Chapter 49

141 1 0
                                        

Chapter 49

Untamed Butterfly

Sapphire

Inumaga na ako sa pagiisip at nerbyos dahil sa mga message na natanggap ko kagabi. Aaminin ko, talagang natatakot ako, dahil alam kong seryoso ang taong nag message. Pero kahit anong pilit ko, at kahit ilang beses akong nagtanong kung bakit niya ginagawa ang pagsunod sunod kay Mr. DeAntonio, ay hindi na ito sumagot. Kaya naiwan akong naguguluhan. Alam kong gusto niyang iparating na napapanood niya ang lahat ng kilos nito, pero ang tanong, ay bakit? At ano ang gusto niya? Hindi tuloy maiwasang pumasok sa isip ko ang nakaraan ni Mr. DeAntonio, kung saan nabanggit niya na fake ang pagkamatay ng papa niya. Pero wala pang linaw ang lahat, at wala pang malinaw na batayan kung totoo nga iyon, puwera na lang ang kwento ng dati niyang yaya, na nakita raw nitong lumabas ng mansyon ang papa niya, nung gabing mangyari ang krimen. Pero bakit ako? Anong kinalaman ko sa kanya? Anung balak niya sa akin? Haay! Diyos ko Lord! Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganito. Wala pa man, ay pakiramdam kong naiipit na ako. Hindi na mawala wala ang takot sa dibdib ko, at pakiramdam ko ay may kasunod pa ang message nito.

"Good Morning, Butterfly.." Dumako ang tingin ko sa pinto ng aking opisina, nakangiting nakasilip doon si Mr. DeAntonio. Gustuhin ko man na batiin rin ito ng may sigla gaya ng araw araw kong ginagawa, ngayon ay parang may pumipigil sa akin. Hindi ko yata kayang magtago ng lihim sa kanya. Isa pa, pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin sa dibdib dahil sa takot na nararamdaman ko, kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyari kagabi, dahil tungkol naman iyon sa kanya. Kailangan ko ng makakaramay.

"Don't you ever try to tell him this. Remember, I can see him and I can see you." Pero ng maalala ang sinabing iyon ng estranghero, ay biglang umurong ang dila ko.

"G-Good Morning..susunod na lang ako sa loob para sa kape mo ah.." Tanging nasagot ko rito, habang kunwari ay abala sa pag aayos ng mga files.

"No worries.." Muli itong ngumiti at kumindat pa. Haay. Hindi ko makuhang kiligin sa mga oras na ito. Walang ibang nananaig sa isip ko, kundi ang pagaalala.

Mabilis na akong nagpaalam sa kanyang babalik sa opisina matapos ko siyang ipagtimpla ng kape. Nahihirapan kasi akong maging normal sa harap niya. Hindi ko mapigilan na mawala sa huwisyo, dahil sa iniisip ko. Kaya ang magagawa ko na lang ay ang umiwas, ng hindi niya gaanong mahahalata. Inabala ko at pilit kong itinuon ang isip ko sa pagtratrabaho, basa dito, basa doon, akyat baba rin ako mula sa opisina hanggang sa 20th floor, kahit pa wala naman akong agenda doon.

"Sapphire, pwede mo ba akong samahan mamaya after work?" Siyang gulat ko naman ng bigla na naman itong sumilip sa pinto. Kapag malalim pa naman ang iniisip ko, ay wala akong pakiramdam, at wala akong naririnig, kundi naka focus lang ako kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

"Ave Maria! Ginulat mo naman ako..A-ah..s-saan naman tayo pupunta?" Gulat na tanong ko. Hindi ko malaman ang gagawin ng lumapit ito at lumuhod sa harap ko.

"Are you okay? Are you sick?" Wala akong sakit. Natatakot ako, para sayo. Dinama nito ang noo ko.

"Uh..Uhmm? O-okay lang naman ako? A-ah, iniisip ko lang kung may nakalimutan pa ako sa to do list n-ngayong araw.." Mabilis kong sagot, at ngumiti, ng pilit.

"Imposibleng may makaligtaan ka, you never fail to do your job perfectly.." kinurot nito ng bahagya ang pisngi ko. Kung normal pa sana, siguro ay nauutal na ko sa sobrang kilig ngayon dahil sa ginagawa niya.

"Hmmp! Nambola pa si Boss.." Natatawa kong sabi.

"Are you sure, you're okay? Maybe you need a kiss to feel better.." Pero ng bigla ay ilalapit niya ang mukha niya para kunwari ay halikan ako, ay mabilis kong iniharang ang kamay ko.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon