Chapter 53

68 0 0
                                    

Chapter 53

Untamed Butterfly

Giovanni

I really can't believe what I'm seeing right now. Is this true? Mataman kong pinanood ang bawat kilos niya. I can see she is hesistant, she's reluctant. But why? Bakit niya iyon ginawa? Bakit niya sinira ang tiwala ko?
Flashback

"I thought you're already in here nung dumating ako kanina eh, I was about to ring the door when it opened, nasa loob pala si Sapphire.." Sa totoo lang ay wala akong ganang tumanggap ng bisita ngayon, dahil ilang araw na akong hindi nakakapag focus sa trabaho, dahil sa dami ng iniisip ko. But like any other days, bigla na lang sumusulpot si Seline. Bahagya tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, pero hindi ko iyon ipinahalata. Sapphire doesn't come in here, lalo kung wala ako dito sa loob. Pero inisip ko na lang na baka may kinailangan lang siyang kunin dito sa loob, and I actually don't mind her coming here kahit wala ako, because I trust her, nagawa ko pa ngang ibigay sa kanya ang security code ng pinto. Kaya binalewala ko lang iyon, kahit pa hindi niya nabanggit iyon sa akin. Then the next day, pagka galing namin sa Baguio, I guess naulit uling pumasok siya sa opisina ng hindi ko nalalaman, because there is a small clipper that was left on the floor, infront of my table's drawer, which ofcourse was not mine. Wala namang ibang nakakaalam kung paano mabubuksan ang pinto, kundi kami lamang dalawa.

I don't want to think negatively about her, pero kinutuban ako, was she trying to open the drawer where I hide the will? Because I remember it mentioning to her na dito ko iyon itatago sa opisina. Nagtatalo ang isip at puso ko ng mga oras na iyon. Kung ano man ang dahilan kung bakit pumapasok siya rito ng wala ako, yun ay dahil may hinahanap siya. Makailang beses akong huminga ng malalim, pero hindi maalis alis ang bigat sa dibdib ko. I was hoping na mali ang iniisip ko. What is she planning to do with it? I bet she knew she will not be able to get money out of that document. Unless..yeah, unless she's one of Uncle Levi's accomplice. But no. Hindi niya magagawang lokohin ako. Kaya ayoko mang gawin ang naisip ko, ay nagpasya pa rin akong gumawa ng pain, and I hate this! I hated myself for doing this. But I felt the need to prove I'm wrong. Gusto kong mapanatag ang kalooban ko, at mawala ang bigat sa dibdib ko. Kaya sinadya kong iniwan na nakabukas ang drawer kung saan nakalagay ang envelope. I know, I don't have the right to test her, but this is the only way for me to feel better. Selfish act. I know.

This past few days, I've noticed something was off with her. Madalas malayo ang tingin niya, nabawasan ang pagiging madaldal. Pati ang pagiging masayahin. She seems out of herself. But I didn't think something was bothering her. Nagtaka lang ako. Pero hindi ako nagtanong.

I have contacted Xavier to help me connect my phone to the cctv camera installed ouside and inside of my office, I want to see it with my own eyes. Gusto kong mapahiya sa sarili ko sa pag iisip ko ng hindi maganda kay Sapphire. Pero ngayon, hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Matapos kong magpaalam sa kanya na aalis dahil may lakad ako na hindi naman totoo ay bumaba lang ako sa parking area, at doon naghintay habang nakatutok sa screen ng cellphone ang aking mga mata. Bawat segundo, bawat minuto na walang pagkilos mula sa taas ay nadaragdagan ang kumpiyansa ko, lumalakas ang paniniwala ko na hindi, at mali na pinagdudahan ko siya. Pero maya maya lang ay nakita kong sumilip ito mula sa pinto ng kanyang opisina, as if making sure there's no one on the 25th floor. Then, she carefully walked infront of my office door, at first hindi siya kumilos, maybe she's thinking twice. Alam kong nag sign of the cross pa siya bago itinype ang code. Huminga ako ng malalim ng ini on ko ang isa pang cctv connection, na nasa loob ng mismong aking opisina. On the footage, I saw her walk straightly to my desk, sigurado siya sa kanyang pupuntahan, agad siyang nawala sa camera, sa tingin ko ay yumuko o lumuhod siya para buksan ang drawer. Saglit siyang tumayo, at tila nag iisip at hindi makapaniwala na bukas ang drawer. Pero maya maya pa ay mabilis na siya kumilos at kinuha ang bagay na iyon. Ang papel na puno't dulo ng lahat. Mariin akong napapikit. I'm still in denial. Pero ng muli kong ibalik ang tingin sa screen, ay nakalabas na ito ng pinto, habang ikinukubli ang envelope papasok sa kanyang opisina.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon