Chapter 24
Untamed Butterfly
Sapphire
"Okay Guys, you may proceed to your rooms first to rest, at para maiayos nyo muna yung mga gamit nyo, then we will be having our breakfast at 9:30, okay?" Si Sir Chrissy, siya ang naka assign na maging facilitator ng team building na ito, sila ni Sir Jed ang mangangasiwa sa mga activities, ako naman ay mag aassist lang, kung kailangan.
Excited na nagpulasan ang bawat isa para hanapin ang kani kaniyang kwarto sa hotel. Hindi ko pa nakita ang kabuuan nito, dahil halos ay kararating lamang namin, pero ang sabi nila Sir Chrissy, ay isa raw itong beach resort, na mayroong camping site sa likurang bahagi nito. Nasasabik tuloy akong mag ikot ikot.
Sabay kaming umakyat sa second floor ni Chari para hanapin ang aming kwarto, pero anim na kwarto na ang nalagpasan namin ay wala pa rin ang mga pangalan namin sa sa mga papel na nakadikit sa bawat labas ng mga pintuan. Sa ikatlong palapag ay nahanap na namin ang pangalan ni Chari, pero ang sa akin ay wala pa rin, kaya muli akong bumaba sa reception para magtanong.
"Good Morning..Miss, saan pa yung ibang rooms para sa mga participants? Hindi ko po kasi makita kung saang kwarto ako kasama.." tanong ko sa babaeng receptionist, na naka suot ng sunvisor, blue polo shirt, at shorts. Cute ang uniform nila.
"Ano pong pangalan niyo Mam? Pwede naman po nating i check dito sa system.." nakangiting tanong nito. Ayun naman pala eh. Sinabi ko ang buong pangalan ko at agad naman nitong nahanap.
"Doon po kayo sa Private Villa Mam, dun lang po sa kabilang side nitong Hotel, sa beach front po.." Private Villa? Bakit doon?
"Naka tag po kasi kayo as facilitator, lahat po ng facilitator ay sa private villa naka room..kayo po yung PA ng CEO diba po? Kasama niyo rin po si Sir doon.." Ah ganun ba yun? Matapos magpasalamat ay nagpaalam na ako rito para hanapin ang Villa na sinasabi nito. Hindi naman ito kalayuan, pero meron itong sarili bakod. Nang makapasok ako ay namangha ako sa itsura nito sa loob, maraming mumunting bahay sa loob nito, at mayroong isang private pool. Literal na nakanganga ako habang papalapit, kung ganito kaganda ang lugar, kahit hindi na siguro ako umuwi. Nakarinig ako ng ingay mula sa isang kwarto, si Sir Jed at si Sir Chrissy, sumilip ako mula sa malaking glass door nito, at sakto naman na pasilip din si Sir Jed.
"Hey! Young lady, bakit pasilip silip ka pa dyan? At bakit dala dala mo pa ang gamit mo?" nakapamewang na tanong nito sa akin, at hinilang pabukas ang sliding door.
"Eh, ngayon ko lang po kasi nalaman na dito pala ko sa villa kasama ninyo.." hahakbang na sana ako papasok ng pigilan ako nito.
"Hep..hep..hindi ka dito sa amin ano..mga queen lang ang pwede dito..dun..dun ka sa pinaka huling villa mula rito.." pagtataboy nito na iminwestra pa ang kamay. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuturo niya.
"Ganun po ba, eh sino pong kasama ko doon Sir?" tanong ko rito. Akala ko naman ay magkakasama na kami dito sa isang bahay.
"I'm not sure, Sapphy, pero ang pagkakaalam ko ay ikaw lang mag isa dun.." narinig kong sigaw ni Sir Chrissy mula sa loob.
"Why don't you go there now, so you can check, Sapphy?" Tama, mapuntahan na nga at bigat na bigat na rin ako sa mga gamit ko.
"Okay Sir Jed,.." kumaway na ako rito at naglakad papunta sa pinaka huling Villa. Meron pang dalawang Villa akong nadaanan, sino kayang magka-kwarto sa mga iyon? Nagkibit balikat na lang ako at ng makarating sa dulo ay maingat na umakyat ng hagdan, at inaninag ang loob niyon, walang tao, kaya hinila ko ng pabukas ang sliding door. Siguro nga ay mag isa lang ako rito.
Isa lang ang masasabi ko, napakaganda sa loob, at talaga namang nakaka relax, agad kong nilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Simple lang ito, pero malaki ang kama. Parang pang VIP ng kung titingnan mo, sa gilid ay mayroong personal ref, at mini table, pang isahan nga. Sa kama naman ay nakapatong ang mga tuwalya at sa tingin ko ay mga free toiletries, pero ang higit na nakatawag sa pansin ko ay ang isang maliit na basket ng prutas na kasama niyon. Sa tingin ko ay pa welcome ito para sa mga guests ng beach resort na ito. Inilapag ko ang mga gamit ko sa kung saan bago lumapit doon at kumuha ng mansanas. Pinunasan ko muna iyon ng suot kong polo, bago kinagat. Wow! Heaven! Patihaya akong nahiga sa kama habang ninanamnam ang mansanas. Masaya pala ang ganito, malayo sa ingay ng syudad, tahimik at sariwa ang hangin, halos dinig ko ang paghampas ng mga alon sa labas.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
