Chapter 12

110 4 0
                                    

Chapter 12

Untamed Butterfly

Sapphire

"What's the cause of delay? We only have two days left to finish those outfits.." Sa totoo lang sa apat na buwan kong pagtratrabaho sa kumpanyang ito, ay ngayon ko nararamdaman ang pressure at ang hirap ng trabaho. Utos doon, utos dito. Hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin sa mga inuutos niya. Follow up doon, follow up dito. Tawag doon, tawag dito. Lumalaki na ang ulo ko, pakiramdam ko ay lumulutang na ang utak ko sa loob nito

"Uhmm, as per the sewing team, delayed daw po ang deliveries ng garments Sir, pero double time naman po ang pagtatahi nila.." kita ko naman kung gaano ka hard working ang mga empleyado ng kumpanyang ito. Sa kahit anong department, ang lahat ay talaga namang busy sa paghahanda para sa mini fashion show ng kumpanya. Kaya ipagtatanggol ko sila sa masungit at apuradong Boss namin.

"How many more do we need to finish? Show me.." Diyos ko naman! Babalik na naman ako sa opisina sa labas para lang makuha ang files.

"Ah, would you mind Sir? Kung dito ko po sa pc ninyo buksan?" tanong ko dito, kahit kanina pa mainit ang ulo nito.

"Go on.." maiksing sagot nito, tumayo at nagtungo sa kanyang pantry.
Nang mabuksan ko ay agad ko itong ipinakita sa kanya.

"So we still need to finish all of this? yung details ng eight piece for the last part of the show, hindi pa nauumpisahan? What the hell are they doing?" muling taas ng boses nito.

"I'm calling for a meeting, tell them to be at the conference room in 10 minutes..!" nagmamadali naman akong sumunod at bumalik sa opisina ko, para magsimulang tawagan ang mga departments.

Sa totoo lang ay kumakalam na ang sikmura ko, hindi kasi ako nakapag almusal dahil kamuntik na akong ma late, hindi pa ako nakapag kape man lang kanina nung dumating ako dahil utos agad ang sumalubong sakin at dahil sa dami ng pinapaasikaso niya. Hindi pa ako nakapag baon, mabuti na lamang at idadaan ni kuya Onyx ang baon ko mamaya. Ngayon ko talaga nalaman na strikto ang taong ito. Haay, nasaan na ba kasi ang Rachel na yun? Aba nasiyahan na yata sa pagbabakasyon niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa loob  ang lahat ng representatives ng bawat departments.

"Sir Chrissy!" kumakaway na tawag ko sa aking manager.

"Hey Sapphire, are you okay? What the hell? hindi ka na yata nakakapag suklay.." speaking ng pagsusuklay, ni hindi ko na nga alam kung anong itsura ko, dahil ni ang tumingin sa salamin ay hindi ko na magawa.

"Eh Sir, medyo marami kasing gawain sa taas, pero maganda pa rin naman ako diba Sir Chrissy?" pa cute ko pang tanong rito.

"Ofcourse, tao kita kaya maganda ka..wait, where's Boss?" pabulong at pasimpleng tanong nito.

"Pababa na siya Sir, iniwan kong nagkakape pa sa taas," kibit balikat kong sagot dito at sinabayan na itong pumasok sa loob ng conference room. Nakita kong nakaupo na sa loob si Mam Geanna, and as usual, magkatabi sila ni Sir Chrissy.

"Hello Mam Geanna?"  masayang bati ko rito.

"Oh, Hi Sapphy? How are you? Bakit ganyan ang itsura mo?" malala ba ang itsura ko kaya pati siya ay napansin niya? Oh my God! Sapphire, malala ka na nga.

"Ok naman po Mam, mahangin lang po sa labas.." pabirong sagot ko rito. Natawa naman ito at gaya ni Sir Chrissy ay tinanong rin kung nasaan ang masungit na Boss. Dinig ang bawat pag uusap ng mga tao sa loob habang hinihintay ang hari. Halos lahat ay problemado dahil sa delay ng mga trabaho.

"Are we all complete?" Biglang tahimik ang kahat ng pabiglang pumasok si Mr. DeAntonio sa mula sa pinto.

"Yes Sir, kompleto na po," sa tingin ko ay ako ang dapat sumagot sa tanong niya. Wala ng paligoy ligoy pa at nagsimula na itong magsalita, sinita ang bawat makitang may pagkukulang, at marami pang iba. Ako naman ay pumwesto sa likod para maghanda ng snacks, yun ay habang matamang nakikinig sa pag tatalo talo nila. Isinusulat ko rin ang mahahalagang punto na nababanggit nila, para may mabalikan ako, sakaling magtanong ito. Habang umiikot ako sa pamimigay ng snacks, ay narinig kong dumadaing ang sewing team.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon