

"Yeah, I know. You're looking for me, and I'm here now."

"Hindi nga ikaw yun!" naniningkit ang mga matang niyang alma niya rito.

Nang makita niya itong bahagyang natatawa ay mas lalo pang naningkit ang mga mata niya at matalim ang mga matang ipinikol dito. "At ano namang nakakatawa, huh?"

"You're cute." he said while smiling.

Sa tinuran nito ay bigla siyang natigilan. Hindi alam ni Jos kung bakit pero...

"When you have a morning star in your eyes." dagdag na wika ni Ryker na ikinanlaki naman ng mga mata niya.

"What the... You!"

"Hahaha!"

MABILIS na tumakbo ng kusina si Ryker ng makita niyang hinuhubad ni Jos ang suot nitong sneakers. Alam na niya kung ano ang gagawin nito kaya para makaiwas sa sakit ng katawan na maaari niyang matamo ay kaagad na siyang lumayo rito.

"Hoy! Bumalik ka rito, Vaporub ka! Mag-evaporate ka na sana!" rinig niyang sigaw nito mula sa sala.

Napailing-iling na lamang siya nang maalala ang sinabi niya kay Jos kanina. Kailan pa siya natutong mantrip ng tao? Ngayon lang yata. And that because of that woman. Now, what's happening to him, really?

Muli niyang iniling-iling ang ulo at pilit na inialis sa isipan ang babaeng kasalukuyang nasa loob ng pamamahay niya ngayon at pilit na itinutuon sa pagsasalin ng mga inorder niyang pagkain sa mga pinggan ang buong atensyon.

Pagkatapos niyang maihain ang lahat ng pagkain sa dining table niya ay bumalik siya sa sala upang tawagin si Jos. Pagdating niya sa hamba ng pintuan ay tatawagin na sana niya ito nang bigla siyang matigilan sa nakitang ginagawa nito.

ASAR na sinundan na lamang ng tingin ni Jos si Ryker na patakbong tinungo ang isang pinto na hinuha niya ay ang kusina. Muli niyang isinuot ang hinubad na sneakers pagkatapos ay akma na sana niya itong susundan nang bigla siyang matigilan at mapadaing.

"Ouch shit!" she cursed nang biglang kumirot ang tagiliran niya.

She totally forgot na may sugat pala siya roon nang madaplisan siya nang saksak sa mga humahabol sa kanya kanina nang muntikang na siya ng mga itong mahuli.

Kagat-labi siyang humugot ng marahas at malalim na hininga kapagkuwan ay maingat na iniangat ang suot na itim na blouse. Sinilip niya ang kalagayan ng sugat niya roon at hindi niya mapigilang ang mariing pagpikit ng muli itong kumirot dahil sa bahagya niyang pagyuko.

Nang makita ang sugat ay muli na lamang siyang napakagat ng labi nang dumugo na naman ito. Puno na ng dugo ang telang ibinalot niya rito kanina para kahit papaano ay maagapan at matigil ang pagdaloy ng dugo. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya makalaban ng maayos kanina kaya pinili na lamang niya ang tumakbo.

"Kapag minamalas ka nga naman..." bulong niya sa sarili sabay upo sa couch na malapit sa kanya at sinipat nang mabuti ang sugat niya.

"You're hurt."

"Aray, shit!" daing niya nang mapaigtad sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran niya.

"Hutang inamels. Wag ka namang manggulat hutang na labas." aniya nang lingunin niya ito ngunit bigla rin siyang natigilan ng makita ang mukha nito na nakatitig sa dumudugo niyang sugat.

*********

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon