Chapter 57

91 1 0
                                    

Chapter 57

Untamed Butterfly

Sapphire

"Shhh.." itinakip ko sa aking bibig ang hintuturo ko ng muntik ng matumba ang hagdan pinagtulungan naming isandal ni Angel sa pader.

"Ikaw muna ang maunang umakyat, aalalayan kita.." pabulong kong sabi sa kanya. Matapos tumango, ay nagsimula na itong akyatin ng hagdan.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dyan!" Nag panic akong bigla ng marinig ang sigaw ng isang lalake.

"Angel, bilisan mo, akyat...!" pinagmadali ko pa itong makaakyat.

"Awww!" hindi ko namalayan na nakalapit na ang lalaki, kaya nahila na nito ang buhok ko.

"Aray! Bitawan mo ko! Bakla ka ba! Bakit ka nananambunot!" nagpumiglas ako habang pilit ako nitong kinakaladkad pabalik sa loob.

"Angel, umakyat ka na! B-bilisan mo!" Kahit nahuli na ako, ay gusto ko pa ring makatakas si Angel, kahit siya na lang. Bahala na kung anong mangyari sakin, basta't makaalis na siya sa lugar na ito.

"A-Ate.." Pero sa malas ay natakot ito at muling bumaba. Gusto kong sapuin nag noo ko. Pero nasasaktan na ako sa pagkaladkad sa akin ng lalakin ito.

"What the hell!?" lahat kami ay natigilan ng marinig ang boses ng demonyo.

"Akala mo ba ay matatakasan mo ako?" Galit na galit ang ekspresyon sa mukha nito.

"Ibalik mo sa bodega yan! Ikaw! Isunod mo ang batang yan!" tukoy nito kay Angel na takot na takot at umiiyak na.

-----------
"Aaaahh!" halos sabay kaming umaray ng marahas kaming itulak ng dalawang lalaki pabalik sa loob ng bodega.

"A-Ate..natatakot ako kay P-Papa.." mahigpit na yumakap sakin si Angel. Niyakap ko rin siya, na akala mo ay kaya ko talaga siyang ipagtanggol sa lalaking yun.

"Hindi ko hahayaang saktan ka niya, diba sabi ko sayo? Huwag ka ng umiyak, hangga't nandito ako, hindi ka na niya magagalaw.." hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok. Kapwa kami natahimik. Waring hinihintay na pumasok si kamatayan.

Mayamaya pa, ay malakas ang kalabog na bumukas ang pinto. At mula doon ay pumasok ang galit na galit na lalaki.

"Now! Let us see kung hanggang saan ang tapang mo!" sa isang iglap ay nakalapit ito sa amin at walang ano anong hinablot ako sa aking damit at malakas na itinulak sa kumpol ng mga karton. Agad nag init ang buo kong katawan sa lakas ng impact ng pagkakahampas doon.

"Ate.." narinig kong sigaw ni Angel. Nag thumbs up ako sa kanya para sabihing okay lang ako. Pero muling umangat ang katawan ko mula sa pagkakadapa, at paharap naman nitong itinulak, pagkatapos ay isang malakas na sampal mula sa likod ng kanyang palad ang dumapo sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay nabasag ang panga ko sa lakas niyon. Nang itaas nito muli ang kanyang kamay ay nakita kong may suot itong malaking singsing, dahilan kaya siguro abot hanggang panga ang sakit na naramdaman ko. Paulit ulit niya akong sinampal, itinulak, at inihagis kung saan saang sulok. Sobrang sakit ng katawan ang inabot ko. Dagdagan pa ang mukha ko na pakiramdam ko ay puro pasa at dugo na.

"Y-yan lang ba ang kaya mo?" Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ay nagawa ko pa siyang hamunin. Nagsisimula ng mamanhid ang katawan ko. At medyo pikit na ang isa kong mata dahil sa tindi ng kirot na nararamdaman ko.

Nanlilisik ang mga mata nitong muling lumapit sa aking at hinawakan ako sa leeg.

"You want to see what else I can do?" Gigil nitong idiniin ang pagkakahawak sa leeg ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko, at luluwa ang mga mata ko sa tindi ng pagkakasakal niya. Halos mapugto na ang paghinga ko, papanawan na yata ako ng ulirat. Hindi ko akalain na mabubugbog ako ng ganito sa tanang buhay ko.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon