Chapter 44
Untamed Butterfly
Sapphire
"G-Gio..m-maganda pala..tsaka mas okay..Gio..okay ba? Gio? Oo..tama! G-Gio na lang!" nagsalita na ko, para pigilan itong ipaalala ang nangyari noong isang araw. Sa totoo lang hindi talaga ako mapakali mula pa kanina. Hindi ko malaman kung nahihiya ba ako, o ayaw ko lang malaman nito na sobrang kinikilig ako nung malaman kong siya ang nasa labas ng bahay, lalo pa ng makito siya ng malapitan. Ay talaga naman! Nakakabusog sa umaga. Ngayon ko lamang siya nakitang naka semi formal ng suot, pero wala iyong pinagkaiba sa araw araw niyang suot kapag pumapasok siya sa opisina, fresh pa rin, gwapo at confident, kaya naman heto ako at hindi na naman ma pirme sa aking pwesto.
"Better.." ngumiti ito nga pagka ganda ganda. Sa totoo lang gusto kong mangalumbabahabang nakatitig sa kanya, pero hindi naman pwede yun. Kaya gumanti na lang ako ng ngiti rito, at kunwari ay inabala ang sarili ko sa aking napaka gandang cellphone, pero ang totoo, ay naglalaro lang ako ng candy crash.
"Why don't you buy a new cellphone? That is an old one.." sinulyapan nito ang bagay na hawak ko.
"Ha? Ah..w-wala pa sa plano kong bumili ng bago eh..uhmm..b-baka kapag na naka luwag luwag na lang, o kaya..siguro sa Christmas bonus, o 13th month pay galing sayo.." natatawang biro ko.
"Oh..you don't have to wait for that, I'll buy you.." nilingon ko siya at agad na nanlaki ang mga mata.
"Hala! N-naku! Huwag na..maayos pa itong cellphone ko.." bigla naman akong nahiya sa sinabi nito.
"Nah..it's okay, besides you need it for your work, para rin nasasagot mo ka agad ang tawag ko.." tumaas taas pa ang kilay nito. May iba bang ibig sabihin ang sinabi niya?
"Okay, here we are..." anito ng mailiko na ang sasakyan sa isang sobrang laking gate. Pagpasok pa lamang ay makikita na ang sobrang lawak ng bakuran nito, at ang garden na nasa gawing kanan. Awtomatikong napanganga ako, sobrang napahanga ako sa ganda ng buong lugar. Sa laki nito, pwede na yatang tirhan ng higitnsa isang daang tao. Alam kong sobrang yaman ng mga DeAntonio, pero hindi ko akalain na ganito pala ang ibig sabihin nun.
"Come in..close your mouth please.." nangingiting sabi nito. Aga ko namang isinara ang aking bibig, at sumunod rito.
"Wooow! Sobrang laki naman ng bahay nyo Sir..!" wika ko habang manghang inililibot ang aking paningin. Sala pa lang ay sobrang luwag na, at mas malaki pa sa kabuuan ng bahay namin. Napakalinis, at napakabango ng paligid, ilang katulong kaya ang meron sila?
"Gio.." pagtatama nito, sa pagtawag kong "Sir" sa kanya.
"G-Gio.." ulit ko naman, at tumango tango pa ako.
"Ilan kayong nakatira dito?" usisa ko.
"Uhmm..seven..me, my lola, Marco, three guards and Mommy's caregiver.." pito? Edi aalog alog sila rito?
"Have a seat first, I'll call Mommy.." itinuro nito ang sala para doon ako maupo, pero napasigaw ako ng may maramdamang may basang bagay ang bumubunggo bunggo sa aking binti.
"Aay!" sa gulat ko ay napakapit akong bigla sa braso ni Mr. DeAntonio. Nang lingunin ko kung ano iyon ay lalo akong namutla, at sa isang iglap ay mabilis na nakapag tago sa likod nito, habang nakakapit sa suot niyang black longsleeve.
"Hey! They're just dogs..they're harmless.." bakas sa tinig nito na natatawa siya.
"A-ayoko ng aso..ay! Nanay!" Pilit kong iniiwas ang mga paa ko sa dalawang maliliit na aso na panay rin ang ikot, at sunod sa akin.
"They don't bite, Sapphire.." hinawakan nito ang dalawang kamay ko na nakakapit sa kanyang damit, at mabilis na napag palit ang pwesto namin, ngayon ay nasa gawing tagiliran na niya ako, pero sa totoo lang ay may phobia talaga ako sa aso. Bahagya akong kumalma ng sinenyasan nito ang mga aso ng "sit".
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomansaUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
