Chapter 32

167 3 0
                                        

Chapter 32

Untamed Butterfly

Sapphire

"Good Morning!" Masiglang bati ko pagkalabas na pagkalabas ko ng aking kwarto. Feeling ko ay energized na energized ako ngayong umaga, salamat at maayos na uli ang pakiramdam ko. Aba syempre, ikaw ba naman ang alagaan ng boss mong, gwapo na ay maalalahanin pa. Tapos kagabi ay tumawag pa ito para kamustahin ang lagay ko? Kasalukuyan akong nakatitig sa pulseras na bigay nya ng tawagan niya ako, hindi ko akalain ang pagtawag nito, iniisip niya rin kaya ako? Hindi rin daw siya makatulog, kaya ayun, kinantahan ko para naman makalma ang isip niya. Hindi naman ako nagkamali at inantok naman siya, pero hindi ko rin sigurado kung inantok lang ba siya, o natakot siya sa sama ng boses ko. Pero ang mahalaga doon, sa tingin ko ay okay na uli ang samahan namin, makailang beses rin naman siyang humingi ng sorry tungkol sa nangyari, na kung tutuusin ay hindi naman dapat.

"Kumain ka ng marami Sapphire at papasok ka na pala ngayon..kamusta na iyang kamay mo? Ano nga ba uli ang nangyari dyan?" bungad ni nanay, galing ito sa kusina at dala ang pinggan ng niluto niyang sinangag. Kumalam tuloy ang sikmura ko, sinangag, itlog at tapa sa umaga? Mukhang mapapakain nga ako ng marami.

"Okay na po Nay, hindi naman na po gaano masakit, band aide na lang po ang ilalagay ko mamaya pagkatapos maligo. Nasugat po ito sa halaman na nakapitan ko, nadulas po kasi ako habang pababa kami ng bundok.." Hindi ko na ikinwento sa kanila ang totoong nangyari, lalo na iyong napagalitan ako ng boss ko, sa tingin ko naman ay hindi na nila dapat malaman, isa pa, okay naman na ang lahat.

"Mabuti naman kung ganoon, hindi ka na ba nilalagnat?" si tatay naman ang nagtanong.

"Hindi na po Tay, okay na okay na po ako..magaling kaya yung nag alaga sakin.." Oops. Sabay na natigilan ang mga ito at sabay in akong nilingon.

"Si Chari po? Siya yung nagbantay sa akin nung nilagnat ako, magkasama po kasi kami sa kwarto.." Naku! Ipahamak mo ang sarili mo Sapphire! Sige sabihin mong ang boss mo ang kasa mo nung gabing iyon, at siya ang nag alaga sayo, at ang matindi, katabi mo pang natulog at nkayakap sayo!

"Teka po at ipagtitimpla ko kayo ng kape.." agad akong tumayo mula sa upuan at nagtimpla ng kape.

"Ipag babalot ba kita ng pandesal?" narinig kong tanong ni Nanay.

"Opo, Nay, makikisuyo na lang po.."

------

Medyo may lungkot akong nararamdaman habang papaakyat sa 25th floor, ngayon kasi ang araw ng balik ni Rachel, ibig sabihin, ngayon rin ang araw na babalik na ako sa errands department. Sigurado ako na wala pa rito si Mr. DeAntonio, dahil maaga pa, sinadya ko rin talagang pumasok ng maaga para maiayos ko muna ang mga gamit ko, isa isa kong inilagay ang mga personal kong gamit sa isang kahon, maglilipat na naman ako. Mabuti na lamang at may elevator naman, kaya hindi masyadong nakakapagod. Saglit akong tumunganga habang nakapangalumbaba. Ganun talaga, ang usapan naman ay hanggang makabalik lang si Rachel mula sa kanyang maternity leave. Isa pa, marami kayang tao sa ibaba, mas enjoy dun. Hindi gaya dito, napapanis ang laway ko at sarili ko lang ang kausap ko. Nagmadali na akong makalabas ng opisina, ewan ko pero bigla ay ayaw kong maabutan pa ako dito ni Mr. DeAntonio. Tatawagan ko na lamang siya mamaya, para sabihin na bumalik na ko sa errands.

Sarado pa ang opisina ni Sir Chrissy, pero hindi naman ito naka lock. Pagpasok pa lang ay napansin ko na agad na may nagbago. Mas naging makulay ito at maaliwalas sa paningin. Mukhang inspired si Sir Chrissy. Na miss ko rin ang opisina, kahit pa maraming itong utos, at panay lakad paroon at parito ako, ay okay lang, dahil gusto ko rin naman ang ganoon, nakikilala at nakakausap ko ang mga tao sa paligid.

"Good Morning, you..." Nakangiting bumungad sa pinto si Sir Chrissy. May bitbit pa itong take out na kape mula sa labas.

"Sir Chrissy! Good morning! I'm back!" Masayang bati ko rito. Nagmamadali naman nitong ipinatong ang kanyang bag sa kanyang mesa at niyakap ako.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon