Chapter 52
Untamed Butterfly
Sapphire
"Ayoko ng gawin ang inuutos mo, pakiusap naman, tigilan mo na ako." Sagot ko sa estranghero ng muling makatanggap ng mensahe galing sa kanya, kakapwesto ko lang sa higaan, masaya na sana ako dahil halos nakalimutan ko ang problema kong ito habang kasama ko si Gio kanina.
"Alam mo kung anong kapalit sakaling tanggihan mo ang ipinapagawa ko sayo. Simple lang naman eh, hanapin mo ang mga dokumento, kunin mo, at ibigay mo sakin. Iyon lang, at pagkatapos, wala ka nang maririnig pa.." Gigil na talaga ako sa taong ito. Kung alam ko lang kung saan siga matatagpuan ay ipinahuli ko na siya. Lahat na ng paraang alam ko ay sinubukan ko na,.pero hindi siya kumakagat sa pain ko. Gumawa na ako ng iba't ibang fake account at ni add siya sa messenger, pero ni isa ay wala siyang inaccept. Hinamon ko na rin siyang makipagkita sakin, pero syempre, sino ba namang kriminal ang willing na makipagkita sa biktima niya. Agad nalaglag ang puso ko ng magsend ito ng larawan.
"Nice view out here.." Nasa labas lang siya ng bahay. Kuha iyon sa labas ng bahay namin. Diyos ko! Nababaliw na yata ang taong ito. Hindi ko malaman ang gagawin dahil sa takot. Kung nandyan lang siya sa labas ng bahay, malamang ay hindi lang si Gio ang sinusundan niya, kundi pati ako. Damay na rin ang pamilya ko.
"Do you want to see a proof, for you to believe I'm serious about this? I can shoot one bullet on your window..just say yes." Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Nangangatog na naupo ako at nagkubli sa gilid ng aking aparador.
"Oo na! Susubukan ko uling hanapin bukas! Parang awa mo na, huwag mong idamay ang pamilya ko! Umalis ka na.." lumuluhang sagot ko. Wala na. Tuluyan ng nadaig ng demonyong ito ang nalalabing tapang ko. Hindi ko kayang may masaktan kahit isa sa mga mahal ko. Patawarin mo ako, Gio. Sorry. Patawarin mo ako.
-------
Unknown POV
Sorry. Ayoko man gawin na takutin ka, pero kailangan. Ayoko mang madamay ka sa kahayupan ng lalaking iyon, wala akong magagawa kundi sundin siya. Oras na magawa mo ang pinagagawa niya, nangako naman siyang titigilan ka na niya. Pasensya na, Sapphire. Humugot ako ng isang malalim na paghinga, bago ko pinaharurot palayo sa kanilang bahay ang sinasakyan kong motor.
Pinihit ko paliko sa isang maliit na tindahan ang motor at inihinto iyon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit apketado ko sa misyon kong ito. Dati ko na itong ginagawa. Pumapatay pa nga ako ng tao para sa kanya. Pero ngayon, bakit ganito, bakit ngayon ko pa nararamdaman na napakasama kong tao. Tinungga ko ang alak na iniabot ng tindera. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang kanyang mukha. Ang mukha niya na dati ay palaging nakangiti, ngayon ay wala na. Mula ng isinangkot namin siya sa gulong ito. Simula ng tinakot ko siya, nagbago na ang masayahing awra niya. Madalas na siyang nagmamadali sa paglalakad, madalas luminga linga, halata ang takot sa mga mata. Ngayon lang ako nakaramdam ng awa at simpatya sa isang tao, at sa tao pa na hindi ko lubusang kilala."Shit!" Ano bang nangyayari sakin! Iniwan ko ang walang lamang bote pati na rin ang bayad, bago muling sumakay sa motor. Ngayon pa ba? Ngayon pa bang sukdulan na ang kasamaan ko? Tsaka pa ba ako makokonsensya? Ngayon pa na sukdulan na ang mga nagawa ko? Mapait akong napangiti. Tama. Wala ng lugar para sa konsensya. Hindi na dapat lumalambot ang puso ko para sa ibang tao. Masama akong tao, at hindi na magbabago iyon.
"K-Kuya, tulong. Si papa.." nangalit ang dugo ko ng pasalubong na tumakbo papalapit sakin si Angel. Malamang ay sinasaktan na naman ito ng hayup niyang ama.
"Come here you stupid! Ang sabi ko diba, maglaba ka kanina? What did you do? Tumunganga ka lang buong maghapon habang wala ako?" nagmamadaling lumapit ito kay Angel, pero mabilis ring naka kubli sa likuran ko ang bata.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomantikUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...