VH 18

480 23 0
                                    


PAGKALABAS ni Ryker sa ospital ay kaagad siyang dumeritso sa Palacio para alamin kung tungkol saan ang pag-uusapan nila.

Wala siyang ideya kung tungkol na naman saan ang pagpupulungan, last time kasi na may naganap na meeting sa Palacio, tungkol lang sa kung paano pananatilihin ang kaayusan nito ang pinag-usapan nila since wala namang problema ang kahit na alinmang base ng Crascent. Kaya ngayon ay palaisipan sa kanya kung ano ang magiging topic nila ngayon.

Habang nagmamaneho siya papuntang Palacio, he texted Jinx na nauna na siyang pumunta roon at doon na lang din sila magkita.

Sa bilis ng pagmamaneho ni Ryker, mabilis niya ring narating ang Palacio. Pagkapasok ng gate ay ang mga bati ng mga bantay sa labas ng Palacio ang sumalubong sa kanya. Hindi na niya inabala pa ang sariling ipark ng maayos ang kotseng minamaneho, he just settled it right in front of the two door of the building, turned off the engine and drove out from the car.

Pagkababa ay kaagad naman siyang sinalubong ng dalawang member ng Palacio. Ang isa ay kinuha sa kanya ang susi ng sasakyan para ito na ang magpark ng maayos dito, samantalang ang isa naman ay iginiya siya papasok ng Palacio, deritso kung saan gaganapin ang pagpupulong.

Hindi na nagtaka si Ryker nang matagpuan niya ang sarili sa harap ng nakasaradong pinto ng conference room, cause as always, doon talaga ginaganap ang mga meeting na may kinalaman sa kapakanan ng Palacio.

Mabilis siyang pinagbuksan ng kasama niyang underling ng pinto at doon bumungad sa kanya ang mga malalaking tao na myembro ng Palacio.

Upon entering, Ryker mentally took a deep breathe lalo na nang magtagpo ang mga mata nila ng ina niya. Wala itong bahid ng kahit na anong emosyon na lihim niyang ipinagtataka.

"Mukha seryuso ang pag-uusapan ngayon," Ryker's thought.

Walang imik na pumasok siya sa loob ng conference room, deritso sa tabi ng ina niya at hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati.

"Sit." blanko ang mukha nitong turan sa kanya.

Kahit naninibago, hindi na lang umimik si Ryker at sinunod na lamang ito.

Hindi alam ni Ryker kung ano ang nangyayari, ngunit kung ang mga aura lang ng mga kaharap ang pagbabasehan niya, he's pretty sure that something went wrong, at kung ano man iyon, he's sure that it's quite a big deal.

Ilang minuto pa ang lumipas nang muling bumukas ang pinto ng conference room at sunod-sunod na iniluwal niyon ang mga kaibigan niya, kasunod si Dr. Oak, na Daddy ni Jinx and to Ryker's surprised, kasunod din ng mga ito ang Tito Shinji niya!

"Good. Everybody is here. Let's now start the discussion."

Napabaling si Ryker sa lolo Leonel, ang ama ng mommy niya, nang magsalita ito. Kahit na may edad na ito, Ryker knew that he can still kick asses off.

Lahat ng atensyon ng mga kasama niya ay napunta rin dito saka kanya-kanyang nagsitanguan bilang pagsang-ayon, na siyang ginawa nitong palatandaan upang tumayo sa harapan at nagsalita.

"Alam kung hindi na lingid sa kaalaman niyo ang tungkol sa mechacapsule, tama ba?" paumpisa ng lolo ni Ryker sa harapan na siyang ikinapanting ng mga tenga ng huli!

At nang makita niya ang pagtango-tango ng iba ay wala sa sariling napalingon siya sa mommy niya na katapat lang niya, na noo'y nakatingin din pala sa kanya. Seryuso lang ang mukha nito but her eyes telling him something, he can't name.

And when Ryker heard the word 'Ruin' from his grandfather, na patuloy pa ring nagsasalita sa harap, his mind became blank.

"SAAN tayo pupunta?" tanong ni Jos kay Annette habang lulan sila ng isang puting Sedan. Hindi niya alam kung saan nakuha nila Glenne ang naturang sasakyan, gayunpaman ay hindi na siya nag-usisa pa.

"Sa bahay." simpling tugon sa kanya ni Annette.

"Pero, di ba--"

"Na pinahiram sa atin ni Jinx." putol sa kanya ni Glenne na biglang sumabat sa kanila.

Napatingin siya kay Glenne na nakaupo sa passenger seat, samantalang si Annette naman ang nasa likod ng manibela. Siya naman ay nakaupo sa likod, para daw malaya niyang magagalaw ang katawan niya, since kalalabas pa lang niya ng hospital.

Nang marinig ang sinabi ni Glenne, nagkaroon na rin siya ng ideya kung sino ang may-ari ng sasakyang sinasakyan nila ngayon.

"Baka naman masyado na tayong nakakaabala sa kanila. Pwede naman tayong bumili ng bagong bahay kung--"

"At ano, babawasan mo ang saving na iniwan sayo ng nanay mo para pambili ng bahay? No thanks." seryusong putol sa kanya ni Annette.

"Oo nga naman, Jos. Alam naman nating pareho na may pinaglalaanan ka sa perang iyon, at isa pa... si Jinx na mismo ang nag-offer since wala rin naman daw'ng nakatira sa bahay nilang iyon."

"I doubt that." walang emosyong turan niya. "Baka kamo, dahil sa mga nalalaman natin tungkol sa Mecha at Ruin, kaya nila tayo sini-secure."

"Josphine!"

Kasabay nang gulat na pagbanggit ni Glenne sa pangalan niya at ang biglang pag-apak sa preno ni Annette. Mabuti na lang at walang gaanong sasakyan sa way na tinatahak nila at wala ring nakasunod sa kanila, kaya walang naging problema sa ginawang aksyon ng huli.

Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang nasa harapan at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

"What the hell, Jos..." Annette uttered.

"What?" asik niya. "Can you blame me? Jinx' father is the one who discovered the mecha..."

"And they're our friends ever since. Simula't sapul ay wala na silang ginawa kundi ang maging mabuti sa atin."

"Now, I'm startin' doubting about that. What if it's just a frame up. A set up." aniya.

Hindi makapaniwalang napatitig ang dalawa sa kanya samantalang siya ay nanatiling walang emosyon ang mukha.

"You're out of your mind." iling-iling na anas ni Annette at pabagsak na muling humarap sa manibela.

"I am not." kaagad na tugon ni Jos dito. "Tell me, sinabi niyo ba sa kanila ang buo kong pangalan? Cause, honestly... hindi ko matandaan na nabanggit ko kahit kanino, maliban sa inyong dalawa ang tungkol sa second name ko. Maging sa school ay hindi ko isinama sa infos ko ito." dagdag niya.

Nagkatinginan sina Annette at Glenne sa isa't isa at doon pa lang ay alam na ni Jos ang sagot sa tanong niya.

"See? Paano nalaman ng doktor na iyon ang tungkol sa buo kong pangalan kung wala kayong sinabi. Even if they did an investigation about me, sigurado akong hindi masasama sa mga impormasyong makakalap nila ang second name ko, cause as a matter of fact, I don't have any fucking record in this fucking world." mariin niyang pahayag sa mga ito.

******

-typos&errors

Fairy Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon