Chapter 64

173 1 0
                                        

Chapter 64

Untamed Butterfly

Giovanni

I felt something is poking my left cheek. So I decided to open my eyes, and stunned at the sight. She was staring at me. Smiling. But when she notice me, she instantly hid her face inside the duvet. Natawa ako sa ikinilos niya.

"Good Morning.." bati ko sa kanya. Matapos ang nangyari kagabi, hindi ko alam kung paano kikilos. Pero isa lang ang sigurado ko, bahagyang gumaan ang bigat sa dibdib ko, napasarap pa nga ang tulog ko, habang yakap ko siya. Mabuti na lamang at hindi siya umalis sa tabi ko.

"How are you? Did you sleep well?" still, no answer. Nakiramdam muna ako, gumagalaw galaw siya sa loob ng kanyang kumot. Natukso akong silipin kung anong ginagawa nito.

"Hmmmmp!" pero tinakpan niya uli ang kanyang mukha. Sa tingin ko ay nahihiya ito. Dahil hindi pa naman talaga niya ako nakikilala.

"Okay..I think I have to go now.." Nag inat lang ako ng kaunti, bago tumayo, though hindi ako makaderetso ng tayo dahil mababaw ang kisame ng kanyang kwarto. Hahakbang na sana ako pababa sa hagdan ng magsalita ito.

"S-Salamat..!" Nilingon ko siya, pero nasa ilalim pa rin siya ng kumot.

"Nakatulog ako ng mahimbing.." Unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Atleast she appreciate it.

"You're welcome.." at tuluyan na akong bumaba ng hagdan.

---------

"Oh! Gio, come on, let's eat!" Aya ni Marco, habang maganang kumakain ng almusal sa hapag kainan. Hinahanap ko siyang sadya para sana ayain na itong umalis, pero plano kong doon muna tumuloy sa bahay kung nasaan si Mommy at Angelina. Dahil ang totoo, matapos ng nangyari kagabi, sa nakita kong pinagdadaanan ni Sapphire, ay nagdadalawang isip akong iwan siyang muli rito. Gusto ko na sana siyang isama pabalik, pero alam kong hindi ko naman siya mapipilit.

"Gising ka na pala, hala! Mag almusal ka na muna, anak.." ngumiti ako at tumango sa nanay ni Lance. Sadyang maasikaso ito, at masarap din naman talaga ang kanyang mga inihahandang pagkain. Kung kahapon ay naghain ito ng balbacua, na isa sa mga sikat na pagkain dito sa baguio, ngayong almusal naman ay may nakahain na raisin bread, ube jam, pinikpikan, at hot chocolate, mga pagkaing pinagmamalaki rin ng lugar nila.

"Nasaan ho si Lance?" Naisipan kong itanong rito. Dumampot ako ng isang raisin bread, at nagsalin ng hot chocolate.

"Umalis na siya kagabi, meron daw kasi silang biglaang lakad ng bago niyang amo.." bakas sa mukha nito ang pagkabahala. Nagkatinginan kami ni Marco. Hindi rin naman lingid sa amin kung ano ang trabaho ni Lance. Pero sino naman kaya ang tinutukoy ng nanay niya, na bagong amo nito.

"Ah.." Hindi ko tiyak kung ano ang isasagot.

"Kung pwede ko lamang ilayo sa masamang gawain ang anak ko, matagal ko na sanang ginawa iyon, pero siya na lang kasi ang maaasahan kong makatulong sa amin ng mga kapatid niya. Lalo pa at nag aaral ang dalawang iyon.." Malayo ang tingin nito, na wari'y humihiling na magkatotoo ang ang kanyang sinabi, na tuluyan ng magbago ang takbo ang buhay ng kanyang anak.

"Nay Lucia, kung ano man po ang pinasok ni Lance, alam kong alam niya ang ginagawa niya, isa pa tama po, ginagawa niya yun para sa inyo ng mga kapatid niya. Tsaka, mahirap pong kumalas sa ganyang klaseng trabaho.." sinenyasan ko sa mata si Marco. Napansin ko kasi na lalong parang nalungkot ito.

"Pasasaan po, at magiging maayos rin ang buhay ng anak niyo-" Natigilan ako ng makita ang papasok sa pintuan ng kusina. Isang bagong paligong Sapphire ang nakangiting bumungad doon, I don't know but she looks so beautiful. Gandang ganda ako sa kanya.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon