Chapter 55

83 1 0
                                    

Chapter 55

Untamed Butterfly

Unknown POV

Napakunot ang noo ko ng makita ko siyang lumabas ng building na iyon, habang nakahawak sa kanyang dibdib. Mataman ko siyang tinitigan. Umiiyak siya. Tiim bagang na iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Marahil ay sinubukan niyang kausapin si Giovanni, pero hindi siya nito pinakinggan. Pero isa lang ang alam kong dahilan kung bakit iniurong ni Giovanni ang kaso. Totoong mahalaga siya rito. At ngayon, alam kong may niluluto na namang plano si Levi para sa kanya, at hinihiling ko na lang, na sana ay hindi siya masaktan. Iyon ay kahit pa alam kong hindi magiging mabait si Levi sa kanya, lalo pa ngayon na desperado na ito.

Muli ko siyang sinundan ng tingin, naglakad ito papunta sa parke, at naupo sa ilalim ng puno, kung saan may sementadong upuan. Patuloy pa rin ito sa pag iyak, pero bahagyang ikinukubli ang kanyang mukha sa mga nagdaraan. Wala pa ba siyang balak na umuwi? Sinulyapan ko ang aking relo, mag aalas dyis na ng umaga. Sumandal ako sa aking upuan. Nasa labas ako ngayon ng isang fast food, kung saan may mga upuang naka latag sa labas. Nasa tawid nito ang parke, at halos katapat ko lamang siya mula sa kanyang kinauupuan.

Sumapit na ang alas dose ng tanghali, at nakakaramdam na ako ng gutom, pero hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinauupuan. Huminto na siya sa kanyang pag iyak, at patingin tingin na lamang sa mga naglalakad. Kung hindi pa siya aalis, ay hindi rin ako dapat umalis. Alam kong walang iniutos si Levi na sundan ko siya ngayon, dahil iniutos niya iyon sa iba, mabuti na lamang at nagkaroon ng biglaang misyon ang mga ito, kaya ako na ang nagpresintang subaybayan siya. At sa ngayon, tingin ko ay wala pa siyang balak na umalis doon. Sa ngayon ay wala pa naman itong inuutos na kahit ano tungkol dito, dahil marami rin naman siyang mga bagay na inaasikaso, wala namang mahalaga sa kanya kundi pera, at hindi siya magkakaroon niyon kung itutuon niya lang ng husto ang sarili niya sa pagpaplanong makuha ang kayaman ng kanyang kapatid sa anak nitong si Giovanni.

--------------

Sapphire

Naupo ako sa isang bench sa parke na malapit lang sa DeAntonio. Mabuti na lang at medyo malapit ito, kaya kahit nanghihina ang mga binti ko, ay nagawa ko namang makarating dito. Dito rin kami unang nagkita at nagkakilala ni Lola. Pinahid ko ang mga luhang ayaw pa rin tumigil sa pagpatak, pinagtitinginan kasi ako ng mga taong nagdaraan. Pero parang sirang plaka na paulit ulit sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang pagsigaw niya sa akin, ang marahas niyang paghawak sa braso ko, at ang pagtulak niya sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse, at higit sa lahat, noong hawakan niya ang kamay ni Seline. Makakaya ko pang tanggapin ang mga nauna, pero ang makitang ang mga kamay nilang magkahawak, parang binibiyak yung puso ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nasasaktan dahil sa pagibig? Yung kahit alam mong maraming nakatingin sayo, ay hindi mo mapigilang umiyak? Yun bang wala kang pakialam sa paligid mo, kung ano ang tingin sayo ng ibang tao, basta't iiyak ka lang.

Nagkamali ako, at hindi lang basta nagkamali, nasaktan ko ang damdamin niya, at sinira ang tiwala. Pero bakit naman ganun? Bakit naman hindi muna siya kumalma, at nakinig man lang? Nahuli ako sa akto. At talagang kinahihiya ko yun, lalo pa at kitang kita niya na galing sa bag ko ang mga dokumento na pagmamay ari at pinagiingatan niya. Pero bakit naman ganun? Bakit naman sa pamamagitan pa ni Seline ay nagawa niya akong saktan? Naniniwala ako na kaya niya ako pinalaya ay dahil mahal niya ako, at ang pagmamahal ay hindi basta basta mawawala hindi ba? Kahit pa anong kasalanan o pagkakamali ng taong mahal mo ay magagawa mo siyang patawarin kung totoong mahal mo siya? Kahit gaano pa kasakit ang naramdaman mo sa nagawa niya, ay matatanggap mo siya? Bakit hindi iyon nangyari sakin? Bakit hindi niya ako pinakinggan para maunawaan niya at mapatawad niya ako?

Naalala mo ba yung kasabihan mo kanina? Kapag mahal mo, ipaglaban mo! Paalalang sigaw naman ng isip ko. Nagbuntong hininga ako. Pero masyado palang masakit. Lalo na yung hindi ka pakinggan, at balewala ang pagmamakaawa mo. Iyon bang alam mo sa sarili mo na hindi mo ginustong gawin iyon, at hindi mo siya gustong masaktan, pero wala kang magawa. Ang hina ko. Napaka hina ko. Muli akong napasigok. Parang ilaw kasi na patay sinding lumilitaw ang galit na mukha ni Gio sa isip ko. Naluha akong muli. Siya ang nagbigay ng permisong tawagin ko siya sa pangalang iyon. Pero siya rin ang bumawi, at sinabing tawagin ko siyang Mr. DeAntonio. Pakiramdam ko ay agad niyang inilayo ang sarili niya sa akin. Ni hindi ko na siya pwedeng hawakan, kahit sa damit. Pakiramdam ko tuloy ay napaka sama ko. At walang kapatawaran ang nagawa ko. Siguro nga ay ganun. Pero sana, makahinga man lang ako ng tawad sa kanya. Sana pakinggan niya kahit ang paghingi ko na lang ng tawad sa kanya, kahit hindi niya ako oatawarin, basta makinig lang siya.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon