Chapter 3

248 3 1
                                        

Chapter 3

Untamed Butterfly

Sapphire

Mabuti na lamang at hindi pa nag uumpisa ang pagtatawag ng pangalan. Hindi ako nagkamali, marami ang ang gustong makapasok sa kumpanyang ito. Agad akong umupo sa bakanteng upuan sa halos pang huling pila. Tatlo na lang ang bakante, kaya pangatlo ako sa huli. Habang naghihintay ay bahagya na akong kinakabahan. Hindi maiwasang pumasok sa isip ko na baka ang Mr. DeAntonio na nakasabay ko sa elevator ay siya ring may ari ng kumpanyang ito. Ibig sabihin, kung makalusot man ako sa unang interview, sa kanya rin ang bagsak ng final interview. Naloko na. Nag amok pa naman ako kanina sa elevator. Haay.

Para mabawasan ang kaba ay sinimplehan ko ng tingin ang mga kapwa ko aplikante. Bongga ang isang yun ah, matangkad at maputi, pwedeng pwedeng model. Ito namang isa, mukhang secretary ang aapplyan, naka reading glass eh. Aba, karamihan mukhang office position ang aapplyan. Nang mapadako ang mata ko sa katabi kong babae ay tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Deretsong deretso ang pagkakaupo nito, na parang ayaw ilapat ang kanyang likod sa sandalan ng upuan. Naka patong ang dalawang kamay nito sa kanyang tuhod, wow..poise na poise.. Dahil mukhang mabait naman ito ay inusisa ko ito.

"Uhmm..hello..anong a-applyan mo?" nakangiting tanong ko rito.

"None of your business.." mahina, pero dinig na dinig ko ang sinabi nito.

"Ang sungit naman nito!" kunot ang ilong na sabi ko. Sa narinig ay lumingon ito at nagtaas ng kilay. Bagay na hindi ko uurungan, tinaasan ko rin siya ng kilay, bago ako nagpasyang lumipat sa isa pang upuan.

"Huuuh! Haay! Hah..akala ko hindi na ko makakaabot.." isang hingal na hingal na babae ang bigla na lang umupo sa upuang inalisan ko. Mabuti naman at may human shield na ko sa babaeng masungit.

"Nag umpisa na ba? Nagtawag na ba?" tanong ng babaeng bagong dating. Ang malas nga lamang dahil doon rin siya nagtanong sa babaeng masungit.  Maya maya pa ay narinig kong bumulong ito.

"Ang sungit naman.." natawa ako sa narinig ko, kaya ako na ang sumagot sa tanong nito.

"Hindi pa, kakarating ko lang rin eh.." lumingon ito at ngumiti. Bago inayos ang salamin sa kanyang mata.

"Anong a-applyan mo?" tanong nito.

"Uhmm..fashion designer..kapag sinwerte.." nagaalangan kong sagot sa kanya.

"Well, mukha ka namang magaling magbihis, ang cute ng outfit mo.." puri nito matapos na saglit pasadahan ng tingin ang suot ko.

"Eh ikaw?anong a-applyan mo?" ako naman ang nagtanong.

"Accounting Staff," maiksing sagot nito. Sabi ko na nga ba eh! Sa kapal ng salamin niya, siguradong matalino siya.

"Ako nga pala si Sapphire, ikaw?" pakilala ko rito.

"Charity.." ngumiti kami sa isa't isa at nagkwentuhan pa hanggang matawag na ito. Swerte naman na natanggap siya, hindi na kami gaano nakapag usap dahil paglabas pa lamang niya ay tinawag na rin ako. Nag senyasan na lamang kami na mag text mamaya.

"Okay, Sapphire Adriano, right?" tanong ng isang magandang babae sa akin. Ano kaya siya rito? Secretary? Parang model na ang ganda niya eh.

"Yes Ma'am.." binasa nito ang aking resume, bago muling nagtanong.

"How come you're applying for a designer position, when you're credentials shows you don't have any experience with designing?" nakangiting tanong nito, pero bahagyang naka kunot ang noo. Heto na nga. Alam kong magtataka talaga sila. Kaya inihanda ko na ang sagot sa tanong na iyan.

"Uhmm..okay, though I really admire your overflowing confidence, I'm afraid,  I cannot consider you in the design department..well as for now, but since we are an established company, we need those who are knowledgeable in the position.." paliwanag nito, matapos kong sagutin ang kanyang tanong.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon