Chapter 27
Untamed Butterfly
Sapphire
Marami ng nagawang games, at halos lahat ng empleyado ay nakapag laro na, okay din naman ang pag organize ng mga facilitator, dahil ang mga palaro ay groupings, kaya lahat ay may pagkakataong maglaro at makapag enjoy. Pinaghahalo halo rin ang bawat grupo, ang mga boss ay naisasama sa grupo ng mga ranks, at ang mga ranks ay naisasama rin naman sa grupo ng mga boss, masasabi kong napakasaya ng team building na ito, walang mayaman, walang mahirap, lahat pantay pantay, lahat ay magkakaibigan, lahat parang magkakapamilya.
"Next game, Volleyball! This time, pwedeng magsama ang mga lalake at babae sa isang grupo, so here are the players!" Excited na sbi ni Sir Jed.
"For Team A! Ms. Seline, Ms. Geanna, Ms. Grace, Christopher, Echo and none other than, our Boss, Mr. Giovanni DeAntonio!" lumakas ang hiyawan at palakpakan ng marinig ng madla na maglalaro for the first time si Mr. DeAntonio. Bigla rin akong na excite na makita at mapanood siyang nag lalaro, yun ay sa kabila ng nangyari kanina. Nang magsimulang magbalikan ang lahat matapos ang isang oras ng break ay nadaanan nila ako ni Seline na nakaupo pa rin sa bangko. Nagpatay malisya na lamang ako at nagkunwaring hindi ko sila napansin. Wala rin naman akong narinig na salita mula sa kanila, o kay Mr. DeAntonio, na ibig sabihin lang ay hindi rin ako napansin, o sadyang hindi pinansin, dahil abala ito sa kanyang kasama. Pero, binalewala ko na lang iyon, bakit ba ako magpapa apekto?
Namamanghang sinundan ko ng tingin ang nakangiting si Mr. DeAntonio habang naglalakad ito papunta sa harap. Nakapag palit na ito ng damit na pang laro. Isang simpleng puting tshirt lang at navy blue na boardshorts, pero syempre angat na angat pa rin siya sa karamihan, fit na fit ang katawan nito, at lalaking lalaki ang tindig, walang pinag kaiba sa tindig niya kapag naka suot siya suot. Kung hindi ko pa nakitang nilapitan ito ni Seline na ngayon ay literal na naka two piece na lang, ay hindi pa ako mahihimasmasan sa pagkakatitig kay Mr. DeAntonio. Iniiwas ko na ang tingin ko ng makitang yumakap pa ang babae dito, at nakangiti ring ipinulupot nito ng braso sa beywang si Seline. Iniiwas ko na ang mga mata ko, dahil baka maaktuhan ko pa silang mag kiss. Masasaktan lang ako. Wow! Masasaktan? Baka nasasaktan ka lang sa sinag ng araw sa balat mo, lumilim ka kaya, Sapphire! Nangigiwing tumayo ako at lumipat ng upuan sa gawing likuran.
"Next, for Team B, please come here infront, Marco, Rafael, Angie, Ivette, Sapphire..and syempre ako!" Nagtaka ako kung bakit nakasama na naman ako sa laro, ngayon pa talagang nalulungkot ako? At gusto kong mag emote? At makakalaban ko pa talaga ang dalawang lovebirds na iyon? Naku naman oh! Haay! Nang makalapit sa grupo ay tsaka ko lang napansin na kasali pala si Marco, kaso ang itsura nya ay parang hindi game sa laro, parang bubutasin lang nito ang bola dahil sa laki ng katawan niya. Ang mga mata nito ay panay lang na nakatutok sa seksing seksi na si Mam Geanna, nakasuot kasi ito ng puting halter onepiece, na dinoblehan ng highwaist na maong shorts. Lalo tuloy na emphasize ang mahahaba nitong legs, at makinis na balat. Muli kong nilingon si Marco, na parang walang naririnig o nakikita. Marunong kaya siyang mag volleyball?
"Okay team, sino ang naglalaro talaga ng volleyball sa inyo?" agad na tanong ni Sir Jed ng makalapit sa grupo namin, marunong naman ako sa volleyball, dahil nilalaro namin iyang madalas sa labas ng bahay namin, pero hindi naman ako magaling. Nagtaas ako ng kamay.
"Sapphire, dahil medyo ikaw ang pinaka maliit sa team, ikaw na lang sa gitna okay? Marunong ka bang pumalo?" Makaliit naman itong si Sir, 5'4" naman ang height ko, nagkataon lang na malalaking tao ang halos karamihan ng empleyado sa DeAntonio.
"Aba syempre naman Sir Jed," mayabang kong sagot. Palo lang pala eh!
"Okay good! So lahat naman ay marunong maglaro, just say mine para walang agawan sa bola okay?" nagtanguan kami, maliban kay Marco na parang walang pakialam sa mundo. Matapos ng kaunting coaching kay Sir Jed, na maglalaro rin, ay pumwesto na kami.
Sa gawing kanan sa unahan si Sir Jed, sa kaliwa naman si Marco, at gaya ng nasabi, sa gitna ako pumwesto. Syempre, dahil magkakaharap na ay hindi na talaga maiiwasan na magkatamaan ng tingin, napadako ang mata ko kay Mr. DeAntonio na nasa unahan ding katapat ni Sir Jed, sa kabila naman ay naroon si Sir Chrissy na katapat ni Marco, si Mam Geanna ang nasa gitna, at nasa gawing likuran naman si Seline. Haay. Mabuti naman at hindi ko siya katapat.

BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...