Chapter 26

109 2 0
                                    

Chapter 26

Untamed Butterfly

Sapphire

Hindi ko man matanggap ang pagkatalo namin, ay wala naman na akong magagawa dahil kasalanan ko naman din, kung bakit ba kasi sinulyapan ko pa si Mr. DeAntonio at nagpadala sa charm niya, hindi sana ay hindi ako nalaglag. Pero tapos na eh, ang nakakainis lang talaga dun eh yung itsura ni Seline ng manalo sila, tuwang tuwa ito, at tinawag pa si Mr. DeAntonio ipinagmalaking nanalo sila. Naku! Bumalik ako sa aking kwarto para makapagpalit ng tuyong damit. Puting tshirt lang na pinatungan ko ng dilaw na summer polo ang isinuot ko, at short na maong. Nang makalabas ako ng aking kwarto ay may narinig akong boses ng babae na tila sumisigaw. Dala ng pagka curious, ay pinakinggan kong maigi kung saan nagmumula ang boses. Nang makalagpas ako sa Villang inuukapahan nila Sir Chrissy at Sir Jed, ay lalong lumakas ang boses ng babae.

"I told you, stay away from me Marco!" napakubli ako sa gilid ng ng pader ng makita kong si Mam Geanna pala ang sumisigaw na iyon, at parang galit na galit ito kay Marco.

"Your cousin insist for me to watch over you! Sa tingin mo gusto ko ito?" Kalmadong sagot naman ni Marco, nakapamulsa lang ito at nakasandal sa sliding door.

"Then you should have refused him!" Ay?galit na galit? Bakit naman kaya?

"He just want you to be safe, sana kung ayaw mo akong kasama, doon ka sana sumakay sa kotse niya, para hindi mo kailangan ng driver at bodyguard!" Iyon lang ba ang pinagtatalunan nilang dalawa? Bakit parang may mas malalim pang dahilan? Hindi naman sa tsismosa, pero bahagya kong sinilip ang nangyayari.

"Pero bakit ikaw? Pwede namang iba? Bakit ikaw pa?" Ewan ko pero parang nakita kong hindi makapaniwalang napatingin si Marco kay Mam Geanna.

"Why me? Why don't you ask yourself, kung bakit ka nagkakaganyan Geanna? Ako ba ang problema o ang sarili mo? Natatandaan mong sinabi mo noon? Wala kang pakialam sakin lalo na sa nararamdaman ko, so bakit ka nagkakaganyan, don't tell me you're still affected by my presence?" Sarkastikong sagot nito. Oh! Tama ba ang iniisip ko? May something silang dalawa? Noon? O baka hanggang ngayon? Isa pa, bakit Geanna lang ang tawag ni Marco kay Mam Geanna?

"Shut up! I don't want to hear anything from you! Bahala ka! I'll do what I want, at huwag mo akong pakikialaman!" Iyon lang at nagpapadyak na itong naglakad palayo. Aba, kahit pala nagmamadali ay may poise pa rin maglakad itong si Mam Geanna. Nang muli kong binalikan ng tingin si Marco ay nakatitig pa rin ito sa papalayong babae. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Nakakaawa naman siya. Kahit naman kinainisan ko siya nung mga unang araw ko sa DeAntonio ay mukha namang siyang mabait. Lalabas na sana ako sa pinagkukublihan ko ng maalala kong nakatayo pa nga pala ito, pero hindi rin nagtagal ay sumunod na rin kay Mam Geanna, matapos ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga.

Nang makabalik ako sa pinag gaganapan ng mga activity at palaro ay sakto naman na naka break ang lahat, at nag announce na may isang oras na free time para maglakad lakad o magpahinga. Syempre dahil kanina ko pa gustong mag ikot ikot sa lugar ay hindi ko na iyon pinalagpas, hindi ko na nakita si Chari, marahil ay nagpalit rin ito ng damit, o nauna ng namasyal kaya mag isa akong tumingin tingin sa mga tindahan sa resort. Kahit mag isa lang naman ako ay naeenjoy ko pa rin ang mga ginagawa ko. May mangilan ngilan naman din akong nakakasabay at nakakasalubong na mga empleyado na busy rin sa pamimili. Buhay na buhay ang mga tyangge dito, at talaga namang nakakaaliw at nakakatuwa sa mata ang iba't ibang klase ng mga paninda, may mga hand made na bags, at pouches, may mga tshirts din, sobrang dami mong mabibiling souvenirs.

Medyo nakarami na rin naman ako bg napasok na shop, pero wala pa naman akong nagugustuhang bilhin. Pero ng matanaw ko ang fruit stall na may tindang fresh fruit juice ay agad akong nakaramdam ng uhaw, medyo may kainitan na rin kasi dahil alas tres na ng hapon. Lumapit ako doon at nag order ng pineapple juice.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon