Chapter 29

171 2 0
                                        

Chapter 29

Untamed Butterfly

Giovanni

The light in her room is dimmed. Pero nagdadalawang isip pa rin ako kung kakatukin ko siya, o hindi, though I wonder why I haven't see her since I came home from the hospital. I admit. I feel ashamed for how I act towards her, at nahihiya ako sa sarili ko nung malaman ko ang totoong nangyari. Kaya muli akong pumasok sa aking kwarto at kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa tukador. I took a lot of pictures of her, kahapon, nang magkasama kaming namasyal sa mga tindahan. Casual ko lang iyong kinuhanan, na akala niya ay wala lang kaya bawat kuha ko sa kanya ay hindi naman siya nag dadalawang isip na mag pose. Isa isa kong tiningnan ang mga pictures, iba iba ang pose niya sa mg iyon, pero pare pareho ang ngiti. Ang pinaka masayahing ngiti na nakita ko. Matapos isa isahing tingnan ang mga pictures, ay kinuha ko naman ang camera na dala ko kanina, dito naman ay marami akong stolen shots na kinuha. Mula ng bago pa kami umalis, ng kausap niya si Christopher, sa briefing na tila seryosong seryoso siyang nakikinig, ang pinaka paborito ko ay shot na nakaupo siya sa bato malapit sa batis, kung saan nakangiti siya habang nakalublob ang kamay sa tubig. Okay na sana iyon, pero bigla ay akmang iinom siya ng tubig mula sa batis, kaya mabilis ko siyang nilapitan at pinigil.  Malamig ang pakikitungo niya sa akin mula pa nang umaga, at hindi ko alam kung bakit. Napangiti ako ng sunod na lumitaw ang kuha niya sa peak, kung saan nakataas ang dalawang kamay niya, at parang batang tuwang tuwa.
Flashback

"Gio, listen, it's..it's not Sapphire's fault, it's me, I wanted to photograph the wildflower I saw, then I asked help from her. Hindi niya rin kasalanan na na sprain ang paa ko, I stumbled.." Kwento ni Seline matapos siyang tingnan ng doktor, at sabihing hindi naman malala ang pilay na natamo niya. Bakit nga ba hindi ko siya hinayaang magsalita kanina?

"Actually, nadamay pa siya sa pagka dulas ko, her hand was bleeding, did you see it?" I can see Seline was worried for her, cause she was bleeding. She was fucking bleeding! Na hindi ko man lang napansin!

"She was so nice Gio, she even volunteered to go down the steep way, at kuhanan ng pictures yung bulaklak..please, don't get mad at her.." I'm speechless. I literally don't know what to say.

"Please, check her for me?" pakiusap nito.
Seline prefered to rest in the hospital, even I told her I could take her back to Manila right away. But she insisted for me to go back to the resort para tingnan ang kalagayan ni Sapphire, so I did. Hapon na ng makabalik ako sa resort, I have adviced Christopher and Jed to make some changes with the plans. I want all to just enjoy the night, enough with the activities.

"Just enjoy the night, I have reserved the resort's bar and restaurant, so you can drink all you want, and eat all you want.." Inakbayan ko silang pareho, bago ako tumuloy sa aking Villa. Ang akala ko ay makikita ko siyang pagala gala lang sa paligid ng resort. Pero wala siya, kahit sa grupo na lagi niyang kasama. I'm starting to get worried. The same feeling I felt nung mawala siya kanina. At first, I thought it was just her who's missing. Sobrang nag alala ako, knowing her? She's like a child in her own world. Naisip kong baka kung ano na ang nangyari sa kanya kaya umakyat ang dugo ko at agad nag init ang ulo. Then, we learned that Seline was missing too. That was the time, na naisip kong baka nakaisip na naman ng kalokohan si Sapphire, gaya ng muntik na niyang gawin kahapon kay Seline. I don't know why she acts like that.

Sapphire is very transparent, easy to read like an open book. Mga tingin pa lang niya, ay alam ko na kung anong iniisip niya. When Geanna accidentally hit her with the ball, halos gusto kong itaboy si Seline sa pagkakahawak nito sa braso ko, para lumapit sa kanya, but I choosed not to. Hanggang sa nag presinta na si Marco na alalayan siyang makaupo. My heart beat fast when I saw him holding her elbow and even had the gut to have a chat with her. In the corner of my eyes, nakikita kong seryoso silang nag uusap, na wala na sakin ang atensyon nito. Then after the game, tsaka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sulyapan ang mga ito. Sumenyas si Marco, at itinuro ang nakahiga ng si Sapphire sa isa sa mga bench. She was already sleeping.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon