Chapter 16

181 2 0
                                        

Chapter 16

Untamed Butterfly

Sapphire

Paroo't parito ako sa bawat sulok ng venue dahil sa pag aasikaso ng mga bagay na wala sa ayos. Haay, masakit na ang paa ko, parang gusto ko na tuloy magpalit ng flat shoes eh. Napuntahan ko na ang backstage, kompleto na ang mga models, sunod sunod na rin ang mga rails ng damit ayon sa pagkakasunod sunod ng mga ito, ang mga props ay ready na rin, nandirito naman ang mga designers kaya sila na ang bahala, naka stand by rin ang mga make up artist at hairstylist, lahat dito ay okay na. Sunod kong pinuntahan ay ang team na naka assign sa sound system, meron din palang DJ na mag ooperate ng music, siniguro ko kung ok na sila, wala naman na raw problema kaya nagtungo na ako sa team na mag aaikaso naman sa lighting, lalong lalo na sa runway, ang team naman na ito ay siya ring daw naka assign dito noong isang taon, kaya gamay na rin naman nila. Huli kong pinuntahan ay ang cocktail bar, kung saan naroon ang mga inumin at snacks, at sa tingin ko ay okay naman na ang lahat. Kahit ang mga photographer ay nagkalat naman na, at kanina pa nagsimulang kumuha ng mga litrato.
Isang oras at kalahati lang naman ng itatagal ng show na ito. Noong una, ang akala ko ay aabutin ng dalawa hanggang tatlong oras, biruin mo, ilang buwan ang paghahanda para lang sa sandaling oras na iyon. Habang papalapit ng papalapit ang pag uumpisa ng show ay pakiramdam ko lalo naman akong kinakabahan, natatakot ako na baka kung kailan nag umpisa na ito ay tsaka pa magkaroon ng problema. Haay. Sana naman ay maging smooth ang lahat.

Pabalik na ako sa audience area ng maalala ko ang VIP's. Oo nga pala, kailangan kong i check kung lahat ng VIP's ay nakarating na, una kong tiningnan ang gawing kanan, wala ng bakante sa unahang bahagi nito, kaya sigurado ay kompleto na ang mga VIP rito, sa pangalawang row ay naroon naman nakapwesto ang mga head ng bawat department ng DeAntonio, sila Sir Chrissy, Sir Jed, at mga head ng back office. Sunod kong pinuntahan ang kaliwang bahagi, kung saan nakaupo na sila Mam Geanna at iba pang mga yayamaning mga babae at lalake, lahat halos ng tao rito ngayon ay may mga class. Nakakahiya tuloy ng magpalakad lakad at baka may mabangga ako. Napansin ko na mayroon pang apat na bakante sa unang row, agad kong kinuha mula sa aking maliit na pouch ang isinulat kong listahan ng mga pangalan nila ayon sa upuan. Sa gawing gitna ay nakapangalan kay..Mr. Xavier Niccolo Romano at Mr. Carlisle Vinn Defuesto, wala pa ang dalawang ito, sinilip ko ang dalawa pang bakanteng upuan, magkatabi rin ang mga ito. Teka. Hinanap ko kung kanino nakapangalan ang dalawang iyon sa aking listahan, ah! Ang isa nga pala ay kay Mr. DeAntonio, at ang isa-

"Ms. Adriano.." nilingon ko ang paparating na si Mr. DeAntonio, at kiming ngumiti rito.

"Sir, may dalawa pa po tayong VIP na hindi pa dumarating, tatawagan ko na po-" sinundan ko ng tingin kung saan dumako ang mga mata nito.

"No need, they're here.." hinarap nito ang mga bagong dating, na kapwa mga gwapo at magagandang lalaki rin. Ave Maria. Umuulan ng mga gwapo rito ngayon! Niyakap niyang pareho ang mga bagong dating at saglit na nag batian. Ang isang lalake, ay medyo may kaingayan at madaldal. Pero hindi maiaalis na gwapo at may sinasabi rin ito sa buhay. Ang isa naman ay medyo seryoso. Pero ang mala

"Boss" rin ang datingan, at maganda rin ang bulto ng katawan, mukhang seryoso ito sa buhay, napansin ko rin ang pagkinang ng singsing nito sa isang daliri. Ah. Taken na.

"Ms. Adriano.." muling tawag ni Mr. DeAntonio sa akin. This time, ay nakangiti ito sa akin. Wow naman. Kung sana ganito niya ako palaging tatawagin, edi masaya akong lalapit sa kanya.

"Xave, Carl, this is my new PA, Sapphire.." Hala. biruin mong ipakilala pa ako? Eh hindi naman ako mahalagang tao dito. Hinawakan nito ang likod kong walang saplot. Medyo napakislot pa tuloy ako ng maramdaman ang init ng palad niya sa likod ko. Sa dinami rami ng pagkakataon na hahawakan niya ako, ay ngayon pang backless ang suot ko. Naku naman!

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon