Chapter 47

132 2 0
                                        

Chapter 47

Untamed Butterfly

Unknown POV

Magkahawak kamay silang lumabas ng building ngayon. Hindi malayo na may namamagitan na sa kanilang dalawa. Dali dali kong kinuha ang aking camera at hangga't maaari ay kumuha ng maraming picture. Ito lang naman ang gusto niya, ang may maipang blackmail kay Sapphire. Kakailanganin niya kasi ang tulong nito, para magkaroon ng isa pang mata sa loob ng kumpanya. At walang ibang makakaalam ng mga galaw ni Giovanni, kundi ang kanyang personal assistant. Pero alam niyang hindi ito papayag sa gusto niya, kung kaya naisip niya ang ganitong paraan.

Sa halos ilang buwan na pagsunod sunod sunod ko kay Giovanni, ay wala akong makitang paraan para makakuha man lang ng impormasyon dito, iyon ay kahit pa mayroon kaming isang pinagkakatiwalaan sa loob ng DeAntonio. Habang lumilipas ang mga araw, ay sumulpot si Sapphire. Sapphire ang kanyang pangalan, ayon sa aming asset. Maganda siya, at kakaiba ang awra. Palaging nakangiti. Palaging mukhang masaya. Mula ng araw na makapasok siya sa kumpanya, ay naroong pinanonood ko siya sa tuwing wala sa paligid ang taong inaabangan ko. Minsan mas inaagahan ko pa ang pag tambay sa karaniwang pwesto ko para abangan siya habang naglalakad papasok, minsan nman ay hinihintay ko muna itong makalabas at makasakay, bago ako umaalis doon. Isa siyang babae na mahilig sa makukulay na damit, pero nag iisa rin yata siyang babae na tanging binabagayan nito. At kahit ano pa yata ang isuot niya ay babagay sa kanya. Hindi ko alam, pero kahit nasa panig ako ng masama, ay magaan ang loob ko sa kanya.

"What's the news?" Agad na tanong niya ng makapasok ako sa kanyang opisina, habang hinihithit ang kanyang sigarilyo. Ibinaba ko ang camera sa kanyang lamesa, at pasalampak na naupo sa isa sa mga couch, agad niya iyong kinuha, at inisa isang ang mga larawan.

"Good. I can see they're getting closer everyday, huh?" nakangising sabi nito.

"You think it's time?" nagkibit balikat ako.

"I guess, kailangan na nating magmadali, bago pa sumapit ang kaarawan ni Giovanni.." muli ay hindi ako sumagot.

"Bakit hindi mo na lang siya hayaan? Kinuha mo na ang lahat sa kanya, hindi ba?" Gaya ng palagi kong tanong sa kanya.

"No.No.No. Wala pa nga akong nakukuha sa kanya! Pinatay ko palang ang mga magulang niya, iyon pa lang ang nagagawa ko, kung hindi lang sana siya nakaligtas noon, sana ay wala ng problema, at nasa akin na lahat ng kayaman ng kapatid ko..." may diin sa mga salitang sagot nito, bago pinatay ang upos ng kanyang sigarilyo sa ashtray na nakapatong rin sa mesa.

"Bakit kasi pinaabot mo pa sa ganito, kung noong una pa lang na nalaman mong nakaligtas siya sa ginawa mo?Alam mo ba talaga kung anong ginagawa mo? Kapag nakuha mo ang last will and testament na sinasabi mo, anong gagawin mo?" Minsan, tingin ko sa kanya ay hindi nag iisip.

"Pwede ba? Huwag mo akong pinakikialaman sa mga plano ko! Nandito ka para gawin ang mga utos ko! Simple lang! Lilitaw ako, maaring maging ako si Liam, o si Levi! Depende sa sitwasyon!" tumahimik ako. Tama siya. Kung hindi lang sana ako nabilanggo sa sala ng ama ko. Wala sana ako ngayon dito. Hindi sana ako napipilitang gawin ang mga gusto niya. Nagtrabaho noon sa kanya ang tatay ko, at oo, ganitong klaseng trabaho rin. Pero magkaiba kami, ang tatay ko ay hayok sa perang gaya niya, hayok sa kamunduhan. Hanggang sa nakagawa ito ng bagay na hindi niya nagustuhan, pinag nakawan siya nito, pinatay niya ang tatay ko, at kinuha ako bilang kapalit, ako na simpleng namumuhay kasama ang nanay at dalawa kong kapatid, napilitan akong magtiis, alang alang sa kanila. Inilipat ko sila sa ligtas na lugar, lugar na hinding hindi niya matatagpuan. Yun ay sakaling magkagipitan, dahil kabisado ko ang kung paano mag isip ang taong ito. Wala siyang pinipili, inosente man o hindi.

"Kinailangan ko pang magbayad sa mga pulis at imbestigador para magkunwaring patay, nakaplano na ang pagbabalik ko, nakahanda na hindi ba? Kung hindi lang dahil sa pagiging matalino ni Giovanni. Kung hindi lang niya inilipat ang pag iimbestiga sa isang private company. Kung hindi lang nila nahanap si Carmen! Hayop na babaeng yon! Hindi ko naman lubos akalain na nakatakas iyon! Hintayin lang niya at mahahanap ko rin siya! Ang buong akala ko ay wala ng nakakaalam na buhay ako, dahil halos ubos na ang mga pulis at imbestigador na kinasabwat ko! Wala pa bang balita sa babaeng yun? Nasaan na ang mga inutusan kong hanapin siya sa Batangas? napangisi ako. Matagal ko ng alam kung nasaan ang matandang babae. Pero hindi ako ang magiging daan para malagay ang buhay niya sa panganib.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon