Chapter 56
Untamed Butterfly
Sapphire
"I said wake up!" Nagising na lamang ako at napa aray ng maramdaman kong may sumabunot sa akin.
"Aahh! A-aray!" Takot ang agad na sumambulat sa akin ng makita ang isang lalaking galit na nakatitig sakin, habang hawak ang buhok ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang buo kong katawan, ng sa wakas ay maalala ko ang pangyayari bago ako napunta rito. Tama. Sapilitan akong isinakay ng mga lalaki sa itim na van. May bahagyang kirot pa akong nararamdaman buhat ng pag suntok ng isa sa kanila sa sikmura ko.
"Oh! Day dreaming, are we?" nakangising tanong ng lalaki. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya, pamilyar ang mukha nito, o may kamukha siya pero hindi ko matukoy kung sino, at saan ko nakita. Marahas nitong binitawan ang buhok ko, at naupo sa isang silya. Tinangka kong gumalaw, pero nakatali ang mga kamay ko sa magkabilang hawakan ng upuan, hindi ko rin maipaghiwalay ang mga paa ko, dahil pareho rin iyong nakatali.
"You are, Sapphire..right?" Hindi ako sumagot. O hindi ako makasagot. Parang may nakabara na kung ano sa lalamunan ko. Habang tinititigan ko ang lalaki ay unti unti kong nakikita kung sino ang kamukha nito.
"You know what? You started well. Okay na sana ang lahat, medyo mabagal ka lang kumilos." Humugot ako ng isang mabilis at malalim na paghinga.
"I-ikaw ang.." Hindi ko maituloy ang pagsasalita, nahihirapan ako dahil sa tindi ng pagtibok ng puso ko.
"Ako ang..?" nang aasar na ginaya pa nito ang toni ng boses ko.
"Ano pa bang kailangan mo sakin? Wala na! Hindi ko nagawa ang gusto mo!" Sa wakas ay medyo lumakas na ang boses ko.
"Hindi mo nagawa, because you are stupid!" Tumaas din ang boses nito. Ano pa nga bang kailangan niya sakin? Wala na akong silbi, kung binabalak niyang takutin at pilitin ako na muling lumapit kay Gio, ay hindi na mangyayari yun. Dahil kinamumuhian na ako nito. At isa pa, kahit ano pang gawin niya sakin, ay hinding hindi na ako uli magpapagamit sa kasamaan niya. At hindi na ako papayag na masaktan si Gio, ng dahil sakin.
"Hindi ako tanga! Sadyang hindi lang ako kasing sama mo! Hindi ako mukhang perang kagaya mo, na pati ang sariling mong kadugo ay nagawa mong patayin!" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang at lakas ng loob ko, pero sa isip ko, ay nakikita ko pa rin ang galit na mukha ni Gio, at ang namumuhing mga tingin nito sa akin. Na hindi sana mangyayari kung hindi dahil sa taong ito. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko ng bigla itong tumayo, at mabilis na naglakad patungo sakin. Isang nakakaririnding sampal ang pinakawalan nito. Agad na umikot ang paningin ko, at nag init ang kaliwang bahagi ng mukha ko. Ito ang unang beses na may sumampal sa akin. At sa tingin ko, ay hindi lang sampal ang aabutin ko sa kamay ng demonyong ito.
"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Isa ka lang tuta! Isa ka lang laruan ng pamangkin ko!" Laruan? Akala siguro niya ay tatablan ako sakaling i brain wash niya ako laban kay Gio. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na pinaglaruan ako nito. Alam ko, at nararamdaman kong totoo ang lahat ng ipinakita nito sa akin.
"You thought he really likes you? Tingnan mong sarili mo? You don't even look like a woman!" Bakla ba siya? Bakit napunta na yata sa panlalait ang usapan.
"Mahal ako ni Gio! At naniniwala akong galit lang siya, pero mahal niya ako!" Sige! Ipagpilitan mo pa, Sapi! Wala ka namang daoat sabihin sa lalaking yan.
"Really? Kaya pala nandito ka ngayon! Kaya pala hindi siya nakinig sayo, at kaya pala hindi ka man lang niya prinotektahan, kahit pa alam niyang ako ang nag utos sayo! Well! My nephew is really smart! One mistake, was enough, and his done with you!" Nagbaba ako ng paningin. Kaya nga ba hindi niya ako pinakikinggan ay dahil wala naman talaga siyang pakialam sakin? Hindi man lang siya nag alalang nasa panganib ako, at hindi man lang niya naisip na protektahan ako? Ibig bang sabihin, totoo ang sinasabi ng lalaking ito?
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...