Chapter 19
Untamed Butterfly
Sapphire
Matapos ang mini fashion show na ginanap noong nakaraang linggo, ay talaga namang bumabaha ng tawag at emails sa kumpanya, inquiries at proposal ang karamihan tungkol sa pakikipag partnership, o kaya naman ay pagbili ng iba sa mga designs para maibenta ng mga ito sa kani kanilang business. Malaking halaga ang pinaguusapan dito, dahil sa pagbili pa lang ng designs mula sa kumpanya ay mabusisi na si Mr. DeAntonio. Hindi nito basta basta ibinibigay ang detalye ng mga designs, at hindi nito basta pinasasagot ang mga emails. Sa ganitong routine sa halos araw araw ay pakiramdam ko ay nababagot ako, pero pagod na pagod naman ang utak ko. Alam ko naman na hindi ako dapat magtamad tamaran, dahil ayoko rin naman na isipin nito na sinasamantala ko ang kabaitan niya.
"Ms. Adriano? Are you alright?" hindi ko napansin na nakadungaw pala ito sa pintuan ng opisina. Nakapangalumbaba pa naman ako.
"Ah..opo, Sir!" instant work mode agad ang pagkakaupo ko. Malas naman! Kung kelan nagpahinga saglit, tsaka pa sumilip!
"You can have your break.." agad kong sinulyapan ang aking wrist watch, 11:30?
"Maaga pa po Sir, okay lang naman po ako.." pinilit kong ngumiti, pero hindi yata nakatulong iyon, dahil lalong kumunot ang mukha nito at ikinumpas ang kamay.
"You can go, you look exhausted.." yun lang at tumuloy na ito sa kanyang opisina. Kung makapagtaboy naman yun, akala mo ay ayaw na sa presensya ko..hmmp!
Matapos kong sinupin ang mga gamit sa aking mesa ay lumabas na ako dala ang aking bag, sa cafeteria na lang ako bibili ng pagkain, dahil hindi nakapag luto si nanay bago ako umalis ng bahay kanina. Nang makarating sa tapat ng elevator ay sakto rin namang pabukas na ito. Ibig sabihin ay may taong papalabas. Natigilan ako ng makitang si Seline ang nasa loob niyon. Isang tipid ng ngiti ang pinakawalan nito paglabas at tuloy tuloy na naglakad patungo sa opisina ni Mr. DeAntonio. Bago ko pinindot ang 20th floor, ay sinilip ko pa uli ang babae. Wala na ito sa tapat ng pinto, nakapasok na agad? Pakiramdam ko ay nagpupuyos ng damdamin ko. Kaya ba pinag break niya ako ng maaga dahil darating ang babaeng iyon? Gusto niyang masolo nila ang buong floor? Kaya pala ganun ang itsura niya kanina dahil gusto niyang magmadali akong umalis. Eh ano bang pakialam mo sa kanila Sapphire? Kahit ano pa ang gawin nila, wala kang karapatang magalit ano. Kung sabagay.
Dahil sa lungkot na nararamdaman ay napagpasyahan kong sa labas na lamang kumain. Bigla ay gusto kong mapag isa. Kung kailan ilang araw na lang ako sa itaas, tsaka pa parang ayaw na niya akong makita. Bakit ganun? Minsan ay okay naman siya, mabait at maalalahanin pa nga. Pero minsan ay iritable naman at masungit, na halos ayaw akong kausapin.
Nang makalabas ako ng DeAntonio at makalanghap ng sariwang hangin ay medyo gumaan naman ang pakiramdam ko, luminga linga ako para maghanap ng makakainan, nang matanaw ang isang fastfood chain sa hindi kalayuan ay nagsimula na akong maglakad. Wala halos puno sa vicinity ng lugar na ito. Puro corporate building, botiques at mga kainan. Malilim naman dahil nga sa nagtataasang building. Malapit na akong makarating sa kainan ng may mapansin akong babae na may kalong kalong na napa cute na baby. Sobrang ganda ng babae, at mukhang mabait. Habang papalapit ako sa kinauupuan nila sa labas ng isang coffee shop ay lalong lumilinaw sa mata ko ang kanyang mukha. Nakasuot ito ng mahabang floral dress at nakalugay ang mahabang buhok. Sobrang ganda nga. Nagmadali ako sa paglakad ng makita kong nalaglag ang hawak na laruan ng baby, nahihirapan ang babae na damputin ito, kaya mabilis ko itong dinampot at iniabot sa kanya.
"Naku..salamat.." Nag angat ito ng paningin at ngumiti. Wow. Parang artista.
"Walang anuman..ang cute cute naman ng baby.." agad kong binati ang baby na panay ang hagikgik.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...