Chapter 4
Untamed Butterfly
Sapphire
(Insert music, Better When I'm Dancing by Meghan Trainor)
"But I feel better when I'm dancing..yeah..yeah..!" masaya talaga kapag sa umaga pa lang ay buhay na buhay na ang dugo mo, at happy music lang ang katapat noon. Tsaka isa pa, unang araw ko ngayon sa trabaho, kaya dapat full of energy ako.
"Show the world you got the fire, feel the rythym get louder...!" kinuha ko pa ang brush ko sa buhok at ginawang mic, para feel na feel, habang naka tapis ng tuwalya at kinikembot ang beywang ko na sinasabayan ang tugtog. Kapag ganitong maganda ang mood, feeling ko magiging maganda rin ang kinalabasan ng buong araw ko.
"Sapi! Nakaka bulahaw ka naman eh! Natutulog pa ko sa kabilang kwarto!" natigilan ako sa pagsasayaw ng bigla ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si ate Emerald na bagong gising.
"Ah..uh..so-sorry ate..hihinaan na.." alanganin akong ngumiti rito at hininaan ang volume ng maliit kong bluetooth speaker. Padabog naman nitong isinara ang pinto. Pero kahit mahina na ang music ay patuloy pa rin ako sa pagsayaw, habang nagbibihis at naghahanda para sa aking pag pasok. Matapos ilagay ang lahat ng kailangan ko sa bag ay lumabas na ako ng kwarto para mag almusal.
"Good Morning Nay, Tay.." bati ko sa mga magulang ko na kasalukuyang nag aalmusal na. Agad akong dumampot ng pandesal at hotdog at salitan iyong kinagat. Naalala ko tuloy yung matanda noong isang araw. Naisahan niya talaga ako sa baon ko eh.
"Anak, gusto mo bang ihatid kita sa sakayan?" tanong ni tatay matapos humigop ng kape.
"Naku Tay, huwag na po, magpagaling na lang po muna kayo, isa pa, may sira na naman po ang jeep natin diba..pagpahingahin nyo na lang din po muna siya.." hindi ko na gusto pang bumyahe si tatay simula nung naaksidente siya. Sa tingin ko mas delikado na para sa kanya ang pagmamaneho dahil na rin sa edad niya, dagdagan pa ng sira sira naming jeep.
"Tsaka Tay, napuntahan ko naman na po iyon noong isang araw, kaya alam ko na po kung paano makakarating.." dagdag ko pa.
"Oh siya sige, ikaw ang bahala..magbaon ka na lamang at nakapag luto naman na ng kanin at ulam ang nanay mo.." anito, at tumayo na para manood ng balita sa sala.
"Nay, huwag niyo na po payagan si Tatay umalis ah, pagpahingahin nyo na lang po muna.." bilin ko kay nanay ng maiwan kaming dalawa sa lamesa.
"Hindi iyan makakalabas ngayong araw anak..ang iniisip ko lang kasi ay kung saan tayo kukuha ng napaka laking halagang pangbayad sa nabunggo niya..kahot yata maglabada ako, o mamalantsa ay hindi natin mababayaran iyon.." Ang mga nanay talaga ang tagasalo ng problema.
"Naku Nay! Huwag na huwag niyo pong gagawin yan. Hindi na po dapat kayo nagtratrabaho, kahit si tatay, hindi na po dapat! Huwag ho kayong mag alala at iisipan ko po ng paraan kung paano tayo makakabayad. Nandiyan naman po si ate Emerald, magtutulungan po kami, magtutulungan po tayo. May ibang paraan pa nay, magtiwala lang po kayo.." bumuntong hininga ito at nagpunas nagpunas ng mukha gamit ang maliit na tuwalyang nakasukbit sa kanyang balikat.
"Salamat Sapphire anak, naniniwala naman akong malalagpasan natin ang mga pagsubok, basta't sama sama tayo..Teka muna at ihahanda ko ang baon mo.." tumayo na rin ito at nagsimulang magsandok ng kanin at ulam na babaunin ko. Bulod sa tipid na kapag may baon, ay luto pa ng nanay ko, kaya mas ok ang nagbabaon.
-----------
"Okay, Good Morning guys! The last time we met was your interview, and I remember, I haven't got the chance to introduce myself to you..I'm Geanna DeAntonio, and I am the company's Assistant Director.." dinig ang bulungan sa loob ng conference room ng magpakilala ang magandang babae na nag interview sa amin noong isang araw. Sabi ko na nga ba, mataas ang posisyon nito, dahil hindi biro ang postura at ang ganda. At sobrang bait pa.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...