Chapter 30

205 3 0
                                        

Chapter 30

Untamed Butterfly

Sapphire

Naiwan akong nakatulala habang nakaupo sa kama. Hindi ko pa rin lubos na maunawaan ang mga nangyari. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko, sa tingin ko nga ay may sinat pa ako, siguro kaya matapos kong maligo at gamutin ang sugat ko sa kamay ay nakatulog na ako kahapon? Pero hindi iyon ang labis kong ipinagtataka, kundi ang mga tagpo ngayong umaga. Magkatabi kaming natulog ni Mr. DeAntonio, at hindi lang basta magkatabi, kundi magkayakap pa? Hindi ko malaman kung anong mararamdaman, kung kikiligin ba ako, o mahihiya sa sarili ko. Hindi ko inaasahang mangyayari iyon, kahit madalas akong mangarap ng gising ay hindi ko inaasahang mangyayari ang ganun. Natigilan akong muli, at dinama ng sarili ko, sinilip ko ang mga pang loob ko, kompleto naman? At wala rin naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko, maliban lang sa konting init nito, na marahil ay sinat pa rin.

Dumako ang tingin ko sa pwestong inalisan niya. Paanong nangyaring pinagtyagaan niya akong bantayan o samahan sa buong magdamag na iyon? Hindi kasi normal sa isang tao ang mag alaga ng may sakit na hindi naman niya gaanong kilala, at empleyado niya pa. Isa pa, kahapon lang ay galit na galit siya sa akin? Eh kaya nga raw siya nagpunta kagabi, para humingi ng sorry dahil sa inasal at mga nasabi niya sayo. Oo nga pala. Nasabi niya iyon kanina lang. Aaminin ko na medyo masama pa rin ang loob ko sa kanya, pero bakit ganun? Kapag kaharap ko na siya ay nakakalimutan ko ang lahat ng hindi magagandang nangyari?

Haay, marahan na akong kumilos at bumaba ng kama. Pakiramdam ko ay nagsasakitan pa ang mga kalamnan at muscles ko, marahil sa pagod sa pag akyat sa bundok at dahil dito sa sugat ko sa kamay kaya nagka lagnat ako kagabi. Natigilan ako, ano kayang mga nasabi ko habang natutulog ako? Bigla pa naman akong nagsasalita kapag natutulog, lalo na kapag may sakit, kaya nga hindi ako iniiwanan ni nanay kapag may sakit ako, dahil madalas daw akong magdeliryo.

Hindi na ako naligo, kundi naghilamos na lang at nag sipilyo, nagpalit na rin ako ng damit na pang byahe pabalik sa maynila. Kasalukuyan kong nililinis ang sugat ko sa kamay ng may kumatok sa pinto. Tindig pa lang mula sa labas ng salamin na natatakpan ng puting kurtina ay kilalang kilala ko na kung sino iyon. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Parang bigla ay nahihiya akong harapin siya. Pero may magagawa ba ako? Ayoko naman na isipin niyang apektado pa rin ako sa nangyari. Ang totoo, ay apektado talaga ako, pero hindi na sa mga nangyari kahapon, kundi sa nangyari kagabi. Isa pa, nakita ko sa mukha niyang maganda ang mood niya, katunayan ay may pagkindat pa siya sa akin kanina, ayoko namang sirain ang umaga niya, kaya tinungo ko na ang pinto at binuksan iyon.

"Are you ready?" bungad nito. Nakaligo na, at nakapag palit na rin ng damit, at syempre, amoy na amoy ang bango ng kanyang perfume. Tama. Maganda nga ang mood nito, dahil maganda rin ang pag kakangiti. Ngiting poging pogi sa paningin. Kung cartoon character lang ako, siguro ay nag hugis puso na ang mga mata ko. Kung pwede lang na titigan ko na lang siya, o kung pwede lang na huminto ang oras, para mapagmasdan ko siya ng matagal tagal.

"Ah..magpapalit lang ako ng gasa sa kamay Sir.." hinila ko ang pinto para bigyan ito ng daan, bago ako bumalik sa kama, at ipinagpatuloy ang pag gamot sa kamay ko.

"I'll do it.." Naupo rin ito sa gilid ng kama at marahang hinawakan ang kamay ko, bago kumuha ng bulak na may betadine at dinampi dampian ang medyo sariwa pang sugat. Gusto ko sanang mapangiwi dahil may hapdi pa rin akong nararamdaman, pero naagaw kasi ng gwapo niyang mukha ang atensyon ko. Posible kayang magka gusto siya sa tulad ko? Parang bigla kasing nagbago ang pakikitungo niya sakin. Hindi na niya ako pinag o-opo, nagalit nga lang siya kahapon sakin, pero ngayon parang ang caring naman niya. Guilty lang yan! Guilty lang siya sa nagawa niya kahapon! Ah..oo tama nga. Baka bumabawi lang siya. Eh, bakit nakayakap siya sakin kaninang pag gising namin? Ang higpit higpit pa ng pagkakayakap niya, dikit na dikit ang mga katawan namin. Nag init ang mukha ko ng maalala ang tagpo kaninang umaga. Haay! Bakit nga ba?

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon