Chapter 6

126 3 0
                                    

Chapter 6

Untamed Butterfly

Sapphire

Dala ang tasa na may lamang powdered coffee na may kaunting asukal ay agad na akong sumunod papunta sa opisina nito. Nang makarating sa ika 25 na palapag ng building ay namangha ako sa bumungad sa akin. Isang may kahabaang pasilyo, na ang dulo ay isang napakagandang wooden door, na may naka ukit na G.DeAntonio. Wow. Super classy. Exclusive na exclusive talaga. Sa kanang bahagi nito ay tila ang opisina ng kanyang sekretarya, glass door ito, at tila ang ganda ganda rin ng ambiance sa loob.

Sa kaliwa naman ay parang reception area. Lumapit ako sa salamin na pintuan nito at dikit ang noong sinilip ko ang loob nito. Wow. Sobrang ganda. Sosyal lahat ng mga furnitures, pati decors ay nakakahanga. Wow na wow.

Nang maalala ang pakay kung bakit ako nandito ay mabilis na akong kumatok sa magandang pintuan. Pero nakailang katok na ako ay hindi pa rin bumubukas ang pinto. Hanggang sa mapansin ko ang tila isang doorbell. Diyos ko! Kahit pala opisina ay may door bell na? Agad ko iyong pinindot at naghintay kung ano ang mangyayari. Maya maya pa ay mayroong nagsalita.

"Who's there?" boses iyon ni Mr. DeAntonio. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. Pero itinapat ko na lamang ang may kataasang doorbell ang bibig ko at nagsalita.

"Hello..hello..mic test..Ah..Sir?" naghintay ako kung may sasagot pero wala naman.

"Si Sapphire po ito, dala ko na po iyong kape-" halos mabitawan ko ang hawak kong tasa ng biglang magbukas ang pinto. Over ah! Ilang beses na akong nagugulat ngayong araw.

"Come in.." agad ko siyang nakitang nakaupo sa kanyang sosyal na trono, ano kayang pakiramdam ng sobrang yaman? Tssk.

"Sir, meron po ba kayong mainit na tubig dito? Hindi ko po muna kasi nilagyan ng mainit na tubig itong kape, dahil baka lumamig na po bago pa ako makarating.." nahihiya kong sabi. Inginuso naman naman nito ang nakasalang na water heater sa isang sosyalin ding maliit na pantry. Doon ay nakita kong meron naman pala siyang kape at asukal, bakit hindi na lang kaya siya ang magtimpla ng kape niya? Eh kompleto naman pala ang lahat rito. Haay. Ang mayayaman nga naman. Habang iniinit ko ang tubig ay napansin kong punong puno rin ang kanyang pantry ng kung ano anong mga pagkain, may gulay, may mga delata, may spices pa. Nagluluto ba siya rito?imposible.

"Heto na po ang kape niyo Sir..sige po babalik na po ako sa baba.." mabilis akong nagpaalam rito matapos kong maibaba ang kape sa kanyang desk. Busy naman ito sa pag ta type sa kanyang monitor kaya wala na siguro itong iuutos.

Tatalikod na sana ako ng magsakita ito.

"Wait! Ms. Adriano.." tawag nito.

"Yes po? May kailangan pa po kayo?" biglang tanong ko ng lingunin ko ito. Tumayo ito, at kalmadong nagsalita.

"I have a proposal for you.." Ano daw?
Propose agad? Ni hindi pa nga kami pormal na magkakilala. Wala ring ligawan na nangyari. Hindi rin siya kilala ng mga magulang ko. Ang lakas ng loob mag propose ah!

"No. It's not what you think.." Ah. Assuming lang pala agad ako. Tumayo ito mula sa kanyang sosyal na swivel chair at naglakad palapit sa akin.

"Proposal po?" Hindi ko makuha kung anong proposal ang sinasabi nito. Sino ba naman ako para alukin niya ng kung ano man ang iniisip niya?

"Yes. Can we sit first?" inilahad nito ang kamay paturo sa kanyang mesa, nag aatubili man ay sumunod naman ako rito. Pormal itong naupo sa kanyang pwesto at ipinagsalikop na ipinatong ang kanyang kamay sa taas ng kanyang mesa, at ako naman ay naupo sa upuan sa harap.

"I need someone to replace my personal assistant who's in her maternity leave as of now.." humigop ito ng kape at bumuntong hininga. Uminom lang ng kape, nahirapan ng huminga?

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon