Chapter 13
Untamed Butterfly
Sapphire
"Sapphire, I'd like you to know that the car is fixed now. Thank you for your cooperation..check your messenger, I sent you a pic.." pikit pa ang isang matang binasa ko ang text message ni Mr. Ivo. Agad kong binuksan ang aking messenger para makita ang picture. Napa wow na kang ako sa gabda niyon. Parang walang bakas ng bagong bago na uli sa paningin, kaya siguro napakamahal ng singil ay dahil pulidong pulido naman pala ang pagkakagawa nito. 0105GVD ang numero ng plaka nito. Mabuti naman at okay na ang kotse, nasabi niya kasi na ito raw ang gustong gamitin ng pinsan niya sa pupuntahan nitong event. Naku Lord! Salamat po sa lahat ng tulong niyo.
---------
"Mr. Ivo?" atubili akong lumapit sa lalaking nakaupo sa isang kilalang coffee shop. Napag kasunduan namin na dito na lang magkita dahil parehong limitado lang ang mga oras namin. Mabuti nga at naka habol pa ako sa bangko para mapa encash ang pera."Sapphire?" nang lumingon ito ay saglit akong natigilan, may kahawig ang lalaking ito.
"Ako nga po.." ngumiti ito at inalok akong maupo.
"Dala ko na po ang perang pangbayad sa inyo.." kinuha ko ang puting sobre sa aking bag, at pasimpleng ipinatong iyon sa coffee table.
Tumango tango ito at humigop sa kanyang kape bago nagsalita."Listen, I don't want to do this, but I have to.." apologetic naman ang mukha nito. At mukhang hindi naman ito manloloko, maayos naman ang pananamit nito, at mukha din naman talagang mayaman.
"Alam ko po iyon..gusto ko lang din pong malaman ninyo na hindi po sadya ni Tatay ang nangyari, pero dahil siya ang dahilan, heto po at pilit naming ginawan ng paraan.." sa tingin ko ay chickboy ang lalaking ito. Aba eh, nagsasalita ako at ako ang kausap niya, pero panay ang tingin sa mga babaeng nagdadaraan.
"Eherm.." muli itong napatingin sa akin.
"Yeah..yeah..where are we again?" sabi ko na nga ba, hindi siya nakikinig. Naku! Ang mga lalaki talaga.
"Ang sabi ko po, pakipirmahan ninyo na itong papel, katibayan na nakapag bayad na ako sa inyo, at wala ng pananagutan ang tatay ko.." ulit ko sa sinasabi ko kanina.
"Oh..yeah..sure.." agad nitong dinampot ang ballpen na ipinatong ko sa ibabaw ng papel at pinirmahan iyon.
"I hope na makahabol ang pag papagawa ng kotse ng pinsan ko, yun kasi ang gusto niyang gamitin para sa special event na pupuntahan niya.." tumayo na ito at kinuha ang sobre.
"Event? Eh nasaan po ba ang pinsan ninyo?" Naitanong ko na rin, gwapo rin kaya ito katulad niya? Malamang gwapo rin, at mayaman pa. Lahi ng mga gwapo at mayayaman.
"Oh, him? Yeah, do you know DeAn-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nag ring ang cellphone niya. Sumenyas ito saglit bago ito sinagot.
"Yes, yeah, I'm on the way, alright..see you.." I'm on the way daw?
"I'm sorry I have to go now, by the way, thank you.." isang cute na ngiti ang pinakawalan nito.
"Teka Sir, paki inform nyo po ako kapag okay na ang kotse.." habol ko pa rito ng tangkang tatalikod na ito.
"I will.." ngumiti itong muli at nagmamadaling lumabas na ng coffee shop.
Hindi kaya na scam ako? Haay. Kaybilis namang nag laho ng 160k sa mga kamay ko. Ilang araw at linggo at inabot na rin ng buwan, at heto nga nag text na siya at sinabing okay na ang kotse. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay tinangay na nito ang pera, kahit walang kahirap hirap kong nakuha iyon, ay paghihirapan ko iyong masuklian kay Mr. DeAntonio.
Nang araw na iyon ng makauwi ako ng bahay ay agad ko na ring binalita kila nanay at tatay na nabayaran ko na ang pagpapagawa ng kotse. Pero imbis na makahinga sila ng maluawag ay nag alala naman ang mga ito, dahil baka kung saan ko raw kinuha ang pera. Sinabi ko na lang na loan iyon mula sa kumpanya. Madami pa silang tanong, na baka daw ganito, ganoon. Pero syempre, dahil ako si Sapphire, ay nalusutan ko naman. Ang importante, ay wala na silang iniisip na mabigat na problema ngayon. At ako na ang bahala kay Mr. DeAntonio. Dahil ibabalik ko sa kanya ang swerteng ibinigay niya sa akin, syempre, magtratrabaho ako ng mabuti para sa kanya. Naku Lord! Thank you po talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/327339699-288-k16015.jpg)
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...