Chapter 15

120 3 0
                                    

Chapter 15

Untamed Butterfly

Sapphire

"Sapi, anong oras na hindi ka pa ba babangon? Akala ko ay may event kayo mamayang gabi?" napabalikwas ako ng gising ng marinig ang boses ni ate Emerald.

"Anong oras na?" puoungas pungas na tanong ko rito.

"Twelve na ng tanghali.." Haay. Akala ko naman ay gabi na. Mabuti na lang at wala na kaming pasok ngayon, para makapag handa mamayang gabi. Napuyat kasi akong lalo dahil sa kakahintay ng text ni Mr. DeAntonio. At ewan ko kung bakit hinintay ko ang text niya, pero matapos nitong mag sorry ay hindi na iyon nasundan.

Pabagsak akong nahiga muli. Sorry niya mukha niya. Mga mayayamang insensitive! Pero aaminin ko, noong sinagot sagot ko siya, talaga namang kinabahan rin ako, mabuti naman at hindi niya ako masyadong pinatulan, kundi, siguro ay wala na kong trabaho. Inis na itinakip ko ang isang unan sa mukha ko. Bakit ba kasi ang tabil tabil ng bibig mo Sapphire. Haay. Nakakahiya tuloy magpakita sa kanya mamaya. Uhmm..eh kung huwag na lang kaya akong magpunta?Naku eh hindi naman pwede dahil kailangan ako doon. Aha! Sa backstage na lang ako mag stay? Oo tama, mag aassist na lang ako sa mga models. Eh paano kung kailanganin ka sa labas o magkaroon ng problema. At paano kung hanapin ka ni Mr. DeAntonio? Haaaaay! Nakakainis talaga!

"Sapphire anak, bumangon ka na dyan at tanghalian na.." narinig kong tawag ni nanay. Nang marinig ko ang boses niya ay agad akong na akong bumangon, na miss ko bigla ang mga magulang ko, dalawang gabi lang naman akong nag overtime, pero pakiramdam ko ay ang tagal ko na silang hindi nakakausap ni tatay. Inayos ko muna ang sarili ko, bago lumabas at masayang nag tanghalian at nakipagkwentuhan sa aking pamilya.

---------

Eksaktong alas tres ay dumating na ako sa DeAntonio para tumulong sa mga dapat pang ayusin o ihanda para sa venue, mabuti na lamang, kahit paano ay wala naman nang gaanong gagawin. Malapit lang rin naman ang venue rito, kaya kung may ihahatid doon, ay madali lang magpabalik balik.

"Sapphy, bakit ang aga mo naman yata? Dapat ay nag beauty rest ka muna, mamaya pa naman ang show.." si Sir Chrissy, isa kasi siya sa in charge sa venue, kaya maaga rin siyang dumating.

"Eh Sir, baka kasi may nakaligtaan pa po tayo, mabuti na po yung ma check po natin lahat.." nagkibit balikat naman ito.

"Sa sipag mong yan, malamang ay wala na tayong poproblemahin mamaya..wait, where's your dress? Ibinigay na ba sayo?" tanong nito, oo nga ano? Ayon kasi sa meeting, lahat raw ng susuotin ng mga empleyadong kasama sa floor ay provided ng kumpanya, kasama na ako doon, dahil haharap rin ako sa bisita, ang hindi ko nga lang alam ay kung ano ang itsura ng damit. Nakalimutan ko na rin iyong i follow up, dahil sa sobrang busy at dami kong inaasikaso.

"Hindi pa nga Sir Chrissy eh, saan ko ba pwedeng makuha iyon Sir?" tanong ko naman sa kanya.

"I guess sa sewing room, lets go, puntahan natin si Jed.." at hinila na ako nito papunta sa elevator.

Nang makarating kami sa sewing room ay nakaready na ang lahat ng outfits sa rail, lahat daw iyon ay ihahatid na sa venue, nandoon na rin daw ang mga models na magsusuot ng mga iyon.

"Hey, Jed, nasaan ang susuotin nitong si Sapphire mamaya?" bungad na tanong ni Sir Chrissy kay Sir Jed.

"Oh..there you are my kitty, come I'll show you.." nakangiting hinila na rin ako nito sa isang sulok kung saan naka hanger ang iilang dress. Kinuha nito ang isang dark grey na dress tutu dress. Napapalibutan iyon ng magaganda at kumikinang na mga beads, bukas ang likod nito na halos abot sa beywang, pero hindi naman malaswang tingnan, magiging cute lang ito sa paningin ng makakakita.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon