Chapter 5

169 1 0
                                    

Chapter 5

Untamed Butterfly

Sapphire

"Sapphire, I need you to photocopy this, kailangan ito maya maya lang, dahil nagpatawg ng biglaang meeting ang boss, make atleast 15 to 20 copies.."  utos ni Sir Chris tsaka habang iniaabot sa akin ang pointers ng meeting nila.

"Okay sir," agad naman akong nag tungo sa photocopy machine para i xerox iyon. Dalawang buwan na rin ang nakalipas, at sa ngayon ay medyo kabisado ko na rin naman ang bawat floor. Hindi na rin naman ako gaanong nalilito sa mga departments, dahil halos lahat naman ay napupuntahan ko sa araw araw. Patapos na ako sa pag photocopy ng madaanan ako ni Ma'am Geanna.

"Hey Sapphire? How are you?" gaya ng palaging bati nito sa akin kapag nagkikita o nagkakasalubong kami ay nakangiti ito. Napakaganda talaga ng babae na ito. Ang sexy sexy pa. Siguro ay maraming nanliligaw sa kanya.

"Hello Mam Geanna! Goodmorning po, okay naman po ako Mam..kayo po?" masayang sagot ko rito.

"Naku, heto at medyo stress, biglaan kasing nagpa meeting si Giovanni, you know, we have very limited time para mag prepare.." bakas sa mukha nito na na rarattle ito.

"Baka may maitulong po ako, sabihin niyo lang po.." kunwari ay sabi ko na lang, alam ko naman kasi na kami rin ang aligaga mamaya.

"Actually yes, I need you to check the conference room, kung ok ba ang projector, at kung nailagay na ang lahat ng chairs sa loob..Then, paki prepare na rin ang drinks, specially coffee maker dahil I'm sure maghahanap ng kape mamaya ang boss, and snacks na rin please.." See? Isang tanong ko lang, ang dami ng nakahandang utos. Pero okay lang naman, dahil iyon naman ang trabaho ko.

"And by the way, iyang mga copies pwede mo na rin idistribute sa table, para ready na rin pag akyat ng mga attendees.." tumango tango ako rito at akmang tatalikod na ng muli itong magsalita.

"And Sapphire..please, kung okay lang, stand by ka sa loob ng conference room?" nakikiusap na sabi nito.

"Yes Mam, no problem.." matapos noon ay dumerecho na ako sa conference room, at inayos ang lahat ng dapat ayusin doon gaya ng bilin ni Mam Geanna.

Okay naman na ang lahat, naayos ko na ang kani kanilang upuan, inilagay na ang mga ball pen at kopya ng topics nila. Naiayos ko na rin ang coffee maker pati ang mga tasa ng kape, pati ang mga candies at biscuits. Namewang ako habang inililibot ang paningin, at pilit inaalala kung ano pa ang nakalimutan ko. Ay naku! Yung projector! Dali dali akong lumapit sa projector at tiningnan iyon, pangalawang beses ko palang itong masusubukang buksan, ang una ay iyong nagpatawag si Mam Geanna ng meeting, at madali ko lang namang nabuksan, at ngayon nga ang pangalawa. Pipindutin lang yun dito eh, teka! Nang subukan kong i on ang switch, nataranta ako ng hindi iyon bumukas. Naku naman! Makisama ka! Sinipat sipat ko ang mga pindutan sa gilid nito, pero ayaw parin bumukas. Hanggang sa nakita ko ang wire na kumukonekta mula sa monitor hanggang sa ilalim ng unahan ng mesa.

"Aha! Ikaw siguro ang may problema..teka nga..!" paluhod kong sinipat ang wire, medyo may kalayuan, kailangan ko pang itukod ang isang kamay ko para maabot iyon. Mayroon akong nakakapang switch, pero hindi ko iyon maabot. Pinagpapawisan na ako sa pwesto kong iyon at kung ano ano na ang sinasabi ko.

"Sino ba naman kasong mokong ang maglalagay ng switch sa ilalim ng lamesa? Aba naman, mantakin mong pahihirapan pa ang tao para lang mabuksan ito?" napilitan na akong dumapa at gumapang sa ilalim para mas madali ko itong mapindot. Naka palda pa naman ako ngayong araw!

"Mabuti na lang at ako lang ang tao dito! Kung hindi lang talaga sa akin ibinilin ito ni Mam Geanna, naku!naku!" gigil ko pa ring sabi sa sarili ko. Nang mapindot ko ang switch ay nag mamadali akong umatras ng pagapang at tumayo, para tingnan kung gumana ang screen, yes! Bumukas na! agad kong pinagpagan ang naalikabukan kong damit, buti na lang talaga walang nakakita sa pagtuwad at pag gapang ko doon sa ilalim. Tssk. Nang ihakbang ko paatras ang isang paa ko ay napasigaw ako ng may matigas na bagay na maapakan, at makabunggo ng sa tingin ko ay katawan ng tao. Agad akong humarap rito at sa gulat at at takot ko ay agad rin akong nagsalita.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon