Chapter 10
Untamed Butterfly
Sapphire
Muli akong tumayo sa ikatlong beses at nag doorbell sa opisina ni Mr. DeAntonio. Kahit kasi anong gawin ko ay hindi makuha ang itinuro niya kanina lamang sa computer. Bakit ba kasi hindi mo makuha kuha Sapphire? Naku naman.
"Excuse me Sir," agad naman bumukas ang pinto. Nagmamadali akong lumapit sa kanyang desk at deretsahan sinabi ang pakay ko.
"Sir, hindi ko po kasi talaga makuha yung tinuturo ninyo sa excel kanina.." kamot kamot ang tengang sabi ko. Nag angat ito ng paningin at huminga ng may kalaliman, tsaka pinagpatong patong ang mga papel na binabasa niya nung madatnan ko siya.
"Come here, " iminwestra nito ang kanyang ulo, na umikot ako papunta sa kanyang pwesto. Na ginawa ko naman. Ayan, tingnan mo ng mabuti yung gagawin niya para hindi ka na magtatanong uli. Itinukod ko ang kamay ko sa kanyang malapad na desk at saglit na naghintay na galawin nito ang mouse. Haay.
Ang ganda ganda naman ng kamay niya, parang mas makinis pa sa kamay ko. Siguro ang lambot ng palad niya. Ang bango bango pa, palibhasa ay hindi pinapawisan dito sa loob ng opisina. Hindi kaya sumasakit ang pwet nito sa maghapong pag upo? Nagulat pa ako ng tumayo ito at umikot sa likod ng kanyang swivel chair.
"Sit.." mabilis na dumako ang nagtatanong na mata ko sa kanya.
"D-Dito po?" pinauupo niya ako sa upuan niya? Bakit naman kaya?
"Yes, I'll show you how.." Ah..akala ko naman kung bakit niya ako pinauupo. Nagkibit balikat na lamang ako at sinunod ang sinabi nito. Kimi akong umupo sa mataas niyang upuan, halos hindi ko na maabot ang sahig ng makaupo ako, pakiramdam ko lulubog ako sa laki at taas ng upuan na iyon. Muntik pa akong mapatili ng maramdamang bahagyang bumaba ang swivel chair, iyon pala ay ini adjust nito para makaupo ako ng maayos. Ipinatong ko muna ang dalawa kong kamay sa aking mga hita, at naghintay ng susunod nitong gagawin.
Hinawakan nito ang mouse, at iniscroll. Maya maya pa ay nagsimula na itong ipaliwanag at iturong muli ang mga hindi ko naiintindihan, may time na tumatayo lang ito sa aking likod habang nagsasalita, minsan naman ay yuyuko ng malapit sa aking mukha habang iniiscroll ang mouse, ako naman ay patango tango lang habang nakikinig sa kanya, at paminsan minsa ay nagtatanong din.
"No, hindi ganyan, highlight first, copy, and paste it on the rows.." puna nito sa akin habang pinanonood ang ginagawa ko. Tssk. Ang hirap naman kasi pagsunuod sunurin ang mga 'to eh.
"Wait, lets repeat from the start.." lumapit ito sa aking likuran, at ipinatong ang kanyang kamay sa aking kamay na siyang may hawak ng mouse, at nagsimulang mag scroll, at mag copy paste. Oh my! Ang lambot nga sa pakiramdam ng palad niya. Ako naman ay biglang hindi na makapag concentrate dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Pati yung hininga niya tumatama sa pisngi ko. At sa twing sinasabi nito ang "ok?" ay tumitingin pa ito sa akin, para makita kung nakukuha ko ang sinasabi niya. Tumatango na lang ako, pero hindi ko na tinatangkang lingunin pa siya, dahil baka himatayin pa ako pag natitigan ko ang perfect niyang mukha.
Maya maya pa, ay hinawakan na nito mismo ang aking kamay, at sa pagtataka ko ay napalingon na ako sa kanya. Mapungay ang matang inalalayan ako nitong makatayo, na pinagtatakhan ko kung bakit kusang sumusunod ang katawan ko. Nang makatayo kami, ay napakislot ako ng bigla ay yakapin niya ako mula sa likod.
"Do you know how to dance, Sapphire?" mahinang bulong nito sa aking tenga, na animo'y isamg kuryenteng gumapang sa buo kong katawan.
"S-Sir, ano po bang ginagawa ninyo?" pilit kong ikinakawala ang sarili sa pagkakayakap nito sa aking beywang, pero malakas ang mga braso niyang nakapulupot rito. Bumibilis na ang paghinga ko, sa hindi ko malamang dahilan. Ano bang nangyayari sa kanya? Kanina lang ay seryoso siyang nagtuturo eh..
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
