Chapter 41
Untamed Butterfly
Sapphire
Hinintay ko munang makaakyat ang elevator kung saan sakay si Mr. DeAntonio at Marco, naiilang akong sumabay sa kanila, isa pa, kinakabahan na naman ako, ano na naman kaya ang problema? May nagawa na naman kaya ako? Wala naman akong maisip na dahilan. Nagpalipas pa ako ng limng minuto, bago sumunod paakyat sa taas.
Pakubli kubli pa ko sa bawat pader na madaanan ko na akala mo ay nasa isang horror movie ako, hanggang sa makarating sa aking opisina. Ibinaba ko ang bag ko sa aking desk, inayos ang damit ko, bago atubiling lumabas ng pinto para pumasok sa kanyang opisina. Pero bigla akong bumalik, kagat ang aking hintuturo. Bakit nga kaya? Tssk. Baka kasi galit na naman siya, ano bang ginawa ko sa bahay niya kagabi? Wala naman akong nasira o nabasag doon, diba? Hindi mo malalaman kung bakit, kung hindi ka pupunta sa opisina niya, Sapi. Kung ano anong reaksyon na ang bumakas sa mukha ko, bago nabuo ang loob kong puntahan na ito.
Maingat kong itinatype ang code sa pinto ng biglang may magsalita sa aking likuran.
"Good Morning, Sapphire!" napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Si Seline iyon. Bakit naman ang aga aga ng babaeng ito?
"U-Uy! Seline! Goodmorning! Ang aga mo ah!?" sarkastiko kong bati rin sa kanya.
"Yeah, I just want to check Gio, he's not answering my calls kasi." Eh panong hindi, eh kasama niya ako!
"A-ah..ganun ba? Nandyan na siya sa loob eh, kakarating lang rin.." Naisip ko tuloy kung isasabay ko ba siya sa pagpasok, baka kung ano ang mood ni Mr. DeAntonio, at madamay pa siya.
"Really? Mabuti naman, pwede bang sumabay na ako sa pagpasok mo?" kulang na lang ay mag puppy eyes ito sa pag papa cute. Ayan na nga bang sinasabi ko.
"O-Oo naman..sige, teka.." hindi ko na rin naman siya matatanggihan eh, hindi ko rin naman pwedeng sabihin na maiwan muna siya rito sa labas diba? Muli kong itinype ang code, at agad naman iyong bumukas. Sabay na kami nitong pumasok,.
"Good Morning, Giovanni.." Nakangiting bati ng walang kamalay malay na si Seline.
Samantalang ako naman ay halos hindi makalakad dahil sa kaba. Nagpahuli pa ako ng kaunti. Nadaanan ko si Marco na nakaupo sa isa sa mga couch, naisip kong senyasan ito sa pamamagitan ng mukhang nagtatanong. Pero hindi ako nito pinansin, sa halip ay iniiwas nito ang tingin sa akin. Hmmp! Akala ko ay close na kami? Balak ko pa namang ilakad siya kay Mam Geanna.
"Sir.." tanging nasambit ko rito ng huminto ako sa tapat ng kanyang mesa. Hindi na ako nag abalang umupo, kasi may babae ng nauna sa upuan.
"Good Morning Sapphire, Seline..can you excuse us, please?" baling nito sa babae, na agad namang tumayo, at lumipat sa isa sa mga couch.
Maingat naman akong naupo sa upuang inalisan ni Seline, at naghintay sa sasabihin nito.
"How are you?" tanong nito ng makaupo ako.
"Okay naman, Sir.." pilit ang ngiting sagot ko.
"This morning..ah..we..happened to see something..did you know?" Mataman ko siyang tinitigan. Hindi ko pa makuha ang gusto niyang sabihin. Paano kong malalaman iyon? Kung wala naman akong idea kung ano?
"Anong nakita niyo, Sir?" muli kong tanong dito. Kinuha nitonang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang mesa, may pinindot na kung ano, at iniabot iyon sa akin. Nagtataka man ay kinuha ko naman iyon at tiningnan.
Sa simula ay medyo magulo ang video, pero unti unti itong naging klaro, at naitutok sa iisang taong nakasalampak sa sahig, dinig rin ang bulungan ng mga tao sa video, kung sino raw ang babaeng iyon, at kung ano raw ang nangyari, na baka raw lasing, at marami pang iba. Halos labing limang segundo rin ang itinagal ng video, itinigil iyon nang marinig na nagsalita ang boses ng isang lalaki, na sa tingin ko ay eksena kung saan dumating si Mr. Romano. Inulit ko pang iplay ang video, pagkatapos ay inulit ko pang muli. Nang magsawa ay tila natauhang ibinalik ko ang cellphone sa kanya. Ako ang nasa video. Natutulalang natawa na lamang ako, tama, ako nga iyon! Ang babaeng pinagtatawanan ng mga tao, at pinag isupan ng kung ano ano.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
