Chapter 39
Untamed Butterfly
Sapphire
Halos mag aala singko na ng madaling araw ng maihatid ako ni Mr. DeAntonio. Antok na antok na ako, pero nang makahiga na ako sa kama ko ay hindi naman ako makatulog. Sobrang daming nangyari ngayong gabi, at iba ibang emosyon ang naramdaman ko. Oo nga at hindi ko pa rin nakuha ang first kiss ko, pero parang panalong panalo na rin ako dahil halos magdamag kaming magkasama.
Flashback
"Kung halimbawa, hindi ka CEO ng DeAntonio, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon, Sir?" Naisipan kong itanong rito, habang sabay kaming kumakain ng niluto nitong pasta.
"I'm travelling around the world.." maiksing sagot nito habang iniikot ang tinidor sa gitna ng kanyang pinggan.
"Uhmm, yun ang gusto mong gawin?" tanong kong muli.
"Yun ang pangarap ko..gusto ko sa gubat, sa dagat, sa bundok..I don't know, I just feel calm and relaxed, kapag malapit ako sa kalikasan.." Uhmm..kaya pala parang halos hindi siya napapagod noong umakyat kami ng bundok, adventurous pala siya. At gusti niya ang ganung mga activity. Tumango tango ako.
"Uhmm..bakit hindi mo gawing madalas ang mga bagay na yun kung doon ka magiging masaya?" ipinatong ko ang siko ko sa salaming lamesa at dumukwang ng kaunti.
"I have to take care of Mommy, as you know, her condition is not easy. And I promised myself, hindi ko gagawin iyon, hangga't hindi ko nabibigyan ng hustisya si Mama, at hangga't hindi ko pa nahahanap si Angelina.." bumagal ang pag nguya nito, halatang malapit na naman itong mawalan ng gana.
"Ako gusto kong maging designer talaga eh..pero noon yun, kasi hindi naman pala ako papasang designer, ngayon iba na ang gusto ko.." Hinintay kong tanungin nito kung ano ang susunod kong sasabihin.
"So what do you want to become now?" tila curious na tanong nito.
"Environmentalist.." nangingiti kong sagot. Alam kong magtatanong pa siya, at alam ko na kung ano yun.
"And why?" muli itong sumubo at naghintay sa isasagot ko.
"Para maprotektahan ko ang mga gubat, dagat at bundok na nagpapasaya sayo.." nanunuksong nginitian ko ito, saglit na natigilan, pero ng ma gets ang banat ko ay unti unti na rin namang napangiti, at hindi lang basta ngiti, nakangisi pa ito.
"Waley? O Havey?" tanong ko, kung pasok ba o hindi sa banga ang banat ko. Pero kumunot lang ang noo nito, hindi siguro niya alam ang salitang iyon kaya umiling na lang ito.
"Oh, you.." natatawang sabi nito.
Kinikilig na itinakip ko tuloy ang isang unan sa mukha ko ng maalala ko ang ngiti niya. Sana palagi na lang siyang nakangiti, iyon bang ngiti na masayang masaya. Sana rin ay malutas na ang kaso ng pamilya niya. Haay. Inalis ko ang unan, at napatitig sa kisame, kahit wala naman akong nakikita dahil nakapatay na ang ilaw sa kwarto ko.
Flashback uli
(you can listen to thier official theme song "When You Say Nothing At All" while reading this chapter guys,)
Iniligpit at huhugasan ko na sana ang pinagkainan namin ng saglit itong magpaalam para magbanyo, pero bubuksan ko pa lang ang gripo ay may pumigil na sa kamay ko. Sakto namang paglingon ko ay nagkalapit na naman ang mga mukha namin, ako ba ang nanunukso o siya? Bakit ba siya lapit ng lapit, gusto palaging magkalapit ang mukha namin?
"Don't bother, someone will clean the house early in the morning.." bulong nito malapit sa aking tainga.
"Sapphire.." ipinilig ko ang aking ulo ng marinig itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
