Chapter 18
Untamed Butterfly
Giovanni
I want to punch him to death! Pakiramdam ko tuloy ay tanga ako, dahil nagpatangay ako sa agos ng mga pangyayari. When Ivo told me that the car was fixed, I thought okay na ang lahat. Akala ko ay tapos na ang problema, naipagawa naman talaga niya ang kotse. Pero nagulat na lang ako ng malaman na ang perang ibinigay rito ng taong liable sa nangyare, ay pera ko rin na na hininging kapalit ni Sapphire, para pumayag itong maging PA ko. Dahil siya at ang babaeng sinasabi ni Ivo na anak ng may ari ng jeep na nakabangga sa kotse, ay iisa. Well, I admit, hindi ko naman talaga gaanong ininda ang nalaman kong iyon.
I don't really mind that money. Infact, I saw an opportunity. Opportunity to make Sapphire stay in the company, until I say so. Why do I want her to stay? Iyan ang gusto kong malaman. This past few days, hindi ko maintindihan ang sarili ko. I always feel the urge to see her. I want to know her more. Maybe this unfamiliar feeling started the time I saw her efforts to help Jed's team. When I saw how dedicated she is to her job. How I see her interact with people. Kung paano niya napapansin ang mga bagay o tao na hindi napapansin ng iba. Gusto ko malaman kung ano nga ba ang nararamdaman ko, that's why I made sure, na hindi siya basta basta mawawala, not until, malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ako basta bastang humahanga sa babae. Siguro dahil bata pa lang ako ay na expose na ako sa iba't ibang uri nila. Specially the ones in the upper class? For me, they're all the same. Siguro nga ay ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng katulad niya, simple, hindi maarte, handang gumapang kung saan magawa lang ng maayos ang trabaho niya.
Flashback
"Matthew, is Sapphire already here?" tanong ko sa isang staff ni Jed ng makasalubong ko ito sa entrance ng building, kasalukuyan silang naghahakot ng mga props at inilalagay sa shuttle service, para maihatid na sa venue.
"Ah..yes Sir, nasa taas pa po siya, inaayusan po yata.." I'm supposed to go directly to the venue, pero pinili kong dumaan muna rito sa building, para i check ang mga dapat pang gawin. And, maybe..maybe to see if Sapphire is still here.
Alam kong humingi na ako ng sorry sa kanya tungkol sa inasal ko kahapon. But somehow, I still feel guilty, so I wanted to talk to her. I should've brush it off, sino ba siya para humingi ako ng sorry sa kanya, I'm the boss here, so whatever I say, whatever I do, at kahit ano pa ang asal ko sa harap niya, ay wala akong pakialam. But..that's not the case.
Nasabi ko na noong una pa lang, I can't stand being rude to her. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao, particularly, when I see the expression on her face, na akala mo ay batang pinapagalitan.
"Tell her, kailangan siya dito sa lobby.." utos ko rito, bago nagtungo sa gilid ng reception area para doon maghintay. Ilang minuto pa ang nakalipas, ay narinig ko na nag mamadaling mga yabag ng paa, and I definitely knows who it is. Nang bahagya kong itagilid ang ulo ko para sumilip sa nakaharang na pader ng lobby, ay napigil ko ang aking paghinga. Her back is turned against me, as if waiting for her prince.
This is the first time I've seen her wear such a dress. And I admit, I was fascinated. Ilang ulit ko pang pinasadahan ang kagandahan niya mula sa kanyang likuran. It is not the kind of beauty I used to see. Because the beauty infront of me, is so pure and innocent. Ipinasok ko ang isang kamay ko sa akong bulsa at lumapit sa kanya ng makitang lalabas na sana ito. Maingat ko siyang hinawakan sa braso para pigilan siyang lumabas. Medyo nabigla siguro siya ng naramdaman ang palad ko, kaya umakto pa siya na akala mo ay may kalaban.
"Where are you going?" tanong ko, habang pinagpapala ang mga mata ko sa kanyang mukha. Kakaiba ang ganda niya ngayong gabi. Bumagay sa kanya ang manipis na make up at ayos ng kanyang buhok. And I knew it, babagay sa kanya ang design ng dress na naisip ko, which I exactly told Jed. Though I know he was wondering why I personally ask him to make that dress for Sapphire, hindi naman na siya nagtanong. And I'm thankful for that, dahil kung tatanungin niya ako kung bakit, ay hindi ko rin alam ang sagot.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
Roman d'amourUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
