Chapter 25

177 3 1
                                        

Chapter 25

Untamed Butterfly

Sapphire

Matapos mag almusal sa isang napakagandang cafeteria na mayroong naoakaganda view mula sa dagat, ay nagtungo kaming lahat sa isang conference hall, para sa opening ceremony. Lahat ng mga activites na gagawin ay na discussed na rin ng mga facilitator. Mayroong target na oras kaya kailangan daw na maki cooperate ang lahat. Nagsalita rin at nagpasalamat ang mga boss.

"The idea behind this team building event is to get people talk to one another, and get to know each other so that, back in our workplace we will be able to communicate better, and collaborate.." tahimik ang lahat habang nagsasalita si Mr. DeAnotonio.

"But this is also intended for us to enjoy our time together, far from the busy environment of the city life. So I would suggest, that all of you, should loosen up and enjoy your two days stay..alright?" Pagtatapos nito. Excited naman na nagpalakpakan ang lahat, at sama sama ng lumabas para mananghalian. At kung kaninang almusal ay sa cafeteria malapit sa dagat kami kumain, ngayon naman ay sa isang indoor restaurant. Na hindi rin naman papahuli sa ganda.

Ganito pala kapag team building, kakain ka lang ng kakain? Naisip ko habang namimili ng pagkain sa buffet table. Napakaraming pagpipilian. Mula sa iba't ibang luto ng gulay, isda, at karne, mayroon ding mga prutas. Tila naglaway ako ng makita ko ang nag iisang grilled lobster na tila kumakaway sa akin at nagsasabing damputin ko na siya at ilagay sa pinggan kong puno na ng kung ano anong putahe. Kagat labi ko itong inabot, pero nagkataong isang kamay rin ang kasabay kong nakahawak rito. Ako sa bandang dulo, at siya naman sa buntot. Oh no! Hindi pwede, ako ang ang naunang nakawahak, kaya akin ang lobster na ito! Tinangka kong hilahin yun, pero mukhang ayaw itong bitawan ng isa pang kamay. Dahan dahan at pairap kong nilingon ang may ari ng kamay. Aba! Kita mo nga naman at nakikipag agawan din pala sa masebong pagkain ang babaeng poste na ito! Hinila ko uli ang lobster, ganun pa rin, ayaw niyang bitawan, at mukhang hindi ito papatalo. Inuubos nito ang pasensya ko. Nag staring contest kami, habang nag hihilahan sa isang pirasong lobster na iyon.

"How's the food, ladies?" kapwa kaming lumingon at natigilan ng marinig ang boses ng nakangiting si Mr. DeAntonio. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Seline na ni isa ay walang nakapagsalita dahil sa pagka bigla.

"Oh..it's good, I like the seafoods though..!" si Seline ang unang nakabawi, pero dahil mukhang na hypnotize ito sa kagwapuhan ng kaharap namin kaya lumawag ang pagkakawak nito sa lobster. Dahilan rin, para sa wakas ay mapasakamay ko ito. Yes! Mabilis kong inilagay ang lobster sa ibabaw ng pinggan kong punong puno na ng pagkain. Nakuha pang lumingon ng babaeng poste sa akin, pero hindi na nagsalita. Aba syempre, kapag umangal pa siya, malalaman ng gwapong kaharap namin na nakikipag agawan siya ng pagkain sa katulad ko, bawas poise yun para sa kanya. Hindi naman makapaniwalang nakatitig sa Mr. DeAntonio sa pinggan ko. Pero wala akong pakialam sa kung anong iisipin niya, ang mahalaga, mabubusog ako ngayong tanghalian.

"Naku! Sir, sobrang sarap ng mga pagkain, lalo na po nitong lobster!" Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanilang dalawa, bago nagtungo sa mesa namin ni Chari.

Matapos ang tanghalian, ay nagsimula na ang mga games. Ang unang games ay tug of war. Iba ang laban ng mga babae sa mga lalake.

"Alright guys, uunahin muna natin ang nga babae, so we will be the one who will pick the participants, para fair. Kapag tinawag ang pangalan, hindi pwedeng tumanggi, okay?" Pag aannounce ni Sir Chrissy sa mikropono.

"We need five ladies for each group, four members, and one leader! So..for the first group, here are the names! Lori from Cafeteria, Chicki from the janitorial dept, Chari from Accounting dept, Weng of Security dept, and Sapphy from the Executive dept! Okay ladies, punta na dito sa harapan!" Haay! Unang unang laro pa lang ay natawag na ako kaagad? Ang buong akala ko ay mag aassist lang ako sa activities eh. Kakamot kamot akong sumunod sa grupong tinawag ni Sir Chrissy.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon