Chapter 51
Untamed Butterfly
Sapphire
"I'm only giving you a week, to get what I want from Giovanni, if you fail? There's going to be a consequence.." ito ang sagot niya matapos kong ipaalam na hindi ko nakuha o nakita man lang ang pinahahanap niya.
"Paano kung hindi ko makita o mahanap yun? Paano kung wala naman pala doon sa opisina niya?" Tanong ko sa kanya, yun ay kahit pa sigurado ako na doon nito itinago ang case.
"Then make a way! Kapag nahanap mo, ay wala ka ng maririnig mula sa akin. Kung sakaling hindi mo naman mahanap, may kaparusahan ka. At hindi mo magugustuhan.." Hindi na ako sumagot sa kanya. Dahil sa tuwing kausap ko siya, pakiramdam ko ay napakasama ko, at isa ako sa grupo niya, bagay na parang ganoon na nga, dahil pumayag akong magpagamit sa kanya, nang hindi man lamang pinag isipan mabuti kung ano pa ang pwede kong gawin, sa halip na pumayag na gawin ang gusto niya. Sa totoo lang ay ilang araw na akong walang matinong tulog. Sa tuwina ay natatakot akong ipikit ang mga mata ko, at sa tuwing ipipikit ko naman, ay parang binabangungot naman ako kaagad. Napasubo na ako sa gulong ito. Ang dati kong tahimik na buhay, ay patuloy ng sinisira ng taong ito. Ang dating masaya at simple kong buhay ay nabalutan na ng takot at pangamba.
Paano kung sabihin ko na kay Gio ang totoo? O sa pamilya ko? Baka matulungan nila ako. Pero paano nila ako matutulungan kung hindi naman namin alam kung sino at nasaan ang kalaban? Inabot ko ang cellphone ko. Gusto ko ng matapos ang paghihirap ko, kailangan malaman na ni Gio kung anong pinapagawa sa akin ng Uncle niya. Kahit hindi ko sigurado kung ang Uncle niya nga ang kausap ko, ay malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa lahat.
"Goodevening, Gio. May sasabihin sana ako sayo." mabilis kong text sa kanya, ipinatong ko ang telepono sa aking dibdib habang naghihintay na sumagot ito. Buo na ang loob ko. Hindi na ako magpapadala sa pananakot ng taong iyon. Sigurado ako, kapag nalaman naman iyon ni Gio, ay ipagtatanggol at proprotektahan niya ako at ang pamilya ko. Hindi nagtagal ay nag vibrate ang telepono sa aking dibdib. Tumatawag siya.
"Good Evening, Butterfly. Why are you still awake? What is it? Are you okay?" Agad nangilid ang luha ko ng marinig ang boses niya. Wala pa man siyang idea kung ano ang sasabihin ko ay nag aalala na ito kaagad. Napaka makasarili ko naman kung sa kanya ko iaasa ang kaligtasan ng pamilya ko. At napaka makasarili ko naman kung hahayaan kong saktan o patayin siya ng taong iyon, sakaling malaman nito na sinabi ko sa kanya ang totoo. Napakahirap! Bakit po ba sa aking Ninyo ibinigay ang ganitong pagsubok?
"Uh..uhmm..ayos lang ako.." Pinilit kong bigyan ng buhay ang boses ko.
"Are you sure? Ano yung sasabihin mo?" muling tanong nito. Pinilit kong huwag bigyan ng ingay ang buntong hiningang lumabas sa aking bibig.
"Ah..ano..kasi..Na mimiss lang kita.." Hindi. Hindi ko kayang mapahamak siya. O kahit sino sa kanila. Haharapin ko kung ano man ang kalalabasan ng mga nagawa at gagawin ko. Ang mahalaga sa akin ay ligtas siya, at walang sino man ang masaktan.
"Oh..I miss you too. Sorry I didn't able to take you home kanina. May kailangan lang kasi akong puntahan, with Ivo.." paliwanag nito. Iniisip niya siguro na nagtatampo ako dahil hindi niya ako nasamahang umuwi kanina, pero ang totoo, ay ayos lang naman iyon. Isa pa ay mas mabuti na iyong hindi kami nagkakasama, ayoko kasing mahalata niya na naiilang ako sa kanya.
"Wala yun, okay lang yun ano. Isa pa, hindi naman kita service para ihatid mo pa ako.." narinig kong tumawa ito. Mas madalas na siyang ngumingiti at tumatawa nitong mga nakaraang araw. Kaya kahit papano ay natutuwa pa rin ako. Hindi ko na lang iniisip ang mga darating pang araw, dahil alam kong hindi naman sa lahat ng oras ay masaya. Kaya nga maraming emosyon ang tao, dahil hindi lang sa saya umiikot ng lahat. Pero naniniwala ako naman ako, na naka base iyon sa isip ng tao. Hindi nga ba at may mga taong masaya sa simpleng bagay, at may mga tao naman na hindi nagigung masaya dahil sa tingin nila ay hindi pa sapat kung ano ang meron sila. Natatakot lang ako na masaktan ko siya, bagay na ginagawa ko na yata ngayon.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
Любовные романыUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...