Chapter 66
Untamed Butterfly
Sapphire
Naramdaman ko na lamang na humugot ako ng isang malalim na paghinga, bago unti unting dumilat ang mga mata ko, malabo pa ang paligid, pero malamig sa kwartong ito.
"A-Ate Sapphire? Gising ka na po?" Awtomatikong napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Angel. Bakas sa mukha nito ang pag aalala, habang nakatunghay sa akin.
"A-Angel?" Bahagya akong ngumiti sa kanya, at sinubukang bumangon. Agad naman siyang tumayo at umalalay sa akin.
"Kamusta ka na? Ang lusog lusog mo na kaysa nung huli kitang makita.." sambit ko habang tinititigan ito. Alam kong maayos na ang kalagayan niya, dahil naitanong ko iyon kay Lance, ng minsang maikwento niya ang tungkol sa batang ito.
"N-Nakakaalala ka na, Ate?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Marahan akong tumango. Unti unti namang nabuhay ang kislap sa mga mata nito, at ngumiti.
"Natutuwa ako dahil ligtas ka na at kasama mo na ng kuya mo ngayon.." Nanatili akong nakatitig sa kanya. Malaking malaki ang pagkakahawig niya kay Gio, pareho silang may magandang mga mata.
"S-Salamat Ate Sapphire, isa ka sa dahilan para makatakas ako sa lugar na yun, kayong dalawa ni Kuya..malaki ang utang na loob ko sa inyo.." Hindi niya alam na Lance ang pangalan ng taong tinatawag niyang Kuya.
"A-Akala ko, hindi ka na po makikita ni Kuya Gio, mabuti na lang at nahanap ka na po niya, nakakaawa na po kasi siya eh.." Nalungkot ang mukha nito. Anong ibig niyang sabihing nakakaawa ito?
"Uhmm..madalas siyang hindi nakakapasok sa trabaho, umaga hanggang gabi, palagi siyang nasa labas at pumupunta kung saan saan para maghanap po sayo. Pag uwi naman niya, nagkukulong lang siya sa kwarto niya, minsan hindi na rin nakukuhang kumain.." nagbuntong hininga ito. Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman. Masaya ba ako, dahil sa pagkawala ko, ay naghirap rin ng kalooban niya? O masaya ako dahil nalaman kong hindi siya tumigil sa paghahanap sakin? Nakonsensya lang yun! Singit ng isip ko. Tama. Inusig lang siya ng konsensya niya.
"Ate, g-galit ka ba kay kuya?" iniiwas ko ang aking tingin. Galit nga ba ako? O nagtatampo lang? Natigilan kaming pareho ni Angel ng may marinig na katok. Maya maya ay marahang bumukas ang pinto, na siya namang ikinalaglag ng puso ko ng makita kung sino ang papasok mula roon.
"Thanks God! You're awake.." bulalas nito, at napabuga pa ng hangin.
"Angelina, can I talk to your Ate Sapphire for a moment please?" pakiusap nito sa kanyang kapatid, na agad namang tumango, at tinungo ang pinto, sinamantala ko naman ng tumalikod ito para isara iyon. Dali dali akong bumaba ng kama, at nagtago sa ilalim. Ewan ko kung bakit, pero pakiramdam ko ay hindi pa ako handang harapin siyang muli. Hindi ko pa kayang tingnan siya sa mata.
"We need to talk-" Mula sa ilalim ay kita kong napahinto ito sa tangka sanang paglapit sa kama ng makitang wala ako doon. Saglit pa itong tumayo roon, bago naglakad at naupo sa kama.
"I know where you are..come out please.." nakagat ko ang aking daliri habang pinakikiramdaman ang bawat kilos nito. Hindi ako sumagot. Tila naghihintay naman ito na lumabas ako mula roon, pero marahil ng masiguradong hindi ako lalabas ay muling nagsalita.
"Okay. If you don't want to come out, I still want to talk to you.." saglit na katahimikan. Wala naman akong magagawa kahit ayaw kong pakinggan siya, dahil alanganin ang naisip kong magtago dito sa ilalim.
"First of all, nagapasalamat ako, dahil nagbalik ka na. Hindi ko man inaasahan na ganito ang kalagayan mo nung matagpuan kita, nagpapasalamat pa rin ako, dahil binigyan pa rin ako ng pagkakataong makabawi sa mga pagkakamali ko.." Saglit itong huminto. Napahugot ako ng malalim na paghinga, ngunit tahimik kong ibinuga iyon, nag iingat na huwag niyang marinig.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
