Chapter 54

85 1 0
                                    

Chapter 54

Untamed Butterfly

Sapphire

"P-pwede bang m-magamit ko yung cellphone ko? K-kailangan kasing malaman sa bahay na dadalhin a-ako sa presinto eh.." Pakiusap ko sa isa sa mga lalaking sakay ng van. Siya iyong sa tingin ko ay pinaka mabait sa kanilang lima. Pero siya rin iyong humablot sa bag ko kanina. Sinulyapan lang ako nito, pero hindi pinansin.

"K-Kuya, sige na..ibabalik ko rin kaagad..isang text lang." Nakikiusap kong hinawakan ang kanyang braso, napapitlag ito, at muling tumingin sa akin. Hindi naman naka posas o nakatali man lang ang mga kamay ko, kaya malaya akong nakakakilos. Maya maya pa ay inabot nito mula sa likod ng aking bag, at kinuha mula sa loob niyon ang cellphone. Dalawa ang dala kong cellphone, ang isa kasi ay iyong luma, kung saan doon ko minimessage ang taong nagpahamak sakin. At ang bago naman, na ibinigay ni Gio, ay ang siyang gamit ko sa trabaho.
Nakataas ang isang kilay nito habang hawak ang dalawang telepono. Wari'y tinatanong kung alin doon ang gagamitin ko.

"Iyang bago, Kuya.." may paghihinala sa kanyang mga mata, pero inabot naman din sa akin iyon. Mabilis akong nag type, hindi naman talaga ako magtetext sa bahay. Ayokong mag alala sila Nanay kapag nalaman nilang ikukulong ako. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanila. Magulo talaga ang isip ko, pero mas inaalala ko kasi ngayon ay si Gio. Nag aalala ako na baka kung anong gawin niya. Alam kong nasaktan siya. At alam ko naman talaga sa simula pa lang bago ko gawin ang bagay na yun, ay masasaktan siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkalito, galit at sakit. Gustuhin ko mang magpliwanag, gustuhin ko mang sabihin ang totoo, alam kong hindi niya ako pakikinggan.

"Mam Geanna, baka pwede niyo pong puntahan si Sir sa office niya, kailangan niya po ng tulong.." Wala na akong ibang naisip na pwedeng sabihan kundi ang pinsan niya. Sino pa nga bang pwedeng makalapit sa kanya kundi kadugo niya. Itinext ko na rin sa kanya ang security code kung sakaling hindi sila pagbuksan nito. Ibabalik ko na sana ang telepono ng maalala ko si Marco. Alam kong personal bodyguard niya ito, pero alam ko rin na sobra ang tiwala nito kay Marco, kaya naisipan kong itext din ito.

"Marco, pakipuntahan naman si Sir sa office niya, kailangan niya ng tulong, ngayon na please.." Matapos kong maisend ang message ay na tukso akong tawagan si Gio, tinitigan ko ng matagal ang pangalan niya sa phonebook. Pero alam ko naman na hindi niya sasagutin ang tawag ko.

"You're good. Malinis ang telepono mo, ni wala kaming makukuhang evidence dito.." Napalingon ako ng magsalita ang katabi ko, habang binubutingting ang isang cellphone. Ngumiti ako, tama siya. Malinis iyon at wala silang makukuhang ebidensya. Dahil sa tuwing magmemessage ang taong iyon ay agad kong binubura pati ang ang mga reply ko, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, hindi sana ay may pruweba rin ako na naiipit lang ako, at tinatakot ako nito. Siguro ay dahil sa tuwing sumasagot ako rito ay pakiramdam kong kasabwat talaga nila ako. Isa pa ay ayoko ng balikang basahin ang mga pananakot niya. Kung alam ko lang sana. Kung naisip ko lang sana yun sa umpisa pa lang. Pero, huli na ang lahat. Isa pa, makukuha ko pa bang ilaban ang sarili ko kung si Gio mismo ang makakalaban ko? Nagbuntong hininga ako, bago muling iniabot sa kanya ang ginamot kong telepono.

"Naniniwala ka bang masamang tao ako, Kuya?" Tinitigan ko siya, at hinintay na sumagot, kahit umiling man lang. Pero umiwas siya ng tingin at nanahimik. Wala na nga sigurong maniniwala sakin.

Matapos gawan ng police report ay ipinasok na ako sa isa sa mga selda sa police station na pinagdalhan nila sa akin. Tahimik akong pumasok doon, una ay nakuha ko pang umupo sa isang bangkito, pero pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang lahat ng tao sa loob at labas ng selda. Sari saring emosyon ng nararamdaman ko. Naaawa ako sa sarili ko, hindi ako kriminal, hindi naman ako masamang tao. Alam kong mangyayari ito, pero hindi ko naman inasahan na kaybilis pala akong mahuhuli. Natatakot ako. Hindi para sa sarili ko. Natatakot ako para kay Nanay at Tatay, para kay Kuya Onyx, at Ate Emerald. Higit sa lahat natatakot ako para kay Gio. Ngayong hindi ko nagawa ang inuutos ng taong yun, alam kong wala na silang ibang paraan kundi sapilitan iyong kunin sa kanya, isipin ko palang na masasaktan siya, o baka mas malala pa ang mangyari, ay parang hindi na ako makahinga. Diyos ko! Bakit kailangan mangyari ito Lord? Sinubukan kong protektahan sila, pero hindi naging sapat iyon. Wala na ba akong magagawa?

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon