Chapter 36

161 2 0
                                        

Chapter 36

Untamed Butterfly

Sapphire

Ave Maria! Bakit naman napakalapit ng mukha niya sa akin? Tsaka bakit parang namumungay yata ang mga mata niya. Dug!dug!dug! Gusto kong pukpukin yung dibdib ko sa sobrang ingay! Papalapit pa ng papalapit ang mukha niya, malapit ng magtama ang mga ilong namin. Kinakabahang napatitig na lamang ako sa labi niya. Hahalikan niya ba ako?

"S-Sir.." mahinang tawag ko sa kanya.

"Sapphire.." sambit naman niya ng halos magkasabay lang kaming magsalita.
Diyos ko, malapit na siya! Amoy ko na amoy ng pabango niya. Pabilis na ng pabilis ang paghinga ko. Ito na yata ang first kiss ko..pero bakit ganito? Nangangati pa yung ilong ko? Parang..parang..

"Hachuuuu!"

Ayun na nga. Nabahing lang naman ako. Mabuti na lamang at naiiwas ko ang bibig ko palayo sa kanya, at nakatalikod pa ako, bago bumahing. Haay! Nakakahiya naman! Sayang! First kiss na yun, Sapi!

Dahan dahan akong humarap at sinulyapan ito. Ito naman ay nakita kong napahawak sa kanyang batok, at hindi rin makatingin sa akin.

"Tu-tuloy na kong umuwi..Sir.." nagmamadaling pinagdadampot ko ang mga gamit ko at mabilis na naglakad papuntang pinto.

"The event starts at 9pm tomorrow..I already informed Jed about your dress.." muli akong humarap dito at ngumiti.

"Okay Sir.." at tuluyan na akong lumabas.

"Huuh! Huuh! Super intense.." naiiling na sabi ko ng makapasok naman ako ng elevator.

--------

"Patingin nga ng susuotin mo?" naka pamewang na bungad ni Ate Emerald. Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga sa aking kama, at iniwang nakasubo ang kutsara na gamit gamit ko sa pagkain ng icecream mula sa tasa. Kinuha ko ang may kalakihang kahon na nakapatong sa nag iisang upuan sa aking kwarto.

"Ayan, tingnan mo ate, ano bang babagay na make up at ayos sa buhok dyan sa damit na yan?" nagagandahan naman ako sa dress, o gown na ipinadala na ipinadaan ni Sir Jed sa company driver, pwede pa naman sana kasi akong pumasok kahit halfday, pero nag text si Mr. DeAntonio na huwag na raw akong pumasok, at hindi rin naman daw siya pupunta sa opisina ngayong araw. Dadaanan na lamang daw niya ako mamayang gabi dito sa bahay.
"Uhhmm, madali lang yan, alam ko na kung anong iaayos sayo, maligo ka na.." napalingon ako sa wall clock, 5pm pa lang naman, masyado pang maaga.

"Maaga pa ate, mamaya mga 6pm?" tawad ko dito, nag eenjoy pa nga akong kumain ng icecream na pasalubong ni Kuya Onyx kaninang tanghali.

"Maligo ka na, dahil patutuyuin pa natin ang buhok mo, akala mo ba mabilis lang mag ayos?" kunot kunot ang ilong na inilapag ko na lamang ang tasa at kinuba ang tuwalya kong naka hanger sa may pinto.

Kanina ay hindi ko naman masyadong naiisip ang event na dadaluhan namin, pero ngayon habang naliligo ako, ay parang nakakaramdam na ako ng kaba at excitement. Kaba, dahil alam kong mga sikat, importante at kagalang galang ang mga dadalo sa event na iyon, at pagdating sa ganung mga lugar, ay medyo nangangati ako dahil hindi ako sanay makihalubilo sa mga tulad nila. Excited, dahil syempre, makakasama ko na naman ang lalaking isang linggo na yata akong pinakikilig. Nangingiti tuloy ako ng maalala ang muntik na nitong paghalik sa akin kanina. Haay! Ang buong akala ko ay makukuha ko na ang first kiss ko!

Pero bakit kaya may mga sugat ang kamao niya? Syempre alam ko naman na hindi lang siya basta nadapa ano. Sinabi ko lang iyon, dahil ayokong isipin niya na masyado akong mausisa. Minsan kasi ang tao, the more na kukulitin mo, ay the more na hindi magsasalita. Siguro ay may koneksyon ito sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit medyo may kakaiba sa ikinikilos nito?

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon