Chapter 67
Untamed Butterfly
Sapphire
Tatlong mahihinang katok ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto. Kasalukuyan ako noong nakatitig sa kisame gaya ng palagi kong ginagawa matapos mag almusal at saglit na makipagkwentuhan sa aking mga magulang at mga kapatid.
"Sapphire, anak..nariyan sa labas si Mr. DeAntonio.." mabilis kong nilingon si nanay na nakasilip sa pinto. Tulad ng mga nakaraang araw, umiling ako rito. Nagbuntong hininga naman ito bago maingat na isinara ang ang pinto. Halos isang buwan na ang nakalipas mula ng makauwi akong muli sa amin. Mula ng araw na iyon ay hindi ko na muling nakita pa si Gio, kahit pa madalas itong nagtatangkang puntahan at dalawin ako.
Flashback
"Magiingat kayo sa biyahe. Tawagan mo lang ako kapag kailangan.." Bakas ang lungkot sa boses ni Lance kahit pa pinipilit nitong maging masigla.
"Ate Sapphire, sana po, dalawin mo pa rin kami kahit nasa maynila ka na.." maluha luha namang sambit ni Lyn. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Oo naman! Dadalaw ako kapag maayos na ang lahat, lalo na kapag may trabaho na ko uli.." nakangiting sagot ko rito.
"Naku! Mamimiss ka namin lahat dito, Sapphire..sana ay maging masaya ka sa pagbalik mo sa dati mong buhay ha?" naluluhang wika naman ni Nanay Lucia, habang nakayapos rito ang bunsong halos ayaw akong tingnan. Mula ng malaman nitong aalis na ako ay nagtampo ito at ayaw na akong kausapin. Haay. Ang hirap iwanan ng mga taong naging bahagi ng buhay ko sa loob ng walong buwan.
"Nay, maraming salamat po sa pagkupkop at pagturing ninyong anak sakin. Hinding hindi ko po makakalimutan ang kabutihan ng pamilya ninyo.." Lumapit ako sa kanila at pareho silang niyakap.
Naluluha man ay pinilit kong ngumiti at dumako naman kay Lance.
"Huwag mong pababayaan ang sarili mo ah? Kapag napapagod ka, magpahinga ka. Huwag mong kakalimutang ngumiti..kapag kailangan mo rin ng kausap, tawagan mo lang ako, okay?" Mayabang itong ngumisi.
"Maraming salamat, Lance..utang ko sayo ang buhay ko.." Niyakap ko si Lance ng mahigpit, gumanti rin naman ito ng yakap at bumulong.
"Higpitan mo pa ang yakap.." napakunot ang noo ko, pero natatawa nang sinunod ang sinabi niya.
"Eherm...ah..Sapphire, we need to go.." mula sa likuran ko ay narinig kong nagsalita si Gio. Kaya pala. Gusto itong pagselosin ni Lance. Pasimple kong hinampas sa balikat si Lance at natatawang kumalas sa yakap.
"Hindi maipinta ang mukha.." natatawang bulong muli nito.
"Loko ka talaga. Oh paano, aalis na kami. Ikaw na ang bahala kila Nanay lucia. Uwian mo na sila ng madalas, okay?" tila nagbabanta kong bilin. Tumango tango naman ito at namulsa habang sinasabayan ako sa paglakad. Hanggang sa pagsakay ko sa sasakyan ay ipinagbuksan ako nito ng pinto, at ng makasakay ako ay hinarap si Gio.
"Pag ingatan mo na siya, dahil kapag nawala pa siya, hahanapin ko siyang muli, at hindi ko na siya isosoli sayo.." Iyon lang at lumakad na ito pabalik sa kinatatayuan nila Nanay Lucia.
Saglit namang natigilan si Gio, bago sinundan ng tingin ang papalayong si Lance. Tila nagiisip itong umikot sa kabilang pinto at sumakay na rin, habang ako naman ay nagmamadaling ibinaba ang bintana para kumaway sa mga ito."Bye! Magiingat kayo palagi dito ah? Lyn! Mag aral kang mabuti, lagi mong tutulungan si Nanay Lucia sa mga gawaing bahay!" sigaw ko habang malungkot na kumakaway. Habang minamaniobra ni Marco ang sasakyan ay patuloy kami sa palitan ng pamamalaam ng mga taong napamahal na sa akin, patuloy pa rin akong kumakaway kahit unti unti na silang lumiliit sa paningin ko.

BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...