Chapter 65
Untamed Butterfly
Sapphire
Ilang ulit akong literal na napanganga, dahil sa pagkagulat. Ang lalaking "Gio" ang pangalan ay siya palang may ari ng bahay kung saan naroon ang puno ng mangga na inaakyat namin. Hindi ko tuloy malaman kung mahihiya ba ako, o matatawa. Ang tadhana nga naman. Tahimik akong sumunod sa kanya, habang hawak niya ang kamay ko. Sa totoo lang ay kakaiba ang nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin, at lalo na ngayon na magkahawak kamay kami.
Ang sabi ni Lance, ito raw ay special someone ko, at nagkakamabutihan raw kami, bago mangyari ang lahat. At hindi lingid sa kaalaman ko, na tiyuhin niya ang may kagagawan kung bakit humantong sa ganito ang mga pangyayari. Lahat halos ng hindi ko maalala sa mga huling pangyayari noong nagising ako mula sa ospital, ay ikinwento namang lahat ni Lance. Ultimo ang pagiging isa niya sa mga tauhan ng tiyuhin nito, at ang pag amin niya na siya mismo ang gumagawa ng mga hakbang, para pasunurin ako sa gustong ipagaw nito. Noong una, ay aaminin ko na may takot akong naramdaman, lalo pa ng malaman ko kung anong ginawa nila sakin.
Nakaramdam ako ng takot kay Lance, at inakala kong hindi ako magiging ligtas at malaya kasama niya. Pero nagkamali ako, naoakabuting tao niya. Napakabuti ng kanyang pamilya. Kaya naman ng makarecover ako mula sa panghihina, at sa mga sugat na natamo mula sa pananakit, at tama ng bala, ay nakiusap ako sa kanya na dumito muna. Magulo ang isip ko ng mga panahong iyon. Hindi madaling gumising sa araw araw na hindi mo kilala ang sarili mo, na wala kang naaalala sa nakaraan mo, ni pangalan ng mga taong malapait sayo, ay wala kang matandaan.
"Narinig kitang tinatawag ang pangalan ni Gio.." naalala ko pang sabi ni Lance, isang umaga, matapos ang bangungot ko sa nagdaang gabi. Sa lahat raw ng pangalan, ay ito ang una kong nabanggit.
Muli kong tinitigan ang magandang kamay nito, na halos sumakop na sa maliit kong kamay. Mula sa kanyang likuran ay pinagmasdan ko siya. Unang pagkakita ko palang sa kanya kahapon, ay abnormal na ang pagtibok ang puso ko. Aaminin ko, talagang nabigla ako ng magtama ang mga mata naming dalawa, pero may kakaiba pa akong naramdaman ng mga oras na iyon, kaya saglit akong natigilan. Nahihiya rin ako sa paraan ng pagtitig nito. Iyon bang, parang binabasa niya ang iniisip ko, kahit ang totoo niyon, ay wala naman siyang mababasa dahil wala namang laman ang memorya ko.
"A-Ay!" Naibulalas ko ng bigla ay huminto ito, at mabunggo ako sa kanyang likuran.
"Oh! Sorry..okay ka lang ba?" lumingon ito at hinipo ang ulo ko, agad naman akong tumango.
"B-Bakit ka kasi biglang huminto-"
"Kuya Gio!" natigilan ako ng may marinig na sumisigaw. Walang anumang sinilip ko iyon mula sa likuran niya, patakbong palapit ang isang batang babae, siguro ay kasing edad lamang ito ni Lyn.
"Hey! Good Morning, Angelina!" Masiglang bati nito sa bata. Angelina? Parang pamilyar, pero hindi ko matandaan. Pero sigurado ako na narinig ko na ang pangalang iyon.
"Good Morning, Kuya! May kasama ka-" Agad kong inilibas ang buo kong katawan mula sa pagkakatakip ng katawan ng lalaki, at ngumiti sa bata. Sa tingin ko, ay kapatid niya ito. Hawig na hawig kasi ang mga mata nila. Habang nakangiti ako sa bata, ay siya naman dahan dahang nanlaki ang mga mata nito.
"A-Ate Sapphire!?" Gulat na sabi nito. Natigilan rin tuloy ako, kilala ako ng batang ito? Nabigla pa ako ng bigla ay may kung anong bumunggo sa katawan ko. Hindi ko na namalayan na sinugod na pala ako nito ng yakap.
"Ate! Salamat naman at nahanap ka na po ni Kuya Gio!" Takang napalingon ako sa kanyang kuya, na tila hindi naman malaman kung ano ang gagawin.
"Ate! A-akala ko, kung ano nang nangyari sayo, ang sobrang tagal ka ng hinahanap ni Kuya! Salamat sa pagligtas mo sa akin!" Kung hindi ako nagkakamali, ay umiiyak ito. May kung anong kurot akong nararamdaman sa aking dibdib. Kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi ng bata, ay para rin akong maiiyak. Kusang umangat ang mga kamay ko at yumakap rin dito, pagkatapos ay alanganing ngumiti kay Giovanni. Pero traydor ang isang luhang pumatak sa aking isang mata. Nakita kong huminga ito ng malaming, bago hinaplos ang likod ng kanyang kapatid.

BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomantizmUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...