Chapter 33

161 4 0
                                        

Chapter 33

Untamed Butterfly

Giovanni

Flashback
"Gio-Giovanni?" She look scared.

"How are you, Yaya? It's been a long time.." Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakita niya sa mukha ko. At hindi ko rin alam kung anong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Aba'y..paano mo akong nahanap?" Napaatras ito ng bahagya ng makitang tumayo mula sa knyang pagkakaupo si Marco.

"Pwede ba kaming tumuloy?" Si Marco ng nagsalita. Pinaglipat lipat muna nito ng tingin sa aming tatlo bago binuksan ng tuluyan ang pintuan, at hinayaan kaming makapasok. Agad akong tumuloy sa kanyang maliit na sala at naupo sa upuang kawayan. Samantalang nanatili namang nakatayo si Zach habang nakasandal sa gilid ng bintana. Si Marco naman ay iginala ang kanyang paningin sa loob ng maliit, pero malinis na bahay ni Yaya Carmen.

"Sigurado ako na alam niyo, kung bakit nandito ako ngayon.." mataman ko siyang tinitigan, na wari ay natitigilan pa rin. Humugot ito ng malalim na pahinga, bago naupo sa katapat na upuan. Pero nanatili itong tahimik.

"Anong nangyari noong gabing iyon? Bakit nawala ka ng gabing yun? Nasaan si Angelina?" I can't wait to find the answers. I've waited enough, at hindi ako papayag na wala akong makukuhang sagot mula sa kanya. Naglulumikot ng mata nito.

"You better start talking old lady, our patience is short.." saglit kong sinulyapan si Zach na nagsalita, bago muling ibinalik ang tingin sa matanda.

"Noong gabing iyon.." mataman ko siyang tinitigan, hindi ako naniniwala.

"Nagising na laang ako ng may narinig akong putok ng baril, bumangon ako tsaka pinuntahan si Angelina sa kwarto niya.." So she did saw Angelina that night.

"Kasunod ay pumasok ang papa at mama mo sa kwartong iyon, maniwal ka, gusto kitang hanapin din, pero natatakot akong lumabas ng kwartong iyon.." Tila ramdam pa rin nito ang takot, at nagumpisa na itong lumuha.

"Lumabas ang papa mo, may dala siyang baril, ang mama mo naman ay naiwan sa kwarto kasama namin, yakap niya si Angelina, at ako naman ay nasa kabilang sulok, doon kami naghintay, pero mayamaya lang ay may dalawang lalaking pumasok sa kwarto, pinilit nilang kunin si Angelina, pero lumaban ang mama mo, hindi ako nakalabas sa pinagtataguan ko, dahil sa takot..." pinunasan nito ng kanyang lumang damit ang mga luhang walang patid sa pagdaloy.

"Nakuha nila si Angelina, at kinalakad palabas ang mama mo..mayamaya nakarinig ako ng putok ng baril. Lalo akong natakot, iniisip ko baga na ang mama mo ang binaril.." Huminto ito sa pagsasalita.

"May narinig ba kayong pag uusap mula sa mga lalaki?" tanong ni Marco.

"Ang narinig ko ay yung last will daw, nasaan ang last will. Iyon ang sinasabi ng isa.." They're looking for the last will and testament. But why?

"Ano pa ng narinig ninyo?" Ako naman ang nagtanong dito.

"Medyo mahina ang mga boses nila, kasi sa labas baga sila naguusap, ang sabi ng isa, "ang sabi ni boss, puntahan daw sa kwarto, nandoon daw lahat makikita.." So this is not a simple robbery. Pakay nila ang last will and testament. At nakaplano na iyon bago pa nila gawin.

"So hindi niyo rin alam kung nasaan si Angelina?" Umiling iling ito, at muling naiyak.

"I don't believe you, paano kang nakalabas ng bahay na yun, kung ang isang anak nga ay umaga na nakalabas?" Natigilan ito.

"Natatandaan mo yung isang pader ng garden ng mama mo?yung nababalutan ng mga damo? Hindi ba, ang bilin ng mama mo, kapag mayroong emergency, nasunog ang bahay, o may mga masasamang loob, doon tayo lalabas? Natatandaan mo, Nak?" Nakaramdam ako ng awa rito ng banggitin nito ang anak, na siyang tawag niya sakin noong bata pa ako. At tama siya, mayroo g secret passage sa dati naming bahay, ang tanging nakakaalam lang noon ay aming pamilya, at siya, dahil siya lang ang pinaka matagal na nanilbihan sa amin, dahilan para pagkatiwalaan siya ni Mommy.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon