Chapter 37

156 3 0
                                        

Chapter 37

Untamed Butterfly

Sapphire

Nang marating namin ang aming mesa, ay agad nito akong inalalayang maupo. Sa malas naman ay isang lamesa lang ang agwat namin sa kinauupan ng babaeng Divina ang pangalan. Kimi akong luminga linga, at tumanaw tanaw sa paligid. Mukhang puro may mga sinasabi nga sa buhay ang mga taong narito ngayon, kapansin pansin rin kasi sa mga kasuotan nila, siguronnga kung hindi ako pinahiram ng damit mula sa DeAntonio, baka hindi pa umangkop rito ang damit na galing sa tokador ko. Sinulyapan ko ang seryoso pa ring si Mr. DeAntonio. Parang naiilang tuloy ako sa kanya ngayon, bakit kaya tahimik siya? Pakiramdam ko ay may dinadala siyang problema na hindi niya magawang alisin sa isipan niya, kung sana ay may maitutulong ako. Pero hindi ko naman alam kung paano didiskartehan na tanungin siya kung ano ba talagang problema niya, isa pa, ayoko nga kasing isipin niya na pati personal niyang buhay ay pinakikialaman ko. Malungkot akong napa buntong hininga.

"Gio.." Kahit medyo malakas ang sound system ay narinig ako ang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. Napangiti naman agad ako ng makitang si Mr. Romano pala ang dumating, nanlaki pa ang ang mga mata ko ng makita kung sino ang kasama nito, na nakakapit sa kanyang braso. Si Daniah. Ang napaka ganda at napaka humble na si Daniah.

"Sapphire!? Hindi ko alam na nandito ka rin..H-Hi Mr. DeAntonio! Nakangiti rin naman ito, at napayakap pa sa akin ng makilala ako, pero agad ring pumormal ng mapansin si Mr. DeAntonio.

"Oh! Drop the name, Daniah, it's Gio.." agad namang saway nito sa babae. Kung ganun, parang hindi pa siguro sila gaanong close ni Mr. DeAntonio.

"She's just, really..polite.." may himig pang aasar namang sabi ni Mr. Romano, at sinundan pa ng nakakalokong ngiti, bago hinaoit sa beywang ang kanyang magandang asawa.

"Daniah! Naku! Hindi ko rin alam na makikita kita rito.." Kahit paano namanay gumaan ang pakiramdam ko ng makitang nakangiti na ng bahagya si Mr. DeAntonio, lalo pa ng makita nito ang kaibigan.

"You didn't tell me you'll bring someone.." Agad na tukoy sa akin ni Mr. Romano matapos nitong alalayan ang kanyang asawa sa pag upo. Hindi ko alam pero, natutuwa ako sa mag asawang ito, pakiramdam ko ay maganda ang naging love story ng mga ito bago pa nagkatuluyan. Kapag tinitingnan ko si Daniah, ay parang kimi pa rin ito, at nahihiya, pero may halong kilig pa rin lalo pa kapag nagiging showy itong si Mr. Romano. Ito namang si Mr. Romano, intimidating ang itsura at mukhang masungit, pero sa tuwing napapatingin ito sa kanyang asawa ay agad ngumingiti, at halatang halata ang pagka caring nito. Haay! Nakakakilig talaga! Napasulyap tuloy ako kay Mr. DeAntonio, siya kaya? Paano maging boyfriend? Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko ng ma imagine na dalawang pares kami ngayon dito sa isang mesa. Isang mag asawa, at isang..mag Boss! Boss at PA, Sapi! Oo na! Oo na!

"Remember, Sapphire? She's my PA.." Oh kita mo? PA nga pakilala sayo eh!

"Yeah, I remember.." mayamaya pa ay napunta na sa business, at kung ano ano pa ang naging usapan ng mga ito. Kaya si Daniah naman ang sinulyapan ko, tahimik itong lumilinga linga sa paligid, gaya ng ginagawa ko kanina pa.

"Hindi ka rin ba sanay sa ganitong klaseng lugar at okasyon?" curious kong tanong.

"Uh-uhmm..O-oo. Hindi kasi ako mahilig sa mataong lugar.." parang nininierbiyos na sabi nito.

"Ako rin eh, pero trabaho kasi, pero alam mo?kung papipiliin ako, mas gusto kong humilata na lang sa bahay habang kumakain ng icecream.." bahagya ko pa itong ibinulong sa kanya, na ikina hagikgik naman niya.

"Ako rin, mas gusto kong sa bahay na lang, kasama ang baby ko.." parang nalungkot naman ito ng banggitin ang kanyang baby, ang cute nilang baby.

"Nasaan nga pala ang baby nyo?"  tanong ko sa kanya.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon