Chapter 21
Untamed Butterfly
Sapphire
Ilang oras na akong naglulumikot sa higaan pero hindi pa rin ako makatulog. Ang daming pumapasok sa isip ko ngayong gabi. Naroong kinakabahan ako habang lumilipas ang mga oras, dahil baka bigla ay tumawag ang masungit na mamang yun, at kung ano ano na naman ang sabihin sakin. Naroong maiinis ako kapag naaalala ko ang pag aaway namin kanina. Nag aalala rin ako kung ano nang mangyayari sa akin, tatanggalin niya na kaya ako sa trabaho? Hindi niya gagawin iyon dahil may utang pa akong dapat bayaran sa kanya. Eh paano kung ayaw ko na? Paano kung mag resign na kaya ako? Mas lalong wala naman akong karapatang umalis sa kumpanya dahil sa pagkakautang ko. At isa pa, nangako ako sa sarili ko na kahit anong mangyari, pagsisikapan kong magtrabaho ng maayos para sa kanya. Eh kung ganon nga, ano na nga kayang mangyayari?
Sumobra na ba ako sa pagsagot sagot sa kanya? Ang sabi niya kasi hindi ko siya nirerespeto. Sa totoo lang, mabait ang mamang iyon. Kahit noong una ang tingin ko sa kanya ay sobrang strikto at masungit, well, masungit naman talaga siya, pero ang totoo niyan, iilang beses lang rin naman niya akong nasungitan. Mula noong naging PA niya ako, ay nalaman ko na hindi naman pala siya ganoon ka strikto, basta lang nagagawa ko ng maayos ang mga utos niya, matyaga pa nga niya akong tinuturuan sa mga bagay na hindi ko alam, o hindi ko matutunan. Hindi ko rin naman naramdaman pa na naubusan siya ng pasensya sakin. May angking kabaitan talaga siya, ayun nga lang kapag inabot ng topak, simpleng bagay, kinagagalit niya.
Haay! Ang gulo! Hindi ko tuloy malaman kung papasok pa ba ako bukas, o hindi na, medyo nahihiya kaso akong magpakita sa kanya dahil sa nangyari, pagkatapos ay umuwi pa ako ng maaga at hindi nagpaalam sa kanya, kapag hindi naman ako pumasok, baka magulat na lang ang nanay at tatay ko kapag may sumundong mga pulis sa akin. Baka ipahuli na niya ako sa kasong estafa? O pangloloko? Ano bang dapat ko kasing gawin?
---------
Malakas na tunog ng ringtone ang gumising sa akin, agad akong napadilat sa lakas niyon, at hinagilap ang telepono. My Handsome Boss calling, kinabahan ako at nilingon ang aking wall clock, 8:30 ng umaga, late na ako ng thirty minutes. Hmmp! Eh ano naman? Makaisip nga ng ipapalit sa pangalan niya. Ipinatong ko ang telepono sa aking maliit na dresser, at hinayaan iyong tumunog ng tumunog. Hanggang sa napilitan na akong sagutin.
"The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.."
"Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang nangyaring gyera sa aming dalawa kagabi?
"Toot..toot..toot.." exaggerated kong sabi. Kung pwede ko lang talagang i end ang tawag niya ay ginawa ko na.
"Sapphire! If you don't come right now, I swear I'll go there and drag your lazy ass over here!" Pinagbabantaan niya ba ako? Ang yabang talaga ng mokong na to.
"Akala ko ba naiirita ka na sakin? Kasi careless ako, kasi clumsy ako, kasi maingay ako? Ha?" gigil kong tanong. Totoo naman, kagabi lang pinagtabuyan niya ko.
"You owe me-" advance ako mag isip kaya agad ko ng pinutol ang ano pamang sasabihin niya. Alam ko naman na wala akong ibang pagpipilian kundi ang manatili sa kompanya niya.
"Okay!okay! Coming!coming!" halos ay madurog na yata ang labi ko sa pagkakagat ko, dahil sa matinding asar. Kung may choice lang sana ako. Kung meron lang sana. At iyon na nga ang isa ko pang iniisip kagabi, na hawak niya ako sa leeg dahil sa utang ko. Pinutol ko na ng tawag kahit nagsasalita pa ito. Kunot kunot ang ilong bumangon ako saking higaan, hindi ko maiwasan mainis pa rin dahil sa nangyari kahapon. Pero alam ko naman na wala akong magagawa, kundi magtiis, dahil naka pangako akong matratrabaho sa kanya hanggang sa sabihin niyang bayad na ako. Haay! Ano ba itong napasok ko!?
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...