Chapter 42

160 2 0
                                        

Chapter 42

Untamed Butterfly

Sapphire

Panay ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa dingding. Sabay raw kaming mananaghalian? Kaya ko bang sumabay sa kanya? Baka himatayin lang ako habang kumakain kami. Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko dahil hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina. Nangalumbaba ako habang kagat ang aking pulang ballpen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, na sa isang Giovanni DeAntonio ko pa mararanasan ang una kong halik. Napapangiti tuloy ako sa kilig. Parang gusto kong magsasayaw. Haay. Siya kaya? Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Marami na siyang nahalikan, tyak, kaya hindi na bago iyon sa kanya, gaya ng sayo. Tssk! Konti na kang at sasabunutan ko na tong isip ko. Hindi na mahalaga kahit marami na siyang nahalikan, masaya pa rin ako, at kinikilig pa rin ako!

"Knock!Knock! Sapphire!?" napawi ang ngiti ko ng mapansin nakadungaw at kumakatok sa Mr. Ivo sa pinto. Kusa tuloy nalaglag ang ballpen mula sa aking bibig.

"Eherm! Kayo pala, Mr. Ivo!" Pumormal ako sa aking pagkakaupo ng makitang nagtataka ito marahil sa nadatnan niyang itsura ko.

"Ah..is Gio in there?" Agad na tanong nito,

"Opo, nandyan po siya sa loob..itatawag ko po na nandito kayo.." pinindot ko ang local ng telepono ni Mr. DeAntonio at hinintay itong sumagot.

"Miss me?" bungad nito sa kabilang linya, sa boses na mahahalata mong masigla ito at nakangiti.

"Ah.." nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko ng marinig ko ang boses niya.

"Oo..ah..ano pala..ah.." Ano Sapi? Huwag ka ngang magpahalata na boses palang niya ay apektado ka na!

"I knew it..I miss you too.." Oh! Ave Maria! Ano ba naman itong Boss ko! Oras ng trabaho ay pinakikilig ako. Kinikilig na napangiti tuloy ako, pero agad rin naman iyong nawala ng mapadako ang tingin ko kay Mr. Ivo na waring nagtataka sa ikinikilos ko.

"Ah..si Mr. Ivo po, nandito" pag iiba ko sa usapan.

"Oh! Okay, send him in.." iyon lang at ibinaba ko na ang telepono.

"Mr. Ivo, pasok na po kayo.." naiilang na sabi ko rito.

"Ah..Sapphire, pwede bang huwag ka ng mag
"Po" at "Opo" sakin? Ilang taon lang naman yata ang tanda ko sayo..and drop the Mr. or Sir..." nakangiting sabi nito, at hinintay ang sagot ko. Pansin ko sa pamilyang ito, kay Mr. DeAntonio, Mam Geanna ay sobrang humble nila. Kung sana lahat ng tao ay ganito.

"Uhmm..S-sige p-..sige.." pero kapag sanay ka kasi sa ganung pagtawag, ay medyong mahirap iyong baguhin. Muli kong hinarap ang aking computer pagkaalis na oagkaalis ni Ivo.

Makalipas ang isang oras, ay kasama nitong lumabas si Mr. DeAntonio. Derederetso lang ang mga ito, habang abalang nag uusap. Mabilis kong sinulyapan ang ekspresyon ng mukha ng aking boss, at base sa ekspresyon ng mukha nito, mukhang bad mood na naman. Nagbaba ako ng tingin at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa.

Eksaktong alas dose na at medyo nagugutom na ako, eksakto naman na wala akong baon ngayon, kaya bibili lang ako. Hihintayin ko pa kaya siya? Baka importante ang pinag uusapan nila ni Ivo, kaya kinailangan pa nilang lumabas. Sige, limang minuto, kapag wala pa siya ay bababa na ako.

Pero labinlimang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin ito, kaya naman tumayo na ako at kinuha ang wallet mula sa aking bag at dinial ang local ng  accounting department para tanungin kung sasabay si Chari sa akin, pero hindi ito makakasabay dahil month end report nila, pero halos bihira na lang rin kami nagkakasabay nito dahil iba iba na ang oras ng lunch break niya, kaya tinungo ko na lamang mag isa ang cafeteria. Matapos kong mag order ng pagkain ay agad akong naupo sa isang sulok, kung saan paborito kong upuan.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon