VH 30

387 19 0
                                    


SA TULIN ng pagpapatakbo nila sa mga dalang sasakyan, mabilis na narating nila Ryker ang lugar na isa sa pinaglulunggaan ni Akaniro, ang isa sa mga base nito at the same time ay laboratory.

Marahas na humugot nang malalim na hininga si Ryker bago bumaba ng kotse habang sukbit sa kanang balikat ang isang bag na may lamang mga weapon. They are still meters away from the exact location. They choose to leave their wheels on those area para na rin hindi kaagad mapansin ng mga tao sa loob ng base ang presensya nila.

"Handa na ba ang lahat?" mula sa pagtanaw sa isang gusali na nasa sentro ng isang kasukalan, nilingon ni Ryker ang nagsalita.

"Yes." sina Suher ang sumagot sa Tito Shinji niya na siyang nagtanong, samantalang tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito at nakikiramdam sa paligid.

"Just like what the plan is, we're going to approach Akaniro's men from different direction, but from doing so, it should be necessary." pahayag pa ng tito Shinji niya na seryusong pinapasadahan sila ng tingin. "As much as possible, iiwasan nating makuha ang atensyon ng kung sinuman ang nasa loob. The only reason why we're here is Jos, only her... got it?"

Maliban sa limang tauhan ng Palacio, sila lang nila Jinx, Suher, Trevor at ang Tito Shinji niya ang naroon para pumasok sa base na iyon ng Pirate Skull. Nauna na kasi sa loob ang tito Ellio niya para siguraduhin na maaayon sa pinagplanuhan nila ang lahat. He wants to make sure that everything will be as smooth as a freaking cotton.

"Yes! Got it!" seryuso at sabay-sabay na sagot dito ng mga kasama niya.

"Ryker?" baling nito sa kanya.

"Yeah." tugon niya nang makuha ang ibig sabihin nito saka niya pinindot ang isang botton sa kaliwang bahagi ng suot niyang salamin, activating the scanning mode on it.

Ryker scanned the perimeter, looking for some opening na malaya nilang papasukan. Ang sabi ng Tito Ellio niya, ay may dalawa raw na exit ang building. Dahil kita naman mula sa kinaroroonan nila ang buong building, walang kahirap-hirap niyang nakita ang mga exits na iyon.

Mula sa pagtanaw sa gusaling iyon ay binalik niya sa mga kasama ang paningin and says, it's cleared.

Nagmistulang senyales sa mga ito ang sinabi niyang iyon para magsikilos. Malalaki ang mga hakbang na tinakbo nila ang pagitan ng kinaroroonan nila sa gate ng base. Pagkarating ay muling ipinalibot ni Ryker ang mga mata sa paligid. Nang makitang wala pa ring nakabantay sa exit na nasa likuran ng building banda, kaagad niyang sininyasan ang mga kasamang sumunod sa kanya.

"ARE you sure this is the place?" Annette asked Glenne habang tinatanaw ang isang may kalumaang building gamit ang isang telescope na hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.

"Yes," Glenne replied shortly.

"If that so, let's get it over then." sagot niya habang kinakabit sa magkabilang hita ang dalawang baril.

"Yeah, let's hit it on." Glenne response kasabay nang pagkasa nito sa hawak na baril.

Tahimik na pinasok nina Annette at Glenne ang isang warehouse na na-locate nila. The place is quite far from the city, gayunpaman ay mabilis lang din nila itong narating.

Nang makapasok ay hindi mapigilan ni Annette ang mapakunot ang noo nang may mapansin siya.

"This place looks deserted." hindi niya mapigilang turan habang maiging minamatyagan ang paligid. Sa mga oras na iyon ay dapat may nakita na silang mga tauhan ng Pirate Skull na nagbabantay sa paligid o di kaya ay nasa laban na sila but... they found no one, which is odd.

"Yeah... and I don't get it." sang-ayon ni Glenne na nasa likuran niya. Bahagya niya itong nilingon, kaya hindi nakaligtas sa kanya ang pagkunot din ng noo nito. "I'm pretty sure that this is the place," dagdag pa nito.

"Maybe, this is really the place but..."

"But what?"

"Guess we're late," aniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Glenne asked her.

"What I mean is, nakaalis na sila bago pa tayo makarating dito."

"But it's..."

"It's not impossible, Glenne. They are the Pirate Skull, after all. They are no ordinary, we shouldn't underestimate them." seryuso niyang pahayag dito.

"Kung ganoon, ano nang gagawin natin?"

"Let's keep on searching 'em, we've got to find Jos whatever it takes, but before that, galugarin na muna natin ang kabuuan ng warehouse na ito, baka sakaling may makuha tayong impormasyon sa iba pa nilang hideouts."

"Sige."

PAGKAPASOK nila Ryker sa loob ng base ay mabilis nilang ipinalibot ang mga mata, hinahanap ang sinasabing kahon ni Ellio na may mga lamang lab coat at facemask.

"Ryker, here!" pasigaw na bulong ni Shinji sa kanya dahilan para mapalingon siya rito. Mabilis siyang lumapit dito at inabot ang puting lab coat mula rito at isinuot pati na ang facemask to cover them up para kahit papano ay hindi sila kaagad makikilala.

"Hoy!"

Biglang natigilan sila Ryker sa pag-aayos ng suot na facemask nang may biglang sumigaw. Nagkatinginan sila ni Shinji at akma na sanang gagawa ng hakbang nang muling magsalita ang lalaking nasa likuran nila.

"Nandito lang pala kayo. Alam niyo bang kanina ko pa kayo hinahanap ha? Ano bang ginagawa niyo rito?"

Muling nagkatinginan sila Ryker saka dahan-dahang nilingon ang lalaki. "Nagpapalit lang ng coat, naba--"

"Di bale, bilisan niyo na lang diyan at sisimulan na ang operasyon sa babae." putol nito sa sasabihin sana ni Shinji, "Kailangan kayo roon." dagdag pa nito saka tumalikod.

Makahulugang nagkatinginan sina Ryker at Shinji sa narinig. Alam nilang pareho kung sino ang babaeng tinutukoy ng lalaki. Si Jos.

"You know what to do. Let's go."

Tanging tango lamang ang naging tugon ni Ryker kay Shinji saka tumalima. Habang sinusundan ang lalaki ay hindi mapigilan ni Ryker na mapakuyom ng mga kamao lalo na sa isiping maaaring mangyari kay Jos kapag hindi nila ito mabawi sa tamang oras.

"Play it well, Ryker..." bulong sa kanya ni Shinji nang magkapantay sila at bago siya nito nilampasan. Napatitig siya sa likuran nito saka napangisi.

"As you wish, Tito..." he murmured.

*******

-typos&errors

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon