Chapter 28
Untamed Butterfly
Sapphire
Nagising ako sa mga katok sa salamin na pinto ng kwarto. Nananakit ang buo kong katawan, marahil siguro sa mga laro kahapon. Marahan akong bumangon mula sa kama at nagtungo sa pinto, hinawi ko ang makapal ng kurtina at bumungad roon ang bagong paligo ng si Sir Jed. Pupungay pungay kong hinila ang pinto para pagbuksan ito.
"Hey, how are you Sleeping Beauty? Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ka ba sasama for hiking ngayon?" idinungaw nito ang kanyang ulo mula sa labas ng pinto. Naku! Ngayon nga pala ang hiking! Nilingon ko ang wall clock sa dingding. Ala sais ng umaga.
"Anong oras nga uli ang alis Sir Jed?" aantok antok kong tanong.
"Aalis na within thirty minutes, you better get ready kung sasama ka.." Haay..pwede naman sanang hindi sumama, lalo pa nga at nananakit ang katawan ko, pero syempre gusto ko ring maranasan ang umakyat ng bundok. Kaya ng makaalis ito ay dali dali na akong naligo at gumayak. Wala akong pang hiking na sapatos kaya, pagtyatyagaan ko na lang ang nag iisang puting sneakers na nadala ko, hindi naman umuulan, kaya hindi naman siguro madulas.
Mabilis kong inisa isa ang mga gamit na pwede kong dalhin sa pag akyat. Inuna kong ilagay sa backpack ko ang naka ziplock na first aids, mga biskwit at candies, tubig, damit pamalit, towels, at maliit na flashlight. Malay natin, kahit day hike lang naman ito, ay mabuti pa rin ang handa ka. Nag dala na rin ako ng extrang pera, para sigurado, kahit wala namangNang matiyak na wala na akong kakailanganin ay nagmamadaling lumabas na ako para magtungo kung saan nakaparada ang bus na sasakyan papunta sa aakyating bundok.Sa tingin ko nasa kabuuan ng isang bus lang kaming mga sasama. Optional naman ang pagsama sa hiking na ito, kung baga ay extra activity lamang ito. Abala na sila Sir Chrissy at Sir Jed sa pag check ng mga pangalan ng mga sasama, sa may di kalayuan ay tanaw ko naman na nakatayo sa harap ng kanyang sasakyan si Mr. DeAntonio na may kausap na isang lalaki at babae, sa itsura palang ng mga ito, ay malamang ito ang mga hiking guide namin mamaya. Dahil hindi naman pansinin ang pwesto ko ay, sinamantala kong muli ang pagkakataon para pagmasdan ito. Sa tingin ko ay hindi ito nauubusan ng kakisigan, kahit yata pagod na pagod sa araw araw nitong ginagawa ay natural na pinagpala ang mukha at katawan nito. Simple lang rin ang suot nito, pero may class pa rin, may nakasukbit na camera sa leeg nito at halatang sanay na sanay na sa pag akyat ng bundok. Nang maramdaman kong lilingon ito ay nagmamadaling umalis ako sa aking pwesto at lumapit kila Sir Chrissy.
"Oh..here you are sleepy girl? Anong pakiramdam ng mahaba ang tulog? Parang dinuduyan ba ng matitipunong braso?" Ano raw? May ibig sabihin ang sinabi niyang iyon, pero wala ako sa mood mag usisa ngayon.
"Sobrang napagod lang ako kahapon Sir Chrissy..kailangan nyo ba ng tulong Sir.." kakamot kamot kong sabi rito.
"Yes, oo nga pala, paki check kung ilan pa ang kulang sa loob ng bus, may kailangan lang akong iklaro sa mga guides natin.." inabot nito sakin ang listahan ng mga kasama at agad ko naman iyong sinunod.
Maya maya pa ay binabagtas na namin ang daan papunta sa lugar na aakyatin namin. As usual, nakasunod ang kotse ni Mr. DeAntonio, na ngayon ay si Marco na ang nagmamaneho, isang sasakyan na lang ang dala nila, at doon na lamang sumakay si Marco at Mam Geanna. Nang makarating sa bukana ng bundok ay agad kaming inorient ng aming mga guides, isa isa rin ng mga ito ng nga essentials na dapat ay dala namin, una na ang tubig. Dahil karamihan naman daw ay first time lang, hindi naman daw masyadong mahirap ang pagakyat, yun nga lamang ay marami raw madadaananang mga batis, mga mabatong parte, at mamadamong parte papunta sa taas. Nag papapaliwanag at nagpapa alala pa lang ang nga guides ay na eexcite na ang paa kong magsimulang maglakad. Kay ganda sa mata ang nga berdeng dahon ng mga halaman at puno. Gusto ko na ring makita ang batis na sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...