Chapter 2

288 4 0
                                        

Chapter 2

Untamed Butterfly

Sapphire

"Hindi ba parang masyado yatang makulay iyang suot mo anak?" tanong ni Nanay ng mapasukan ako sa aking kwarto na nag aayos na para sa aking pag alis.

"Nay, kailangan po magpakitang gilas sa interview, isa pa, dapat ay makita nilang bagay po ako sa kumpanya nila.." mabilis ko nan sagot dito habang naglalagay ng blush on.

"Eh iyang palda mo eh masyado yatang maiksi.." Haay. Si nanay talaga.

" Nagbaon po ako ng leggings Nay, para kung sakaling gabihin po ako, ay makapag palit po ako..huwag na po kayong mag alala..si Tatay po ba bumyahe na?" tanong ko rito, inilagay ko na sa aking bag ang mga gamit at isinuot ang aking flat shoes.

"Nakaalis na ang tatay mo, inarkila kasi ang jeep, may ihahatid silang mga paninda sa pwesto nila Cora.." nagkibit balikat na lamang ako. Magpapahatid sana ako kay Tatay kahit sa sakayan lang papunta sa address na ibinigay sa akin. Pero dahil makakatulong naman sa amin ang ibabayad sa pag arkila ng jeep, ay ayos lang sa akin na mag commute. Bukod naman sa kilala ang kumpanyang iyon, ay marami namang pwede sakyan kung sa sakali, kaya sa tingin ko madali ko lang naman mahahanap ang lugar.

"Ah..cge po Nay, aalis na po ako habang maaga pa, kasi hahanapin ko pa po yung eksaktong address nung company.." agad na akong nagpaalam.

"Ay teka, ipaghahanda muna kita ng tinapay na mababaon mo at baka naman gutumin ka doon.." Oh diba..ang swerte ko sa Nanay ko? Maalalahanin yan at maasikaso.

Matapos nitong iabot sa akin ang baunan na may lamang pandesal na pinalamanan nito ng ham at itlog na siya rin naming almusal kanina ay agad na akong nagpaalam rito at umalis.
Sa isang oras mahigit na byahe ay narating ko rin ang address, medyo malayo nga lamang ang pinagbabaan sa akin ng fx na nasakyan ko, dahil hindi na raw pwedeng pumasok ang mga puv sa gawing iyon. Itinuro naman sa aking ng driver yung mismong building, at tanaw na rin naman iyon, kailangan ko nga lang maglakad pa ng ilang minuto. Sinulyapan ko ang aking wrist watch bago nagsimulang maglakad. 8:30 pa lang, maaga pa naman.

Malapit lapit na ako ng madaanan ko ang isang matandang babae na naka upo sa isang bench malapit sa building na pakay ko. Lalagpasan ko na sana ito ng marinig ko ang paghikbi nito. Agad akong lumingon at saglit na huminto. Mayroon itong tungkod na nakasandal sa gilid ng upuan, naka suot ito ng summer hat, iyon bang palaging suot ni Queen Elizabeth, makulay rin ang suot nito, at may makukulay na bracelet. Nang muli itong suminghot ay nagpasya na akong lapitan ito.

"Lola? Okay lang po ba kayo?bakit po kayo umiiyak?" agad kong tanong rito. Hindi muna ako umupo, kundi bahagya lamang akong yumuko para silipin ang kanyang mukha.

"N-Nagugutom ako. Kahapon pa ako hindi kumakain.." Nagtaka man sa tinuran nito ay dahandahan na rin akong napaupo. Lumingon lingon ako sa paligid, nagbabaka sakali na baka may kasama ang matanda, pero wala. May ibang tao man na nagdaraan ay pawang mga papasok sa kani kanilang opisina. Muli kong ibinaling ang tingin sa matandang umiiyak. Tsaka ko naalala ang ipinabaong tinapay sa akin ni Nanay. Sinipat kong muli ang matanda. Parang hindi naman ito gutom. Mukhang maayos naman ito at wala sa itsura nito na siya ay palaboy. Teka, ilan nga ba yung tinapay ko? Tatlo yata iyon. Inilabas ko mula sa aking bag ang baunan ko, at tsaka ito binuksan. Tama, tatlo nga. Dahil maaga pa naman, ay inalok ko rito ang isa sa mga tinapay.

"Uh..m-may tinapay po ako dito, gusto niyo po ba?" nag aalangan kong ipinakita sa kanya ang baon ko. Natuwa naman ako ng unti unti nagliwanag ang mukha nito at masayang kumuha sa iniaalok ko.

"Alam mo, hindi ka lang mabait, napaka ganda mo pang bata..!" papuri nito habang nginunguya ang pandesal. Sinuklian ko naman ito ng ngiti, at kumuha na rin ng tinapay at kumagat.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon