TAHIMIK na tinatahak ni Jos ang hallway patungo sa cafeteria ng school. It's their break time at katulad ng ginagawa niya nitong mga nagdaang araw, kaagad siyang lumalabas ng classroom nila as soon as their prof dismissed them.She spent her vacant time thinking kung ano ang dapat niyang gawin para makuha sa mga kamay ng Pirate Skull ang formula. Inuubos niya ang mga oras niya kakaisip kung dapat pa ba talaga niya iyong kunin o hayaan na lang ito, hindi rin naman kasi gagana ang formula'ng iyon kung wala ang solution. Kung wala siya.
Mula sa malalim na pag-iisip at dahan-dahan na paglalakad, napaangat ng mukha si Jos mula sa pagkakayuko nang may marinig siyang pamilyar na mga boses. Nang sinundan niya ang pinanggalingan niyon ay hindi nga siya nagkamali. Ang grupo nila Ryker ang makakasalubong niya.
Ngunit bago pa man siya makita ng mga ito, mabilis ang mga hakbang na lumihis siya ng daan.
Sa locker room siya dinala ng pag-iwas niya kina Ryker, kaya naman ay tinungo na lamang niya ang sariling locker para ilagay doon ang librong bitbit niya.
She's about to type her locker's passcode nang matigilan siya nang isang kamay ang pumigil sa kanya, sa pamamagitan ng pagharang nito sa maliit na screen ng passcode machine. Nilingon niya ang nagmamay-ari ng kamay at nang makilala kung sino ito, napakunot ang noo niya.
"What--" magsasalita pa lang sana si Jos nang pigilin siya nito.
"I saw you, in the hallway... and I think, Jinx was right. Iniiwasan mo kami. Why is that?"
"Bakit ko naman kayo iiwasan?" maang na ganting tanong ni Jos kay Ryker.
Ryker shrugged. "Who knows? O baka naman, dahil sa nangyari sa hospital between us--"
"Stop. Hindi ko kayo iniiwasan at kahit minsan, hindi sumagi sa isipan ko ang tungkol sa ginawa mong paghalik sa akin." putol ni Jos sa mga sasabihin pa ni Ryker.
"Oh... that kiss..." he smirked playfully. "I didn't know that you were thinking about it."
Nanlaki ang mga mata ni Jos sa narinig. "Hoy! Kasasabi ko lang na--"
"And how sure you are na tungkol sa halik na iyon ang sasabihin ko nang putulin mo ako kanina? As far as I remember, hindi lang ang halikan natin ang naganap sa ospital..."
Natigilan si Jos. He was right. And now, she doesn't know what to say. Mukhang-- "H-hey! Anong--"
Jos felt her face burning up nang bigla na lamang inilapit ni Ryker ang mukha nito sa kanya at bumulong, "Stop denying baby... Huli ka na... from the very beginning." he whispered right over her ear. "And stop avoiding us. It will never work." dagdag pa nito.
Hindi kaagad nakahuma si Jos sa narinig. Hindi rin niya alam kung bakit siya nabato sa tinuran ng binata. Dahil sa mga sandaling iyon, isa lang ang alam niya. Iyon ay ang abnormal na pintig ng kanyang pulso. Ang malakas na tibok ng kanyang puso.
"What the heck..." Jos muttered nang hindi man lang niya namalayang wala na pala sa harapan niya si Ryker.
Napabuga na lamang siya ng hangin at muling ibinalik sa pagbubukas ng locker ang buong atensyon, trying to shoved off Ryker's words inside her mind.
Ngunit sa pangalawang pagkakataon, muli na namang nabato sa kinatatayuan si Jos nang makita kung ano ang nasa loob ng locker niya pagkabukas niya nito!
"What the fuck!"
Nanginginig ang kamay at pigil ang hiningang inilabas ni Jos ang kahon na nasa loob ng locker niya. Isang kahon na may lamang patay na tuta!
Nang mapadako ang paningin niya sa mga nakabukang patay na mga mata ng kawawang hayop at makita ang kulay nito, ganoon na lamang ang pagkuyom ng mga kamao niya at ang pag-igting ng mga bagang niya.
Walang duda. Sila ang may kagagawan nito. Ang Private Skull.
"I knew it. Nand--what the hell!"
Mabilis na nilingon ni Jos ang nagmamay-ari ng boses na noon ay nakatuon na ang mga mata sa hawak niyang kahon ng sapatos.
Gulat at nakangiwi itong nakatingin sa patay na tuta, maya-maya pa ay nag-angat ito ng tingin sa kanya.
Nang makita ni Jos ang bahagyang pagbukas ng bibig ni Glenne upang magsalita ay inunahan na niya ito.
"Alam mo na kung sino." maiksi niyang pahayag sabay kuha niya sa takip ng kahon na nasa loob lang din ng locker niya at tinakpan ang nagsisimula nang mangamoy na bangkay ng tuta.
"So...?"
Bahagya lamang na nilingon ni Jos si Glenne na nakasandal sa isang locker na katabi lang ng sa kanya at nakamasid lang sa kanya.
"Guess, I have to move as soon as possible. Ayokong dumating sa punto na hindi lang hayop ang pag-iekspirimentuhan nila kundi maging tao na rin katulad ng ginawa nila noon." tiim-bagang na pahayag niya kay Glenne.
"Correction." anas ni Glenne sabay ayos ng tayo. "It's not just you alone. It's us. Laban mo, laban din namin. We're one team here, Jos." seryuso nitong turan.
Napahinto mula sa paglilinis ng sariling locker si Jos at napatitig kay Glenne, kapagkuwan ay hindi niya mapigilang mapangiti. She's still lucky to have them. Her friends. "I know." she muttered sabay sarado ng locker niya.
Napangiti rin si Glenne nang makita ang mga ngiti sa labi ni Jos. "So, saan tayo magsisimula?" tanong niya rito.
"Sa tutang ito." balik sa seryusong mukhang tugon ni Jos kay Glenne. "Call Annette, we're going to hunt 'em one by one." dagdag pa niya.
"Got it." Glenne instantly replied sabay kuha niya ng cellphone niya na nasa bulsa lang ng skirt na suot niya saka nag-umpisang mag-compose ng mensahe.
Maya-maya pa ay sabay silang dalawa na lumabas ng locker room at tinahak ang daan patungo sa parking lot kung saan naghihintay na sa kanila si Annette.
"ANONG balita, bud? Naikabit mo ba?" ang bungad ni Jinx kay Ryker nang makapasok ito sa loob ng tambayan.
"Yeah." Ryker replied shortly sabay bagsak ng katawan niya sa isang couch.
"Anong naikabit?" usisang tanong ni Suher na kalalabas lang ng kusina.
"Ang tracker." si Trevor ang sumagot kay Suher na nasa sala lang din nakaupo habang may kinakalikot sa ipod nito.
"Tracker para sa saan?" muling tanong ni Suher na nakakunot na ang noo.
"Hindi para saan kundi para kanino."
"Eh di, para kanino nga?"
"Jos..." Ryker butt in na siya namang ikinalaki ng mga mata ni Suher.
"Bakit niyo naman kinabitan ng tracker si Jos?" gulat na tanong ni Suher sa mga kasama.
"To monitor her whereabouts." sagot ni Jinx. "And of course, para malaman natin kung saan siya pumupunta nitong mga nakaraang araw." dagdag pa nito.
Hindi nakaimik si Suher sa narinig.
"How about the others?" Trevor asked dahilan para mapabaling sa kanya sina Jinx.
"You mean, sina Glenne?" Jinx asked back na siyang ikinatango lang ni Trevor. "Hindi na sila kailangan pang kabitan, sigurado namang kung nasaan si Jos, nandoon din sila."
Tumango-tango lang si Trevor sa narinig at hindi na muling nagsalita pa.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang apat nang basagin ito ni Ryker. "They're going somewhere. Let's go." pahayag nito sabay tayo mula sa kinauupuan.
Mabilis naman nakuha nina Jinx ang ibig sabihin ni Ryker, kaya nang lumabas ang huli ay kaagad din silang kumilos ay sinundan ito.
********
-typos&errors
Fairy Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...