Chapter 45

159 1 0
                                        

Chapter 45

Untamed Butterfly

Giovanni

"Did you like your new phone? I've already saved my number, so you won't forget my name..see you tomorrow, butterfly.." I ended the call and smirked. I can see her face in shocked now. I have put the phone on her bag which she purposely left it inside the car, saying she didn't need anything from the bag. So I contacted Marco who's out for his off to buy the phone, and have it delivered to me. Habang nakatuon ang tingin ko sa daan sa pagmamaneho, ay paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kanina habang nasa bahay siya. Sa totoo lang ay wala naman akong ginawa sa kwarto, kundi pinanood lang sila ni Mommy habang nagkakatuwaan sa garden. We have cctv's in the house, so we can always check or view the records when we need it, Xavier actually gave me this idea mula noong inilipat ko sa kanila ang kaso ng aming pamilya. And I didn't expect na maeenjoy ko ang pagtutok sa mga monitor nito.

I can see the two from afar, with Sapphire always holding my Lola as careful as she can. Her genuine care for her, never changed, even she knows, I'm not around. Nakakahanga ang ganitong klaseng babae, bihira na ang totoong tao ngayon. Siguro ay ramdam rin ito ni Mommy, kaya naman magaan ang loob nito sa kanya, natatandaan pa siya nito, bukod sa akin. I don't know how to react when I saw her in tears, as she listened to me while playing one of my favorite piece at the piano. I guess, she felt my sorrow. She felt my pain. She has the most sweet, naive look, specially when she realized she was crying. Nangingiting napailing na lamang ako.

Papaliko na ako sa U-Turn, nang magulantang ako ng isang pagkalabog sa gawing kanan ng aking sasakyan. I felt dizzy after my body slammed against the driver side window.

"What the fuck?" naibulong ko sa sarili ko ng makabawi sa pagkabigla at pagkahilo. Agad akong bumaba ng sasakyan at sinipat ang sira nito. Naiiling na namulsa na lamang ako at hinintay na makababa ng kanyang sasakyan ang taong nakabangga sa kotse ko, pero sa malas lang ay pinatakbo nitong muli ang kanyang sasakyan. Bastard!

---------

"Can you please call my girlfriend? Just tell her I had an accident..here..you can use my phone.." Claiming she was my girlfriend, ay nakiusap ako sa isa sa mga nurse na nag attend sa akin, ng makarating kami sa ospital. I suddenly missed Sapphire. Habang pinanonood ko ang mga tao ng paroo't parito sa emergency room, ay napa isip ako. What if, napuruhan ako sa aksidenteng iyon? Will I ever see her again? Baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon na makita siya, will she cry if I die? Will she mourn for me?

"Ah..Sir, ano po ang name ng girlfriend ninyo?" tanong ng nurse, bago muling iniabot sa akin ang telepono. Agad ko namang ibinalik iyon sa kanya matapos kong ipakita ang pangalan nito sa screen ng telepono.

"B-Butterfly po?" What's wrong with the name butterfly? Tumango na lamang ako at muling sinipat ang pasa sa aking kaliwang braso, mabuti na lamang at pasa lang ang pinsala sa katawan ko, mula iyon sa pagkakahampas ng kaliwang parte ng aking katawan sa pintuan ng aking sasakyan.

"Hello, is this Ms. Butterfly po?"  Saglit na tumahimik ang babae bago muling nagsalita.

"Mam, Mr. Giovanni DeAntonio had an accident.." ibinigay nito ang adress ng ospital. I know na mahihirapan siya sa byahe papunta rito, but I thnik, this is a good excuse para makita ko siya uli, yun ay kahit pa ilang oras palang ang nakalipas ng maihatid ko siya sa kanilang bahay.

"Uhmm..Sir, pupunta na raw po siya..maiwan ko po muna kayo rito, pahinga lang po muna kayo habang hinihintay natin ang mga lab test results ninyo.." ngumiti ang nurse at inabot na sa akin ang telepono.

Kahit ramdam ko ang bahagyang sakit ng aking katawan, ay hindi ko mapigilang matawa. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? At ano kaya ang iniisip niya? Idinial ko ang number ni Marco, para magpasundo na lamang rito, matapos nitong magtanong ng kung ano ano tungkol sa nangyari ay agad naman itong sinabi na papunta na siya. If you would ask. No, it's not the same car na nabangga ng tatay ni Sapphire.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon