Chapter 61
Untamed Butterfly
Lance
"Huwag! Maawa kayo! Pakiusap!" Napadilat ako ng may narinig na sumisigaw. Mabilis ang pagkilos na bumangon ako mula sa aking higaan at lumabas ng bahay. Inilang hakbang ko lamang ang pagitan ng bahay na ito, sa kabilang bahay.
"Huwag! Huwaaag!" unti unti ng lumalakas ang boses. Pinilit kong buksan ang pinto ng munting bahay na iyon, nang mabuksan ay agad akong umakyat sa kanyang hagdan, mabuti na lamang at bukas ang ilaw sa taas, kung saan siya natutulog.
"Sapphire! Gising! Nananaginip ka!" Marahan ko siyang niyugyog. Patuloy ito sa pag iyak, at patuloy rin sa pagsalag ang kanyang mga kamay, na kung titingnan ko ay parang may nananakit sa kanya.
"Nanay! Tatay! Tulong! Gio!!!" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya ng hindi pa rin ito gumigising.
"Sapphire!" Nagbuga ako ng hangin ng sa wakas ay dumilat na ang kanyang mga mata.
"Haaah!" Hingal itong bumangon, at gaya ng palagi niyang ginagawa pag gising sa isang bangungot ay mahigpit itong yumakap sakin.
"Lance!" Banggit nito sa pangalan ko, ng makitang nakatunghay ako sa kanya.
"Sinasaktan nila ako, tapos..tapos may batang babae-"
"Shhh! Panaginip na lang yun, nandito ako, huwag ka ng matakot.." Naginginig ang mga kamay na kumapit ito sa aking damit.
"D-Dito ka muna, huwag k-ka muna umalis.." lumuluhang pakiusap nito.
"Sige, dito muna ako, bumalik ka na sa pagtulog.." hinaplos ko ang kanyang buhok. At inalalayan siyang muling humiga. Habang ako naman ay umalis na sa kanyang higaan, at naupo sa sahig, habang mahigpit ang hawak sa kanyang kamay.
"Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko sa kanya, umiling naman ito.
"Lance, kailan ba babalik ang alaala ko?" Tanong nito, at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang palad.
"May natatandaan ka bang mga pangalan? O itsura ng mga tao sa panaginip mo?" Nag isip ito saglit.
"May batang babae, at isang lalake, may pagkakahawig sila. Tapos merong matandang lalaki, nakakatakot ang mukha..may pangalang Gio, pero hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya.." Nagbuntong hininga ako. Hindi pa rin malinaw ang kanyang alaala. Pero nababanggit niya habang nananaginip siya ang kanyang nanay at tatay, at ang pangalang Gio.
Mula ng makuha ko siya sa bangin na iyon, na walang malay at duguan, naging ganito na ang halos gabi gabi namin, noong nagkamalay siya, pagkatapos ng bangungot ay uusisain niya kung kailan babalik ang alaala niya. Bagay na hindi ko masagot, dahil wala namang nakakaalam kung kailan nga ba babalik ang alaala niya.
"Huwag mong madaliin, pasasaan ba at maaalala mo rin ang lahat..matulog ka na uli, babantayan kita.." Nagbuntong hininga ito, bago muling pumikit. Hindi naman nagtagal at mahimbing na uli siyang natutulog, kaya nagpasya na akong lumabas at naglakad lakad, ng marating ko ang isang malawak na ilog ay naupo ako at nagsindi ng sigarilyo, habang marahang hinihithit ang usok niyon.
Flashback
Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Levi, na handa na nitong patayin si Sapphire, dahil wala na umano itong silbi sa kanya. Mabuti na lamang, ay nakuha ko pa ring makasunod sa sinasakyan nila, matapos kong itago si Angel sa lumang bahay, at siguraduhin na walang maiiwang buhay sa mga tao ni Levi roon, para na rin sa kanyang kaligtasan. Nang mga oras na iyon, ay alam kong papunta na roon ang grupo ni Giovanni, dahil iyon sa narinig kong pag uusap ni Levi at ng isang inatasan niyang sundan at manmanan ito.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomantizmUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...