Epilogue

188 4 2
                                    

Untamed Butterfly

Epilogue

Traffic! Sobrang traffic! Bakit naman ngayon pang nagmamadali kami!? Hindi mapakali at panay linga ako sa bintana ng jeep, silip sa kanan, silip sa kaliwa.

"Tay? Malayo pa po ba tayo? Isang oras na lang po, baka hindi ko na po maabutan si Gio nito.." Ayaw ko man isipin, pero pakiramdam ko ngayon pa lang ay nanghihina na ako. Hindi ko yata makakayang mawala si Gio, na hindi na ko na siya uli makita. Nagsisisi tuloy ako kung bakit binalewala ko ang lahat ng effort niya para makita at makausap ako. Bakit ba ako naging matigas sa kanya? Bakit ba naging makasarili ako? Sana naman hindi pa huli ang lahat. Gio..huwag kang umalis!

"Rush hour na kasi anak, 5:30 labasan ng mga estudyante at ibang mga nag oopisina..medyo malayo pa tayo sa pwedeng likuan na shortcut, konting pasensya pa.." tila nalilito na rin sagot naman ni tatay. Nagbuntong hininga ako at muling sinulyapan ang aking relo. Maya maya pa ay nag vibrate ang cellphone sa loob ng aking bag.

"This is Gio's number, call him..I'm sure hindi pa siya nakakaalis.." Agad kong dinial ang call button para tawagan ang numerong ipinasa ni Mam Geanna sakin. Pero saglit akong natigilan sa paghinga ng marinig na operator lamang ang sumagot. Nakapatay? Bakit naka off ang cellphone niya? Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at paulit ulit na muling nag dial. Pero unattended talaga iyon. Gusto ko ng maiyak sa inis. Sa inis sa sarili ko, sa inis sa traffic, sa inis kay Gio, kung bakit naisipan niyang gawin ito.

"Sapphire, huminahon ka nga diyan, sigurado ako maaabutan pa natin ang boyfriend mo..kaya huwag kang mag alala. Nandito kami ng tatay mo, nakita mo? Suportado ka namin..?" Oo nga pala. Hindi ko na naisip yun, na parehong mga magulang ko ang kasama ko ngayon at nagpapalakas ng loob ko. Napayuko ako at inikot ikot ang asul ng bracelet sa aking kamay.

Makalipas ang tatlumpung minuto, ay tanaw ko na ang International Airport, mula sa shortcut na nilabasan ng aming jeep. Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa bukana nito.

"Mauuna na po ako Nay, Tay. Hahanapin ko pa po yung boarding gate ng flight ni Gio!" Hindi ko hinintay pang makapagsalita si nanay at tatay at mabilis na akong bumaba ng jeep at tinungo ang entrance ng airport. Medyo mahaba ang pila sa entrance ng airport, at habang nakapila ako ay napansin kong lahat ng sinusundan at kasunod ko sa pila ay may hawak na passport at kung ano ano pang mga papel, may mga maleta at mga bagpack din ang iba. Ave Maria! Hindi yata ako papayagang makapasok sa loob! Kinakabahang sambit ko sa sarili ko.

"Ticket at passport po Mam?" Nakangiting tanong ng isa sa mga gwardiya.

"A-Ah..oo nga pala! Yung ticket ko! Teka lang po kuya, pwede pong dito muna ko sa gilid? Tatawagan ko lang po yung Nanay ko, nasa kanila po kasi ying ticket at passport ko.." Taka at hindi makapaniwalang tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng gwardiya.

"Araw ng flight mo Mam, kung ano pa yung importante, yun pa yung nakalimutan mo?" tila may pagdududang tanong nito.

"Kuya, galing ako sa sakit, nagka amnesia po ako, hanggang ngayon nakakalimot pa rin po ako, pasensya na po, dito lang po ako sa gilid.." kinakabahan man, ay nakuha mo pang gumawa ng kwento, Sapi?

"Eh, bawal po diyan, kung wala po kayong ticket at passport sa labas po muna kayo, tsaka nasaan po ang bagahe ninyo?" muling usisa nito, habang patuloy sa pag check ng mga dokumento ng bawat pasaherong pumapasok.

"Ayun nga po ang kailangan kong itawag, pasensya na po, dito na lang po ako sa loob, mahaba po kasi ang pila, 6:30 po ang flight ko.." sagot ko naman na binanggit ang oras ng flight ni Gio. Tila nainis naman ang gwardiya, at tinapunan ako ng masamang tingin, pero sa awa ng Diyos ay naging abala na ito sa kanyang ginagawa. Limang minuto pa ang nakalipas bago ako pasimpleng lumayo at tuluyang nakapasok sa loob.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon