Chapter 8

124 3 0
                                    

Chapter 8

Untamed Butterfly

Sapphire

Tulalang nakatitig na lamang ako sa aking cellphone matapos ang usapan namin ni Mr. Ivo. Hindi ako makapaniwalang hinihingi na nito ng buo ang bayad para sa pagpapagawa ng nasira sa kotse. Ito raw ang kagustuhan ng may ari, gusto raw kasi nitong maipagawa agad ang kanyang kotse. Noong una ay maayos naman ang usapan na installment naming babayaran ang danyos. Nakakapang lumo na lang dahil, kahit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pangbayad, ay sinabi kong ibibigay ko bukas ang pera. Si Mr. DeAntonio ang agad na pumasok sa isip ko. Siya na nga lang yata talaga ang pag asa ko. Haay. Kakapit na ba ako sa patalim?

"Sapi! Lumabas ka na diyan, kakain na tayo.." tawag ni Kuya Onyx. Tiningnan ko ang butterfly wall clock ko. Alas otso na pala ng gabi. Inayos ko saglit ang mala pugad kong buhok at tsaka lumabas para mag hapunan.

"Anak, okay ka lang ba? Bakit parang gutom na gutom ka yata?" takang tanong ni Nanay ng makitang panay ang subo ko.

"Ah..eh..diba Nay, paborito ko po itong adobong sitaw? Naku! Ang sarap sarap talaga ng luto ng Nanay ko!" Kunwari ay maganang sagot ko rito. Well. Totoo namang paborito ko ang adobong sitaw, pero ang totoo niyan ay okupado kasi ang isip ko sa mga pangyayari kanina, at sa mga mangyayari pa, kaya hindi ko rin napansin na mabilis pala ang pag subo ko.

"Magdahan ka sa pag subo at baka ka mabulunan.." dagdag pa ni Tatay.

"Siya nga pala,.kamusta ang trabaho Sapi?" Tanong ni Ate Emerald na kahit naka uniform pa ay sumabay ng mag hapunan sa amin.

"Uhmm..okay naman ate, masaya, at enjoy naman sa trabaho..tsaka magiging PA na ako.." masayang pagbabalita ko sa kanila.

"PA? Eh hindi ba't PA ka naman talaga doon? Utusan ng lahat?" balak na naman mang asar nitong sugarol kong kuya.

"Hoy Kuya Hindi ah! Magiging PA na ako ng CEO namin!" mayabang na sagot ko. Tama. Magiging PA na ako ni Mr. DeAntonio kapag tinanggap ko na ang alok nito.

"Talaga anak?Naku eh, baka mas lalo kang mahirapan dahil Boss na ang makakasama mo?" napahinto sa pagsubo ang si Nanay.

"Naku Nay! Hindi po, sobrang bait po ng boss ko.." ayun lang. Hindi talaga ako sigurado dun.

"Magaling talaga itong bunso namin! Manang mana sa tatay, nakita niyo at na promote na agad!" nakakatuwa naman dahil kita ko ang saya sa mukha ng tatay namin.

"Magaling naman talaga yang si Sapi, Tatay, matalino kaya yan. Wag lang talaga sasapian.." at nagtawanan ang dalawang gremlin kong kapatid. Naku mga kontrabida talaga.

"Oh siya, tama na iyan, ituloy nyo na ang pagkain at ng makapag pahinga na kayo, may mga pasok pa kayo bukas.." natatawang saway ni Nanay. Masaya ang pamilya namin, kahit simple lang ang buhay. Kahit anong problema, basta nandyan sila, ay kayang kaya. Pero sa ngayon, ako na muna ang bahala sa kanila.

----------

Paglabas na paglabas ni Sir Chris ay agad kong dinampot ang telepono sa kanyang mesa at hinanap ang local number ni Mr. DeAntonio. Sakto naman na nakadikit ang mga numero ng bawat department sa gilid ng kanyang mesa, kaya mabilis ko ring nakita ang number at nag dial.

"Yes?" Naku naman! Yes pa lang ang sinabi ay nakakakilig na! Ang ganda ng boses. Grabe! Slang na slang!

"Ahhmm..S-Sir?" nahihiyang nagsalita ako na akala mo ay kaharap ko siya.

"Who's this?" Ay! Grabe, ang lamig ng boses, sana all!

"Si Sapphire po ito Sir, si Sapphire po.." hindi ko mahagilap tuloy kung anong sasabihin, nakaka destruct iyong boses niya eh.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon