Chapter 63
Untamed Butterfly
Sapphire
Muntik na akong matulala ng mapansin ko ang bisita namin, sobrang gwapo! Ngayon lang yata ako nakakita ng lalaking ganito kakisig ah! Parang artista, ang kinis ng mukha, at napakaganda ng kanyang mga mata. Napangiti tuloy ako sa kagwapuhan niya. Gusto kong hawakan ang dibdib ko, kakaiba kasi ang pagtibok ng puso ko, habang tinitingnan ang gwapong lalaki.
"K-kamusta po kayo.." bati ko rito, tinanguangan ko rin ang isa pa nitong kasama, na nakatulala yata, dahil halos hindi ito kumukurap sa pagkakatitig sa akin. Napansin kong malalim ang pagkakatitig ng gwapong lalaki sa akin, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot, kaya't napakapit ako sa braso ni Lance, at bahagyang nagtago sa likod nito, at pasimple itong sinilip, iniiwas na nito ang kanyang tingin, ngayon ay nakatungo na ito, at inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.
"Hi, Sapphire.." Narinig kong nagsalita ang isa pang lalaki, kaya sinilip ko rin ito, at bahagya itong nginitian.
"A-Ah..bakit hindi muna kayo maglinis ng mga katawan ninyo? Ang dudumi ninyo, bilis na at ng makakain na kayong tatlo.." Narinig kong utos ni Nanay Lucia.
"Si Tenten po kasi, nangbabato ng lupa kaya narumihan kami ni Lyn.." sumbong ko rito. Makulit kasi itong si Tenten ang bunsong kapatid ni Lance na pitong taong gulang.
"Naku itong batang ito, hala sige at magsi ligo na kayo.." Nagtakbuhan na ang dalawang bata, at ako naman ay nag aalinlangang umalis sa pagkakakubli sa likod ni Lance, dahil sa pagkailang sa lalaki.
"Sapphire, maglinis ka na, pagkatapos ay bumalik ka rito.." Mahinang sabi ni Lance, bahagya itong lumingon, kahit hindi ako nakikita sa gilid niya. Nang marinig uyon ay atubili akong umalis sa kanyang likod, at mabilis na lumakad palabas ng kusina.
"Huuh! Haah! Bakit parang iba ang pagtibok ng puso ko? Bigla yata akong nagkasakit sa puso dahil sa lalaking yun ah!" Nasambit ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa aking munting bahay. Pinasadya itong ipagawa ni Lance. Mula noong dumating ako rito sa kanila, ay dito na ako nakatira, katabi lamang naman ng bahay nila kaya ligtas naman, at hindi naman ako natatakot na magisa, dahil mababait ang mga tao dito sa lugar nila.
Dumeretso ako sa akingaliit na banyo, at dali daling naligo. Sino kaya ang mga bisitang iyon? Hindi ko naman sila kilala, o natatandaan, isa kaya sila sa mga naghahanap sa akin? Paano kaya nilang natunton ang lugar namin? Imposibleng malaman nila na narito ako, dahil wala namang ibang nakakaalam, kundi si..Lance. Hindi kaya si kasama nila si Lance? Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Sana hindi. At sana mali ang iniisip ko. Hindi pa ako handa. Ni wala pa nga akong natatandaan sa nakaraan ko. Wala pa ring bumabalik sa alaala ko. Ayokong bumalik sa dati kong buhay, ng hindi ko nakikilala ang mga tao sa paligid ko. Isa pa, ay masaya na ako dito, kasama ang bago kong pamilya. Si nanay Lucia, si Lyn, si Tenten at si Lance, pati na rin ang mga alaga naming mg manok.
Matapos kong maligo, ay umakyat naman ako sa ikalawang palapag ng bahay ko, para magbihis. Wala namang gaanong laman ang bahay kong ito, dito sa taas ay kasya lang ang tulugan ko, at lagayan ng mga damit. Kontento naman ako sa kung anong meron ako sa ngayon at hindi naman ako naghahangad ng kahit ano. Naghanap ako ng maayos na damit na maisusuot, para naman maging presentable sa paningin ng mga bisita. Napili ko ang isa sa mga bestidang ibinigay sakin ni Lance. Isa ito sa pinaka paborito kong damit, dahil maraming kulay at masarap tingnan sa mata. Nang makapagbihis ay sinuklay ko na ang aking hanggang beywang na buhok, at nagpulbo ng kaunti. Lalabas na sana akong muli, ng maalala ang mukha ng lalaki sa kabila. Bigla ay parang ayaw ko tuloy bumalik doon. Naiilang kasi ako sa klase ng tingin nito, pakiramdam ko ay binabasa niya ako, at parang nalalaman niya kung anong iniisip ko. Pero matapos ang ilang minutong pagtatalo ng isip ko, at nagpasya na akong bumalik sa kabilang bahay.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
